Chapter 10.

12.5K 443 15
                                    





Amiko's POV







Bakit ganon ang naging reaction niya? Hindi ko alam pero i feel something with the two of them. Hmmmm maybe praning lang ako sa nangyari. Ewan ko ba, hindi ko kasi alam kung sino ba sa kanila. It was like, i am with two stores at same silang 50% OFF. At hindi ko alam kung saan ako unang papasok. Nakakainis pala ang ganitong feeling.

Umuwi ako right after umalis ni Rupert para sundan yung new student na yun. Ang sabi niya lang saken.



"Sorry Amiko, may gagawin pa ako. Sorry, maiwan na muna kita"



I just nodded after he said those words at mas mabilis pa sa kabayong tumakbo siya paalis para sundan yung new student.



Nakapagbihis na ako ng damit ko pangbahay tsaka ako lumabas ng bahay. Medyo madilim na sa labas, palubog na ang araw. Kinuha ko ang bisekleta ko sa tabi ng gate namin at ginamit ito palabas. Nilabas ko na ang bike at sumakay dito.

Ipapadyak ko na sana ang bike kaso may biglang tumawag sa akin.



"AMIKO!"



Nilingon ko naman kung sino ang lapastangang tumawag sa magandang kong pangalan lalo pa at aalis ako para bumili ng strawberry ice cream. At sino pa ba ang sisira ng araw ko? Edi si Francis. Alam niyo kung legal ang bumaril o kahit pagsumpak na lang sa taong kinaaayawan mo. Ginawa ko na kay Francis.



I just gave him dark look kasi he remains standing there far away to me. Hindi naman sobrang kayo, sakto lang. Binalik ko na ang tingin ko sa kalsada at inismiran siya.



"Amiko!"



Muli niya akong tinawag pero humarurot na ako sa pagpadyak sa bisekleta. Anong akala niya saken? Madadala niya ako sa hingal effect niya while shouting my name? ERR! Maybe I am weird person by mean of my look pero sa isip ko hindi pa noh.



Sige lang ako sa pagpadyak sa bike habang iniisip ko kung paano ko papatayin bukas si

Francis. LOLS!



"anong naman ang akala niya? Ganun na lang yon? Manigas siya"



Nasabi ko sa sarili ko. Until now kasi hindi ko lubos na maisip na gagawin niya ang bagay na yon. Edi siya ang bumida sa school fest. Alam niya naman na ang tingin ko sa mga tao sa paligid ko ay kaaway dahil ganon na lamang nila ako itrato. So what kung bakit ganito ang looks ko? AT least unique!



"hoy! SADAKO KA! HUMINTO KA!!!"



"huh?"



Halos manlaki at mahulog na sa kalsada ang mata ko sa gulat ko. Tumatakbo si Francis

kasabay ko mag-bike. Oo, mabilis ang pagpapatakbo ko sa bike and the fact na nakakasabay siya sa akin.



"Ano bang ginagawa mo? Baliw ka ba?"



"hindi, huminto ka at mag-usap tayo!" sabi nito sa pagitan ng paghingal nito.



"ayoko!"



"isa!"



"aba? Bakit mo ko binibilangan aber?"



"huminto ka na!"



"ayoko!"



Ang kapal naman ng mukha niyang bilangan ako? Ano siya? Nanay? Err?!!



"Amiko huminto ka! Delikado! Pababa ang kalsada!"



"Whatever! Alam mo, mas masarap pang mamatay kaysa ang maging bida sa school fest at pagtawanan ng mga tao"



"hindi ka naman pagtatawanan eh, kakatakutan ka!"



"Ewan ko sayo!"



Sige pa rin siya sa pagtakbo kasabay ko. Ano ba tong taong toh? May lahing kabayo?



"Amiko!"



"Che!"



"Huminto ka!"



"huh? Teka? Francis, ayaw gumana ng preno. Anong gagawin ko?"



Pagbaba ng kalsada sa amin ay merong intersection sa highway. If ever na tuluyan akong

bumaba doon, maaring akong masagasaan.



"Amiko!"



"Francis, ayaw gumana"



Sige ang pihit ko sa preno ng bike kaso, ayaw talaga. Kinabahan na ako sa nangyayari.



Pero hindi ko nakikita ang daan dahil sa haba ng bangs ko.



"Amiko, tumalon ka papunta saken."



"Huh? Natatakot ako"



"AMIKO!"



"Oo na!"



Bahala na kung ano ang mangyari. Tatalon ako papunta sa kanya. Lord kung kukunin niyo

ko, please isama niyo yung Hello Kitty collection ko sa heaven.



"Pagbilang kong tatlo"



"Oo"



"Isa!"



"Dalawa"



"Tatlo!"



Hindi ko alam, pero ipinikit ko na lamang ang mata ko habang papuntang tumalon kay francis. Habang nasa ere ako, di ko alam pero parang nag-slow-mo ang paligid ko. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Francis na nakatayo sa harap ko habang nakalahad ang mga braso nito.



Sa isip-isip ko, bakit parang kukunin na ako ng langit at may anghel sa harap ko?





*Booogssh*



Naging maingay ang mga sumunod na nangyari. Puro busina ng mga sasakyan ang naririnig ko habang nakapikit ang aking mga mata. Ramdam ko ang braso ni Francis na salo-salo ang katawan ko.





Unti unti kong dinilat ang mata ko at...





"Francis?" FRANCIS!!!!!!"

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now