Chapter 13.

12.7K 515 54
                                    

Chapter 13.

Amiko's POV

"Ganun nga ang nangyari" malungkot na sabi ni Kaye.

Hindi naman masamang tao si Kaye, pero halata dito ang pagiging sopistikada niya.

"A-ang sama naman nila" mahina kong sabi dito. "kaya pala ganun ang narinig ko sa kanila kanina sa loob ng CR."

"Ah? Ano bang narinig mo Amiko?" tanong ni Kaye.

"Alam mo ba Kaye, mahirap maghanap ng tunay na kaibigan, may mga taong gagamitin ka lang sa sarili nilang kapakanan, meron din naming iiwan ka na lang. Yung mga kaibigan mo, isa sila sa mga nasabi ko." Hinawakan ko ang kamay ni Kaye. "Katulad ko, mailap man ako sa mga tao, pero alam mo, may isa akong kaibigan. Kahit na isa lang siya, pakiramdam ko, milyon na ang dami niya."

"Si Francis ba ang sinasabi mo Amiko?"

"Ahh!! Ehh!??? Oo..." nahiya naman ako sa pagbanggit niya ng name ni Francis.

"hehehe halata nga, alam mo bagay kayo ni Francis"

O/////o namula naman ako sa banat nito. Kaloka.

"hehehe h-hindi n-naman eh"

"heheh Ahm, Amiko, bakit ba, mailap ka sa mga tao?"

Natahimik ako sa sinabi ni Kaya. Ewan ko ba, hindi naman ito ang unang beses na nakasama ko siya Kaye pero pakiramdam ko, close kami. Parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

"K-kasi, mula ng mawala ang mama ko...tanging ito lang ang bagay na nagpapaalala sa akin sa kanya. Tsaka, sa likod ng mahahabang buhok na tumatakip sa mukha ito, pakiramdam ko. Wala akong kasama, na mag-isa lang ako. Sa ganoong pakiramdam, parang kasama ko na din si Mama."

"Ahh..alam mo Amiko...dapat hindi ka nila katakutan."

"Bakit naman?"

"Eh, alam kong maganda ang kalooban mo." Ngumit si Kaye sa akin "Pwede bang, maging kaibigan ako ni Sadako?"

Sa unang pagkakataon, bukod kay Francis. Meron pang isang taong nag-alok sa akin na maging kaibigan ko. */\*

"Oo naman."

Kinabukasan...

"Uy! Amiko, tara sabay na tayong pumasok sa room"

"Hi, good morning Kaye..." mahina kong tugon dito. Ngumit lang naman siya sa akin at sabay na kaming naglakad papasok sa building.

Nang paakyat na kami sa building namin.

"Hi Amiko! Good Morning!!!" ^____^/ Masayang bati sa akin ni Rupert. Matagal ko din na hindi siya nakita dahil alam kong busy siya sa mga ginagawa niya sa school fest.

"he-he-he Goo-good mor-morning din" ewan ko ba, parang umuurong pabalik ang dila ko. Para bang anytime titiklop ako sa mga ngiti ni Rupert sa akin. >/////<

"Hi! Ako nga pala si Kaye, you're the Student Council president uh, nice meeting you."

Nakalimutan ko na nandito pala si Kaye. Tumingala ako at tinignan ang mukha ni Kaye, ngumiti naman 'to ng may laman. Parang nababasa niya ang bawat galaw at ang nasa isip ko. OwO

"Osya Amiko, madami pa kasi kaming aasikasuhin. Ilang araw na lang, school fest na. Good luck sa booth niyo ah! And also to you, Kaye! Bye!"

Tumango na lang ako at umalis na si Rupert.

"Uyyyy!!! Ayiieep!!!" pang-asar na sabi sa akin ni Kaye habang tinutusok ang tagiliran ko. -___- balew aba.

"Alam mo Amiko, nagkakagusto ka din pala sa mga lalaki, infairness, tama ang mga naririnig ko tungkol sa SC president, gwapo nga siya ahh naks Amiko!" she tap my shoulder.

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now