Chapter 5. "Love Hunt"

18.5K 654 63
                                    

                   

Chapter 5. "Love hunt"

Amiko's POV

"Late na ko!" Agad kong kinuha ang bag ko at mabilis na nagsuot ng sapatos at kumaripas na lumabas na ng bahay.  Pero pag labas ko ng bahay.

"Francis?" Bigla kong sabi. Hindi ko pa nasusuot ng maayos ang sapatos ko at napahinto ako nang makita ko si Francis sa tapat ng gate namin.

"Good Morning Amiko!" nakangiting sagot niya sa akin. Aba! Nakakapagtaka? Himala at ang ganda ng umaga nito, teka? Baka set up lang 'to.

Sinuot ko muna ng maayos ang sapatos ko at saka naglakad palabas ng gate.

"Ano naman ang nakain mo Francis at ang ganda ng ngiti mo?" Mataray kong tugon sa kanya't tinitigan ng masama. "Good Morning din" Labas sa ilong kong sabi.

Lumabas na ako ng gate at sumabay na siya sa akin. Naglalakad na kami papuntang school. Imagine, sabay na kami ulit papasok.

"Ikaw talaga Amiko, kaya lalo kang mas naging nakakatakot e. Look, yung appearance mo ay pang—" Huminto siya at tinakip ang maili niyang bangs sa noo niya. "Hoo~( he's acting like that creepy Sadako) Tapos yung ugali mo pang hoo~ (he's doing it again) pa din? Cheer up! Alam mo dapat, maging makatao ka naman at hind imaging makamulto."

Medyo nag-expand ang tenga ko sa huli niyang sinabi, makamulto? Nanlisik ang mata ko't tinitigan siya ng masama.

"Anong sabi mo?" Malakas kong bulyaw sa kanya. Nakakainis talaga siya. Of all people, siya pa talaga.

"Whoa!" Nagulat niyang sabi pero ang mokong natatawa pa. Inaasar niya talaga ako. "Tama na." Aniya't patuloy pa rin sa pagtawa.

Sandali ko siyang tinitigan ng masama saka ko siya inirapan. Hindi ko na lang siya pinansin at nauna na akong maglakad sa kanya. Ang aga-aga sinisira niya ang araw ko.

Habang naglalakad ako bigla kong naalala ang nangyari noong nakaraang araw. Noong kamuntikan na akong masagasaan at niligtas ako ni Francis. Naalala ko rin na mayroong galos noon ang braso niya.

            Huminto ako at nilingon siya sa likod ko pero laking gulat ko nang makita kong may kausap siyang babae. Kanina pa ako lakad ng lakad hindi na pala nakasunod ang mokong sa akin. Kainis siya! Tiningnan ko ang kausap niyang babae, she looks familiar, schoolmate namin siya pero hindi ko siya kilala. Sabagay wala naman akong kilala sa school namin bukod kay Francis.

            Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na pauna. Pero nakakalito itong pakiramdam ko, bakit ako naiinis. Bibilisan ko na sana ang laka ko nang bigla may humawak sa balikat ko. Mabilis akong napalingon at pagtingin ko si Francis.

            "Ba't hindi mo ko hinintay?" Tanong niya habang hinihingal at pinagpapawisan. Hindi ako sumagot sa tanong niya at tinalikuran ko lang siya.         

Napahinto ako sa paglalakad ko nang may tumigil na sasakyan sa gilid ko. Tiningnan ko ang kotse, ang ganda at mukhang pangmayaman. Hinintay ko kung aandar ulit pero nabigla ako nang bumukas ang sliding window ng sasakyan at nagulantang ako sa bumungad sa akin.

"Hi Amiko!"

"Hello Ate!"

Sino ang magagandang nilalang na ito! Napaurong ako dahil sa liwanag na di kinaya ng bangs ko na harangan!

Nang mapagtanto kong mukha na siguro akong timang sa naging reaksyon ko ay umayos ako ng tayo at yumuko.

"Amiko, remember me? Rupert, Rupert Fortalejo." Sabi nong lalaki. Inisip ko naman kung may kilala ako ganon, at BINGO! Si Nerdy Prince pala. Tumango-tango ako at narinig ko siyang tumawa. "Wanna take a ride?" He offered. Di sana ako papayag kaso.

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now