Chapter 8.

13.6K 504 18
                                    

Chapter 8.

Amiko's POV

"ANOOOO?" nagsilapitan saken ang mga kaklase ko. Himala, isa itong himala. Natural, lalapit lang naman sila kapag may kailangan eh. Ganyan naman na ang mga tao ngayon eh.

"sige na Amiko, malaki ang chance natin na makuha ang first prize if ever na ikaw ang gaganap" sabi ng isa kong kaklaseng may pang-clown na make-up.

"Oo nga Amiko, tsaka you know how popular you are!" singit naman ng isa kong kaklase sabay kindat saken.

che! Popular? as what? as a creepy cheepy school ghost? nek nek niyo.

"ahh ehh" halos urong ang salita ko sa mga sinasabi nila. Leche. And to blame the reason of this. Its him. The one in front of our class.

leche ka Francis ka!!! bibigwasan kita. >.....<

Okay, mukhang napapaisip na kayo kung ano ba tong pinagsasabi ko. Well, ehem. hindi ko din masabi ng maayos sa inyo dahil naiinis ako. Pero syempre. Behave ako. Baka matakot silang lahat sa akin once na tumaas ang aura ko.

Nagmeeting ang klase namin kung ano ang gagawin namin sa up coming school fest. Okay naman ang mga suggestions kanina. Merong gusto na mag-tayo ng stall, meron ding mag-tinda na lang daw kami, meron ding play na lang daw ang gawin namin. Pero sadya talagang pinagpala tong mokong na si Francis ng maykapal at sadyang kumapal ang mukha.

*Flashback*

"Yes Francis? do you have any suggestion?" tanong ng vice president.

Tumayo si Francis at tumingin sa akin. oww come on ano nanaman ang balak nito. Iniwas niya ang tingin niya sa akin sabay smirk.

ohhh....im sure...iba nanaman ang balak nito.

"what if, magtayo tayo ng horror house, you know, November is coming. Tsaka, yung mga suggestions nila ay for sure na may gagawa na, marami tayong competition. So, horror house na lang. and this will be more exciting if" tumingin sa akin "Amiko will play a role of Sadako at siya ang mananakot sa loob ng horror house." then he winked.

*end of flashback*

After that, eto na ang nangyari. Shocks ka talaga!!!

"Sige na Amiko"

lahat sila sige ang pilit sa akin.

*toogsh*

Tumayo ako sa pagkakaupo ko. Umurong naman ang mga kaklase ko na kanina eh kinukulit ako.

"nakakatakot talaga siya" narinig kong sabi ng kaklase ko.

*sighs*

"Sige, papayag ako." sabi ko na ikinagulat ng lahat "Papayag ako if Francis will wear a snow white costume on the day of school fest"

Nagulat ang lahat sa sinabi ko. Tumingin naman ako kay Francis na gulat na gulat.

"Ayoko nga" sigaw ni Francis sabay snob.

"edi ayaw ko din" sagot ko dito.

Yung mga classmate namin di alam ang gagawin at palit-palit lang ng tingin sa aming dalawa.

"eh bagay nga sayo yung role na Sadako eh"

"eh bagay din naman sayo ang snow white ah" maputi kasi siya.

"basta ayaw ko"

*Riinggg*





Nag-bell na at sabay-sabay na tumayo ang mga kaklase ko na halatang disappointed sa nangyari, eh sa ayaw ko ngang pumayag eh? Hindi pa ba enough na everyday niyo na nga akong kinatatakutan tapos gagawin niyo pa akong center of attraction para sa school fest? No way, as in NO WAY. Hindi pa ba sapat na araw-araw eh mukha ka nang nasa horror house every time na makikita niyo ko? Tama na yon okay? And one more thing, mahal ang talent fee ko.

Naiwan na akong mag-isa sa loob ng classroom. Ay hindi pala ako mag-isa, nandito pa din kasi si Francis a.k.a. Snow white. >.< oh di ba? Gantihan lang yan sa pagpapahiya.

Tumayo na ako para lumabas ng room, pero pagdating ko sa harap ng room. Biglang tumayo si Francis. Napahinto ako sa biglaan niyang pagtayo at napatingin sa kanya. Hindi naman maipinta ang mukha ni Francis. Seryoso ang mukha nito. So what kung seryoso siya? Eh mas mabuti na yan kesa naman na lagi siyang masaya, masayang asarin ako. Inismiran ko lang siya at derecho na lumabas ng room. Paglabas ko ng room, nakasalubong ko naman si Rupert. Muntik pa akong ma-out of balance dahil sa pag-kabigla, kaya naman inalalayan niya ako.

"Ayos ka lang ba Amiko? Bakit naman para kang nakakita ng multo?" naguguluhang tanong nito. Sus, wag ka nga, hindi ka naman multo, isa kang anghel sa lupa at iniligtas ako. >....< ang landi ko.

Dahan-dahan niya akong inalalayang tumayo.

"Okay ka lang ba? Bakit parang ang pula ng mukha mo?" patay. Huli kang Sadako ka.

Inayos ko naman ang narili ko at yumuko na lang upang hindi niya ako Makita. >.< Thanks to my long hair at natatakpan ang mukha ko.

"A-yos l-ang a-ako, salamat"

"Ah okay, ingat ka ah!" he smiled and totally go.

Ano ba naman yan. Akala ko katapusan ko na. Lagi na lang tong nangyayari hays.

Akmang lalakad na sana ako kaso...

"Di ba sabi ko sayo, layuan mo na ang lalaking yon?"

"Ay palakang bakla!!!" nagulat ako sa biglang sulpot ni Francis sa likod ko. "bakit ka ba nanggugulat?"

"Huh? Ginulat ba kita? Para kang baliw." Inismiran niya lang ako at nilagpasan na at tuluyan nang umalis. Ano naman ang problema nun?

Maglalakad na ulit sana ako kaso. May biglang tumakbo at kamuntik pa akong masagi. Pagtingin ko. Si Ayesha? Yung transfery? Nahalata ko, nitong mga nakaraang araw mejo iwas na sa akin si Ayesha, unlike noong nakasama naming siya ni Francis na kumain sa rooftop, ngayon, ibang-iba na ang aura nito pagdating sa akin. Minsan naman tuwing babatiin ko siya tuwing umaga hindi siya nagsasalita at ngumingiti lang.Hindi ko naman na pinapansin ang mga ganoong bagay.

Sadako's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon