Chapter 26.

10.1K 350 7
                                    

Chapter 26.

Amiko's POV

Good Morning! ^_^ sabi nga di ba, start your day with a smile. So? Smile tayong lahat.

Pumasok na ako sa room, medyo kakaiba nga eh, kasi simula nung matapos yung school fest, parang normal na tao na lang ako. I mean, parang tapos na ang horror movie ko, o di naman kaya hindi patok sa takilya at nilalangaw na lang sa mga sinehan ang nakakalokang horror movie ng buhay ko.

"GOOD MORNING AMIKO!!!"

O___O sino kayo?

Nanlaki ang mata ko sa mga babaeng bumati sa akin sa harap ng pinto ng classroom namin. Medyo napaurong din ako grabe ang itsura ko, dahil para akong natatae na ewan. Sino sila? Bakit ang dami nila tapos may banner pa sila na may pangalan ko. Hindi naman ako nagging artista ah?

"Oh? guys, look nandito na si Amiko, and she's--- err, para nanaman siyang bato" sabi ni Denise, dumating naman sila Kaye at Fenrir.

"Oh? Buti naman dumating ka na, kanina pa nangaantay yang mga fans mo oh" paliwanag ni Kaye.

"huh?" nagising naman ang diwa ko sa narinig. "ako? May fans?" nagtataka kong tanong sa kanila.

Sabay-sabay naman silang nagsalita. "YUP" at ngumiti ng mapang-asar. ^___^

-___- ano ba yan, tapos na nga ang aking horror movie, ngayon naman isang famewhore. *deep sighs*

Pumasok nalang ako sa loob ng classroom, pero nilingon ko sila (mga fans ko daw) at ngumiti lang. Pinaalis naman na sila ni Fenrir kaya safe na. Assuming ko naman. >___<

Pagpasok ko, di ko alam, pero nalingat lang ang mata k okay Francis, parang huminto na ang oras. O///o ano ka ba Amiko? Nababaliw? O sadyang baliw? Ang gulo ko naman. Pinagmasdan ko lang ang naka-side view na mukha ni Francis habang nilalasap ko ang scenario na feeling ko ay nag-sslow-mo ako dito. Kulang na lang may sumigaw ng "cut" para mahinto na ang shooting na ito.

Bakit ang liwanag ng paligid ng mukha niya. Tapos Masaya pa siyang tumatawa. Gosh. Ano bang nasa isip ko.

Hindi ko agad napansin, lumingon na si Francis sa akin.

-__- "Hoy Sadako, matunaw naman ako niyan"

O//o "huh?"

-__- "kanina ka pa nakatingin saken eh"

O//o "huh? Hindi ah, kapal mo"

-__- "bakit di pa kasi umamin eh"

O//o "ano naming aaminin ko?"

-__- "sus, alam mo naman yun eh"

O__O gosh, ano bang ibig sabihin ng lokong 'to. Leshe. Naupo na lang ako sa seat ko at inismiran siya. Napalingon naman ako sa mga tao sa likod ko at ayon. Sila Kaye, Denise at Fenrir na nagngingisian. -__- ewan ko sa inyo guys. Pag ayos ko ng mga gamit ko sa seat ko. Napansin ko ang bakanteng upuan sa tabi ko. Dati bag ko lang ang nakaupo dito. Pero, dumating nga si Ayesha at dito siya naupo, noong una, nice naman siya sa akin, hindi ko naman sinasabing bad siya, pero, nagbago siya eh. I know na may mali, dahil may connection nga sila ni Rupert, and now, she's leaving. Alam ko, bukas na siya aalis. Nakaklungkot lang kasi, akala ko magiging maayos kaming dalawa. Pero, feeling ko ang self-fish ko. T^T

Natapos na ang buong period sa morning class, nandito kami sa rooftop para mag-lunch. Nang buksan ko ang dala kong lunch box, nagtaka ako, kasi bakit dalawa?

O__O ay, oo nga pala, bibigay ko 'to kay Francis.

Tumayo ako at nagpa-alam na pupunta muna sa office nila Francis. Busy talaga siya, ang dami niya kasing ginagawa sa school kasi kasama siya board of trustees ng school. Hindi nga halata sa mokong na 'yon eh. Hindi na rin namin siya madalas makasama dahil nga busy siya.

Sadako's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon