Chapter 29.

9.9K 324 12
                                    

Chapter 29.

Amiko's POV

"So? Agad?" sigaw nilang tatlo matapos kong ikwento ang nangyari kagabi sa tapat ng bahay namin.

"Oo, hindi naman na dapat pa patagalin yung mga ganoong away eh" pagpapaliwanag ko habang naglalakad kami papuntang classroom.

"Alam mo Amiko" huminto si Denise sa paglakad kaya naman kami rin "Feeling ko, pabor sayo ang nangyari"

Nanlaki naman ang mata ng dalawa at napasigaw. "WHAT AMIKO?"

Hindi ko na-gets ang sinasabi nila. Ano daw? Pabor sa akin? As in in favor sa akin? Ang alin? Ang break up? Ang away? Ang hiwalayan? At kanino naman? Sa akin? Tsaka bakit naman?

Para naman silang mga mananaliksik na ang talas ng tingin sa akin.

"teka, ano bang ibig niyong sabihin?" nagulat silang tatlo sa reaction ko. Medyo OA na yata kayo mga friend. -__-

"Pabor sayo, kasi meron kang ibang gusto?" tanong ni Kaye sa akin. Hindi ko alam pero bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi sa amin ni Francis. Gosh, tuwing maiisip ko yun, feeling ko.

Teka? Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang ang weird ng puso ko? Yung mukha ko naman namumula, bakit ba sa isip ko nakatatak si Francis na nakangiti, masaya at ang liwanag niya. (*o*)

Nagbulungan naman ang tatlo kong kasama habang napapaisip ako. Kinakausap ang sarili at parang ewan na lutang habang napapangiti magisa.


*poked*

-__-

^///^

"Hoy AMIKO, nag-kiss na ba kayo ni Fafa Francis?" tanong ni Fenrir.

"WHATT???" lumayo ako sa kanila sa gulat ko. "anong klaseng tanong yan?"

Alam kong may ilang beses na akong ninakawan ng halik ng ungas na yon, pero yung kagabi. Parang kakaiba sa lahat ng nakaw na halik niya. Para bang, ang saya, ang sarap ang gaan sa pakiramdam ko. Para bang, nanghuhumaling ako sa halik niya.

>///< eng lende ke pows.

"Sus, ano nga Amiko?"

A few minutes passed.

"what?"

"gosh"

"omg"

Nagtatalon ang mga loka sa kilig ng ikwento ko sa kanila ang nangyari kagabi. Kahit din naman ako napapangiti noong mga oras na sinasabi ko sa kanila ang nangyari. Ewan ko ba, kung ano ang pakiramdam na 'to. Basta ito yung feeling na, ang gaan at ang aliwalas sa pakiramdam mo.

Nag-ring na ang bell at pumasok na kami sa room. Pagpasok namin agad kong nakita si Francis sa desk na nakaupo habang nakikipagtawanan sa mga kaklase namen.

"Ayiiieepp, pasulyap-sulyap" pang-aasar ng tatlong loka. >///< weg nge keying genyen.

Tinitigan ko lang si Francis habang marahan na naglalakad patungon sa aking seat. Parang bagal ng oras habang pinagmamasdan ko siya. Tapos yung paligid ng mukha niya parang liwanag, parang saya-saya niya. Yung mga ngiti niyang tumatatak sa akin isipan.

*O* Lord, Angel po bas i Francis?

*tok*

"aray ko naman" nabalik ang sarili ko sa realidad habang nagtatawanan ang mga classmate ko na ngayon ay nakaupo na ng maayos. Habang ako, nasa harap pa rin ng klase na nakatayo. Gosh. Kanina pa ba ako nandito?

"Miss Gonzales, maupo ka na!" sigaw ng first period teacher namin sa akin. Naglakad na ako papunta sa seat ko. Gosh, nagde-daydreaming pa ako. Nakakahiya naman.

Sadako's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon