Chapter 3. "Nerdy Prince"

19.6K 684 35
                                    

Chapter 3. "Nerdy Prince"

Amiko's POV

"Pakawalan niyo si Amiko" sigaw ni Francis sa limang lalaking kurimaw. Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Francis habang masamang nakatingin sa mga kurimaw. Ewan ko ba pero biglang lumambot ang puso ko nang dumating si Francis para bang nasa fantasy lang ang lahat ito. Yung boses niya, na may halong pag-aalala sa akin ramdam ng puso ko ang kakaibang tuwa.

Pinunasan ko ang mga luha ko habang si Francis naman ay nakatayo sa harap ako. Imagine? Yung ganyan kagwapong nilalang prinoprotektahan ka? Di ba, parang hindi ako si Sadako? Pero paano niya lalabanan ang limang kurimaw na 'to? Napatingin ako sa limang kurimaw na masamang nakatingin kay Francis.

"Sino ka ba pare?" tanong ni Kurimaw 1.

"Pre walang basagan ng trip, bakit? Gf mo ba yang nakakatakot na 'yan?" Sabat ni

Kurimaw 2. Naglakad pa abante si Francis ng tahimik. Seryoso ang mga kilos at expression ng mukha niya habang nakapako ang tingin sa limang kurimaw. Lalabanan niya ba talaga ang limang kurimaw na 'yan?

Nagbilang ako sa isip ko. Binilangan ko talaga ang pagsugod ni Francis sa mga kurimaw.

Isa, dalawa, tatlo!

Napapikit ako nang makalapit si Francis sa limang kurimaw, pero agad akong napamulat nang wala akong narinig na balibagan. Pagmulat ko, halos mahulog ang mga mata ko sa nakita ko. Si Francis habang kinukuyog ang isang kurimaw at masayang nagtatawanan.

"Mga pare naman, wag niyo naman pagtripan ang Gf ko. Kahit naman nakakatakot yan eh, mahal ko yan." Napanganga ako sa narinig ko. Ano daw?

"Ano? Totoo Francis? Gf mo ang nakakatakot na yan?" Hindi makapaniwalang sigaw ni Kurimaw 1. Sinimaan ko naman siya ng tingin at agad siyang umiwas ng tingin sa akin. Jusme, kalaki-laking tao takot kay Sadako?

"Oo pre, sorry di ko sinabi sa inyo ah" Napatingin ako kay Francis na masayang tumatawa. Sandali naguguluhan ako. Kilala niya ang mga kurimaw na 'to?

"Potspa pre, wala na ba ang taste mo sa babae?" Sabat naman ni kurimaw 2. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian lang ako ng kurimaw. Hiya naman ako sa kanya na ginawang braces ang mouthpiece. Natigil naman ako sa pagtingin kay kurimaw 2 nang marinig kong tumawa si Francis.

"Wag naman sa harap ng Gf ko pre" Aniya't tiningnan ako saka kumindat. Napangiwe ako sa ginawa niya. "Tara na Amikobabes, hahatid na kita sa inyo" Halos mandiri ang mukha ko sa sinabi ni Francis, takte halos tumayo ang bangs ko sa sinabi niya, and the fact na di ko maimagine na may kaibigan siyang mga kurimaw.

Lumabas na kami sa madilim na iskinita kung saan ako dinala ng mga Kurimaw. Habang naglalakad kami ni Francis, napansin kong...

"owww" hinila ko ang kamay ko na hawak ni Francis. Kaya naman napahinto kami sa

paglalakad.

"Bakit Amiko?" tanong nito pero nakayuko lang ako at di maiharap sa kanya ang mukha ko. Ewan ko, kahit na may nakaharang na bangs sa mga mata ko. Malinaw kong nakikita ang mukha ni Francis.

"Uy Amiko" humakbang siya papunta sa akin, pero umurong ako palayo sa kanya.

"Ayos ka lang ba? Teka? May ginawa ba sayo ang mga lokong yon?" nagaalalang tanong niya sa akin.

"Wala." Maikili kong sagot dito.

"Eh bakit ka ganyan?" Pangungulit niya.

"Wala sabi." Mabilis kong sagot.

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now