Chapter 42.

5K 209 24
                                    

Chapter 42.

Amiko's POV

Lumipas ang ilang araw. December 24, Christmas Eve.

"Guys tara na!!! malapit na mag-12!!!" tawag sa amin ni Menchie. Nasa loob kasi kami kumakain.

"Tara na Amiko" yaya sa akin ni Francis, ngumiti ako sa kanya sabay hawak sa kamay nito. Lumabas kaming dalawa ng magkahawak ang kamay.

Paglabas namin, nasa labas na din ang lahat. Nandito silang lahat sa bahay namin nag-celebrate ng pasko. Ang saya ko. Sobrang saya. Sa buong buhay ko. Ito ang unang beses na nagcelebrate ako ng pasko. Kasama ang mga kaibigan na hindi ko aakalaing darating buhay ko. Kasama rin ang Papa ko. At ang lalaking pinakamamahal ko.

"10"

"9"

"8"

"7"

"6"

"5"

"4"

"3"

"2"

"1" sabay sabay kaming sumisigaw habang nagsisindi sila ng kanilang mga pailaw at si Rupert na nagsisindi ng fireworks.

"hoy baby mag-ingat ka sa pagsindi ahh" pagaalalang sabi ni Ayesha

"Oo naman baby" sagot ni Rupert sabay kindat pa.

"uyyy ang lalandi niyo!!!" bulyaw nila Fenrir, Kaye at Denise.  >///<

"MERRY CHRISTMAS!!!"

"whooaa!!!"

"merry Christmas!!!" nagsigawan kami kasabay ng pagputok ng fireworks sa langit. Lahat kami nakamasid sa langit at pinapanuod ang fireworks. Ang ganda, ang kukulay. Ang saya. Ang sarap sa pakiramdam. Tinignan ko sila isa-isa habang nakatingala na nanunuod. Masaya silang lahat, nakangiti at nagtatawan. Habang pinagmamasdan ko sila, may humawak sa kamay ko. Napalingon ako sa tabi ko. Si Francis, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.

"Merry Christmas Amiko" he said. Ngumiti pa ito ng sobrang liwanag.

"Merry Christmas Francis" sagot ko rin dito. Dahan-dahan namang kumilos ang mukha nito palapit aking mukha. Nakatitig lang ako sa kanya. Habang papalapit ang mukha ni Francis at aktong hahalikan ako.

*click*

"ouch!!" nagulat siya ng bigla kong kunan ang mukha nito.

"hahahahahah tignan mo yung nguso mo Francis oh hahahaha para kang goldfish"

"ang daya mo ah, aba gumaganti ka ba sa akin?" nagpout pa ang mokong sa ginawa ko.

"hahahah eh bakit ba? Ilang beses mo nga ginawa sa akin 'to eh"

-_- "hmp, akin na yang camera, burahin mo yan" inagaw naman niya sa akin ang camera kaya naman nilayo ko sa kanya.

"wag hahaha walang burahan, ang daya mo naman eh hahaha"

"akin na yan sabi eh" tumalikod ako sa kanya, niyakap naman niya ako mula sa likod ko habang pilit na inaabot ang camerang hawak ko.

>.< "Wag haha madaya ka Francis"

"sige ka kikilitiin kita?"

"wagg hahahaha"

Kiniliti naman ako mokong sa tagiliran ko. Kaya muntik na ako madulas, pero sinalo niya ang bewang ko. Napatingin ako sa mukha nito habang hawak niya ang bewang ko na tila nagsasayaw kami ng sway.

Parang huminto ang oras ng mga time na yun. Hinawakan ko ang buhok niya kahit na ang hirap ng posisyon namin. Matapos kong hawakan ang buhok niya. Bigla niya akong kiniss pero hindi naman matagal.

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now