Chapter 21.

11.9K 373 125
                                    

Chapter 21.

Amiko's POV

"bahala siya, akala naman niya" nagkulong ako sa isang cubicle. Kahit na ni-lock ko ang CR dito sa second floor at nilagyan ng out of order sign sa pinto. Gusto ko lang kasi ng place na mapaglalabasan ng sama ng loob. Ewan ko ba kung bakit nandito ako sa CR. -__-

1:00pm na, after namin mag-lunch, nagpa-alam ako sa kanila na parang suamama ang tiyan ko kaya naman agad akong tumakbo sa CR, kahit na hindi naman ganun ang sitwasyon ko, kanina pa kasi sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ni Francis, ganun na din si Rupert, nandyan nanaman silang dalawa, ginugulo ang process ng mga nerves sa utak ko. -__- and that a bit pissed off.

Ano bang gagawin ko? Pero si Francis naman na ang nagsabi na, si Rupert naman daw ang papanuorin ko mamaya, yun nga ba talaga ang ibig niyang sabihin don?

*sshgg*

Nagulat ako sa narinig ko.

"sino kayang baliw ang naglagay nito sa restroom ng mga player?" huh!? That voice, si Francis yun ah. Teka? Hindi 'to restroom ng babae? -__- ang tanga ko talaga. kakamadali ko hindi ko na napansin.

Narinig kong binuksan niya ang pinto at pumasok dito. Marami sila, mga tatlo siguro.

"Francis pare, una na kami sa baba ah!" paalam ng kasama nito.

"Sige pare, sunod ako para sa warm up!" umalis na ang mga kasama nito. So? mag-isa na lang siya dito? Ay hindi pala, kasi dalawa kaming nandito.

"nakakapagod naman...makaligo nga muna..."

O////o sumilip ako sa grid ng pinto ng cubicle. Yung maliit na part ng pinto na may butas butas. Nakita kong naghubad ng pangtaas si Francis habang nakatingin sa salamin.

"hahaha ang gwapo ko talaga, hahaha ang ganda ng katawan ko! whooa!" -__- ang yabang din pala nito sa sarili niya nagpopose pa na parang model ng gym. -__-

"...pero, kahit naman ganito, yung babaeng mahal ko, ayaw naman saken." Lumungkot ang tono ng boses nito. Nakatingin sa salamin ito habang pinagmamasdan ang sariling reflection.

"Amiko, mga bata palang tayo, ikaw na ang gusto ko...ewan ko ba, pero...kahit na nakakatakot ka at lagi mo akong kinaiinisan, ikaw pa rin eh"

O___O parang maiiyak na ako sa naririnig ko. bwisit.

"...pero, ayos lang, basta maging Masaya siya Francis, dapat maging Masaya ka na din para sa kanya. Hahaha ano ba tong ginagawa ko, nababaliw na yata ako dahil sa Sadakong yon hahaha"

Huh! Nabigla ako ng gumalaw na si Francis patungo sa mga cubicle kaso ang nangyari sa akin, natapilok ako at...napasandal sa cubicle door na hindi ko na-lock. Kaya naman bumalandra ako sa labas ng cubicle.

O___O

"WAHHHHHHHHHH Halimaw sa toilet bowl!!!" sigaw ni Francis pero agad namang natigil ito "huh? Amiko? A-anong ginagawa mo dito?"

Tumayo ako at inayos ang sarili ko, pero ang nakakagulat pa sa nangyari ngayon.

O___O

"WAHHHHHHHH BASTOS!"

Napatakip ako ng mukha ko ng makita ko Francis na naka-topless at, nakatapis lang ng towel...pero yung towel niya malalaglag na.

"hahahaha sorry Amiko ikaw kasi ginulat mo ako, hahahaha ito naman..." inayos niya ang tapis niya "oh ayos na! bakit ka ba nandito? Teka? Pinagnanasaan mo ba ako?"

O////o

"HINDI! ANG KAPAL MO!" tumakbo ako ng nakayuko para hindi na siya makita at nang matakpan ang kahihiyang ginawa ko. Pero noong palabas na ako ng pinto. Hinawakan niya ang braso ko pabalik sa kanya.

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now