Chapter 39.

8.5K 311 25
                                    

Chapter 39.

Amiko's POV

Napaupo ako sa isang bench. Ang lamig. Tumingala ako at nakita ko ang isang poste na may ilaw. May mga gamo-gamo na pumapalibot sa ilaw. Bigla namang bumalik sa isip ko ang nakita ko kanina.

"F-francis.." hikbi. Iyak. Sakit. Hikbi. Iyak. Yan lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Akala ko lahat maayos na. Kung kailan, handa na akong maging maayos ang lahat, bakit parang nasira pa?

Hindi ko alam bakit ako nasasaktan. Dun ba sa nakita kong magkasama sila ni Elaine. Dahil ba naghintay ako sa wala? Dahil ba nagseselos ako? Dahil ba sa niloko niya ako? Halo-halo ang sumasagi sa isipan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Napahawak na lamang ako sa aking mukha. At ibinuhos ang lahat ng aking luha. Nakakainis, naiinis talaga ako sa sarili ko. Hawak ko pa yung tupper ware na may lamang cheese cake. Tinignan ko ito. Wala naman nang kakain nito eh. Tumayo ako at tinapon ito sa trash can. Naglakad na ako pauwi sa bahay habang aka yang bike ko. Wala na yata akong lakas para mag-bisekleta pa.

Para lang akong naliligaw na bata. Wala pakialam kung may nabubunggo o may natatapakan. Lumilipad ang isip at derechong nakatulala lang sa daan. Ngunit sa likod ng aking isipan, ay naghahari ang sakit, kirot na nararamdaman ng puso ko.

Alam niyo yung feeling na, nag-assume ka? Nag-expect ka? Pero in the end. Wala. Wala namang mangyayari. And the most painful is, sa taong mataas pa ang expectation mo.

Mugto na siguro ang mata ko. Ang sakit na kasi eh. Nakakainis talaga. Wala na yata akong luhang mailuluha pa. Naubos na yata kanina. Kasabay pa ng malamig na panahon. Ang sakit na ng mata ko. -_-

Napadaan ako sa 7 eleven. Ewan ko, pero bigla ko lang naisip na pumasok. Pagpasok ko ng 7 eleven, nagulat ako sa nakasalubong ko.

"Amiko" derechong sabi nito.

"Delilah..." mahina kong tugon.

"Ayos ka lang ba?"

Hindi ko na nagawang sumagot sa tanong niya. Bigla ko na lamang siyang niyakap at umiyak sa balikat nito.

She patted my back.

"cry, just cry..." yun lang ang sabi niya.

Matapos kung umiyak. Naupo kami sa loob ng 7 eleven. Bumili siya ng dalawang cup noodles.

"here, for you. Kanina pa malamig sa labas" iniabot niya sa akin ang isang cup noodles at naupo siya sa tabi ko.

"tell me, anong nangyari" napatingin ako kay Delilah. Napaka-straightforward niyang tao. Lahat ng gusto niyang sabihin nasasabi niya.

"he fooled me" sabi ko dito.

"nino?"

"ni Francis"

"sure ka ba?"

Nagpintig ang tenga ko sa tanong niya. Napahinto ako sa paghalo ng cup noodles at tumingin derekta sa mata niya.

"Oo...I saw it with my two eyes"

"did you confront him?"

"Hindi na. Tama na ang nakita ko."

"You are wrong." Nabigla ako ulit sa sinabi nito. Iniwas niya ang tingin niya sa akin at ibinaling sa labas ng store. "minsan Amiko, kung ano pa yung nakikita natin, yun pa ang mali. Minsan, tayo ang gumagawa ng paraan para masaktan tayo. Ang pinaniniwalaan natin ang nagdadala sa atin sa tiyak na kapahamakan. Ito ang kumokontrol sa isip natin na isiping, mali ang lahat" tumingin muli ito sa akin "Amiko, hindi mata ang nakakaramdam...kundi ito." Tinuro ang kaliwang dibdib ko. "ito ang nagtuturo sa atin na tukuyin kung kasinungalingan ba ito o hindi"

Sadako's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon