Chapter 34.

8.4K 297 16
                                    

Chapter 34.

Amiko's POV

December 13. Friday. 7:44am.

Bukod sa nangyari kagabi na hanggang ngayon gumagambala pa din sa tililing ng utak ko. I push myself na maging okay sa harap ng lahat. Tapos sa calendar, Friday the 13th pa. Feeling ko tuloy maraming unlucky things na mangyayari ngayon. Lord wag naman po sana, ang sakit na sa bangs eh, maikli na nga bangs ko tapos ang sakit talaga Lord. T^T *pray*

Lumabas na ako ng bahay. Tahimik. Seryoso. Ang lamig pala. Pumasok ako ulit sa loob at kumuha ng jacket. 7:30am. Ni-lock ko na ang pinto at lumabas na ng gate. Paglabas ko ng gate. Nagulat ako sa taong nakita ko.

"Rupert?"

"Hello Amiko"

Naglakad kami ni Rupert papunta sa school. Pupunta raw kasi siya dun para sa SC office. May aasikasuhin yata. Nakauniform siya, sa ibang school nga lang. Noong una, medyo awkward. Ganun pa din ang itsura niya mula noong una ko siyang nakilala bilang si kuyang gwapong nerd. Hanggang ngayon, crush ko pa din siya, paghanga lang naman. Hindi ko rin naman maaalis sa buhay ko si Rupert. Naging parte na siya ng horror movie ko na ngayon para isa nang romance-comedy-drama.

"So how's life Amiko?" he started the conversation.

"Ayos lang naman. Ikaw? Kamusta na kayo ni Ayesha?" I smiled at him.

"ayon, ayos lang kami, mas naging maganda at maayos ang relasyon namin. Sabi nga sa akin ni Ayesha, she want to thank you for everything"

"hehehe wala lang sa akin yun. Masaya ako para sa inyong dalawa" I smiled again.

Alam mo yung feeling na may nagsasalita sa isip mo? Yung may kumokontra sa sinasabi ng bibig mo. Para ganito ang nararamdaman ko ngayon.

"thank you Amiko. So? Kamusta na kayo ni Francis?"

Napahinto ako sa paglalakad ng matanong ni Rupert ang tungkol kay Francis. Hindi ko alam kung sa tanong niya o sa narinig ko lamang ang pangalang Francis.

"Hey? Amiko, are you alright? May sakit ka ba?" wini-wave niya yung kamay niya sa harap ng mukha ko. Nabalik naman ako sa sarili ko.

"ah, oo ayos lang ako." Ngumiti ako ulit at naglakad na.

Amiko. Ang peke mo. Masakit di ba? Tanggapin mo yan. Dapat when you enter the door of love, you are ready to face everything. Lalo na ang pain. Talagang kakambal na ng Love si Pain. Hindi naman kasi lahat ng bagay sumasang-ayon sa atin ang destiny. Hindi lahat ng nararamdaman natin pareho. Hindi lahat ng akala ay totoo. May mga bagay sa mundong ito na kung hindi mo susubukan, walang mangyayari, pero kung susubukan mo man, dapat ay handa sa magiging kapalit nito.

"Amiko, be good" sabi ko sa sarili ko.

Nakarating na kami sa school, humiwalay na siya sa akin at pumunta sa office ng SC. Umakyat na rin ako sa room. Tahimik pa ang hallway, ang aga ko naman kasing pumasok. Pagdating ko sa tapat ng room. Tahimik pa. Malamang ako ang naunang pumasok ngayon. Binuksan ko na ang door. Pagbukas ko ng pinto. Agad kong nakita si Francis na nakatayo sa gilid ng seat nito habang inaayos ang ilang books at papers. Nagkatinginan kami. Siya pa lang ang mag-isa ang nandito. So? Dalawa lang kami dito? Umiwas siya ng tingin at tinuloy ang ginagawa niya. Unemotional si Francis. Para iwas na iwas sa akin. Pumunta na lamang ako sa seat ko at inayos din ang mga books at papers ko. Tahimik sa loob ng room. Tanging ingay mula sa labas ng building ang naririnig namin. Ganun na din ang ilang student na napapadaan sa room namin. Ang awkward.

Hindi ko alam, pero napalingon ako sa kanya. Akala ko tinawag niya ako. Paglingon ko sa kanya, napalingon rin siya sa akin.

"Bakit?" tanong nito.

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now