Chapter 11.

12.7K 462 16
                                    

Amiko's Pov

"Baliw ka talaga! Dapat di mo na ginawa yun!"

"hahahah alam mo, kung makikita mo yung mukha mo kanina? Akala mo nawalan ka na ng stuff toy mong hello kitty, hahahha grabe! Ang saklap!"

Sige lang siya kakatawa. Actually, kanina pa siya tawa ng tawa at hindi na ako natutuwa. Imagine? Nag-alala talaga ako sa kanya tapos umaarte lang pala sya. Sayang ang luha ko sa kanya kanina ah. Nakakainis talaga tong lalaking. Grr!

"Uy Amiko" kinalabit niya ako habang naglalakad na kami pauwi sa bahay.

Hays, ano bang iniisip ng lalaking toh? Hindi maganda ang ginawa niya. Kinabahan ako, as in sobrang kaba. Akala ko, mangyayari nanaman yun.

Ano ba ang nangyari kanina?

***Flashback***

"Francis? FRANCIS!!!!!!"

Ginawa ko nga ang sinabi niya. Tumalon ako patungo sa kanya. Akala ko naman sasaluhin niya ako. Per di ko akalaing, madadaganan ko sya.



"Francis?" inayos ko ang sarili ko at tinignan si Francis. Wala siyang malay.

"Francis! Hoy gumising ka!" inalog-alog ko sya pero hindi ko nakikita nammulat ang mga mata niya. Nagumpisa nang pumagilid ang mga luha ko.

"Francis!!!" Nilakasan ko pa ang pa-alog sa katawan niya. Lumingon lingon ako sa paligid para humingi ng tulong pero walang taong dumadaan.

"Francis, hindi, hindi ka pwede mawala." Tuluyan na ako umiyak sa tabi niya habang niyayakap ang katawan niya.

"Francis!!!!"

Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya, pero maya-maya. Nakaramdam ako ng parang nanginginig ang katawan ni Francis. Maya-maya pa, may narinig akong mahinang bungis-ngis.

Dahan-dahan kong nilingon ako mukha ni Francis. At kung mamalasin ka nga naman.

"hihihihihihihihi" parang timang si mokong na nagpipigil ng tawa. Agad na kumulo ang dugo ko.

"LESHE KA TALAGA!" malakas kong hinulog ang katawan niya sa semento at tumayo. Pinunasan ko din ang luha ko.

Nakakainis talaga. Nakakahiya. Akala ko naman. -___- peste naman oh.



***End of the Flashback***



"hahahahaha sorry naman. Pero nakakatawa ka talaga kanina hahahaa"

"sige tumawa ka pa tutuluyan kita jan!"

"Weh? Pero sabi mo kanina "Francis, hindi, hindi ka pwede mawala" with matchin iyak-iyak pa. hahahaha"

Ginaya niya pa ang boses ko na medyo naiiyak. Grrr!!! Ang lakas talaga mang-asar, pero bakit?

Namula naman ako sa sinabi niya. Na di ko alam kung sinabi ko nga ba? At kung nasabi ko nga naman yun totoo nga ba? Hays ang gulo naman.

"Oh? Bakit hindi ka na makapagsalita jan? Totoo ba yun Amiko? Tsaka bakit naman hindi ako pwedeng mawala?"

-_- TULAD ng inaasahan ko. Itatanong ng mokong na kasama ko ang mga bagay na yan. -_-

Teka? Bakit nga ba? Ano bang nangyayari sayo Amiko? Huminto ako sa paglalakad habang hawak ang bike kong medyo nasira.

"FRANCIS!" narinig kong nabigla siya sa bigla kong sigaw ng pangalan niya. "huwag na huwag mo na ulit gagawin yon! Hindi maganda yung ginawa mo!" Hindi ko alam pero parang may namumuo ng luha sa mga gilid ng mata ko. Lalo pa at nakikita ko ang reaksyon no Francis na gula na gulat sa sinabi ko.

"Papaano kung may nangyari sayo?" hindi ko din namalayan na humihikbi na pala ako, nadadala na ako ng emosyon ko ngayon at takot ko kanina. "paano kung, mawala ka, paano kung—" napapikit na lang ako habang nagpupunas ng luha gamit ang mga kamay ko, narinig ko din ang pagbagsak ng bike ko. Pero ang mas ikinagulat ko.

Bigla akong niyakap ni Francis. Napamulat ang mga mata ko sa pagkabigla. Sobra akong nabigla sa ginawa niya. Yakap yakap niya ako napakahigpit.

Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak sa lukuran niya.

"Ano ka ba Amiko, para kang bata. Hindi ako mawawala sayo. Hinding hindi. Lagi lang naman ako nandito para sayo noh"

Mas nagulat ako ng sabihin niya ito sa akin.



Sa Bahay...



"Uwi na ako ah! Osya! Wag ka nang umiyak? Walang masakit saken! Ikaw? Ayos ka lang ba?"

"Si-sigurado kang ayos ka lang?" tanong ko sa kanya. Matagal siyang tumitig sa akin bago siya magsalita.

"Oo naman." Sabi nito sabay ngiti. Napangit na lang ako ng kaunti.

"Teka?" lumapit ito sa akin. Hinawakan niya ang mga buhok kong tumatakip sa mukha ko. Kaya naman nakikita niya ang mukha ko.

Nakatitig siya sa akin habang ako din ay nakatitig sa kanya. Ang lapit ng mukha niya, malinaw kong nakikita ang mukha ni Francis. Palapit ito ng palapit sa aking mukha. Teka? Mukha ba o labi?

Dahan-dahan kong pinikit ang mata ko at ni-reach out ang labi ko. Pero..

**Click** **Flash**

"Hahahahaah! Tignan mo Amiko, ang kulit ng mukha mo! Hahaha parang manok na ang haba ng nguso! Hahah maganda toh! Hahahaha"



-___- kahit kelan talaga. Baliw siya.



"UMALIS KA NA NGA!!!" tinulak ko na siya palabas ng gate. "HUWAG KA NG BABALIK! NAKAKAINIS KA"



Tumawa lang siya habang tinutulak ko paalis ng bahay. Naglakad na siya palabas ng gate at tuluyan ng umuwi.

Naiwan ako sa gate na nakatayo at parang baliw na gulat na gulat sa ginawa ko.

"Ano bang akala mo Amiko? Baliw ka!" sinampal ko ng mahina ang pisngi ko. Papasok na sana ako sa bahay pero.

"Amiko" napalingon ako sa tumawag sakin. Inan-lock niya ang gate at pumasok. Pumunta ito sa akin at.

Hinalikan ang pisngi ko. Para naman akong timang na nanigas na nakatayo.

"Good Night..." He smiled at teasingly at tuluyan ng umalis ng bahay.

Kinabukasan...

"Amiko!!! Sure ka na ba?" tanong ng isa kong kaklase. Medyo napaurong ako kasi ang hyper niya.

"ahh, ehh...Oo.." nahihiya kong tugon dito.

"YES!!! FINALLY! I AM PRETTY SURE! TAYO ANG MANANALO."

Habang masayang nagdidiwang ang kaklase ko sa harap ko. Napansin kong wala pa si Francis sa upuan nito. Malapit na din magsimula ang klase. Ano kaya ang nangyari don?

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now