Chapter 1. "A knight in a school uniform"

34.9K 942 141
                                    

Chapter 1. "A knight in a school uniform"


Amiko's POV

Isang maliwanag na umaga ang sumambulat sa bintana ko. Silaw ng sikat ng araw na kinatatakunan ko. Hindi dahil sa init at takot na mangitim ako. Kung di ang pagpasok ko sa school. Isang lugar na puno ng maraming tao. Mga taong lahat ay kinatatakutan ako. Lahat nilalayuan ako. Masama ba maging kakaiba? At paano nila nasabing kakaiba ako sa kanila?

Naglalakad na ako papasok sa school, mga 20 minutes na lakaran lang ito at nasa school na ako, pero para sa akin? It takes a million years para lang marating ko ang school sa bagal kong maglakad. Wala naman akong sakit at hindi din naman ako pilay. Sadya lang talaga na binabagalan ko ang paglalakad ko papunta sa school. Dahil natatakot akong pumasok dito.

"Meowm...meow" Nanlaki ang tainga ko nang makarinig ako ng ming-ming ng pusa. Napahinto ako sa isang iskinita at hinanap ang pusa. Nang makita ko ang pusa, tila kuminang na diamante naman ang mata ko nang masilayan ng mga mata ko ang isang pusa na may itim at puti ang balahibo. Gusto ko talaga ang mga pusa!

Lumapit ako sa pusa dahil mukhang kawawa at gutom na. Naupo ako para hipuin ito, pero nang hihipuin ko na ito sa ulo niya ay bigla itong lumayo at saka kinalmot ang kamay ko.

"Aray!" Sigaw ko't tumayo. Tiningnan ko ang pusa at galit nag alit ito halata sa pagtaas ng balahibo nito at nag-meow ng nakakatakot saka ito tumakbo palayo. Pati ba naman pusa takot sa akin? Napabuntong hininga na lang ako at tumuloy na ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin.

"SUNAKO! SADAKO! SAWAKO!" Rinig kong sigaw niya. Nilongon ko siya at agad na kumulo ang dugo ko nang makita si Francis. Papunta siya sa akin at for sure sasabay na naman siya sa akin sa paglalakad papasok ng school. Nang makarating siya sa kinatatayuan ko. Ang kumulo kong dugo kanina ay muling limamig pagkakita ko sa ngiti niya. Napayuko ako at iniwasan siya ng tingin.

"Amiko, may tanong ako, anong mangyayari kapag pinagsama-sama ang lahi ni Sadako, Sunako at Sawako?" Tiningnan ko siya ng may pagtataka sa mukha. Kumunot pa ang noo ko sa tanong niya. Nang aasar na naman ba siya?

"Ano?" Inis at mabilis kong sabi. Lumayo naman siya sa akin at ngumiti ng malapad, at hindi ko gusto ang ngiti niyang iyon.

"E 'di chenen isisilang si Amiko!" Sabi habang winawagayway pa ang dalawang kamay niya sa akin at tawa ng tawa. Ang lakas talaga mangasar ng lalaking 'to.

"Ewan ko sayo" Ani ko't inirapan siya. Tumalikod na ako at nagumpisa na muling maglakad. Naramdaman ko namang sumunod ang mokong at sumabay nga sa akin.

"Amiko, nakita ko kanina yung ginawa mo ah," Sabi niya't tumawa. Hindi ko naman siya pinansin at naglakad lang. "Akalain mo yun? Pati mga pusa takot sayo?" Pang-aasar niya.

"Di ko kasalanan yon" Walang emosyon kong sagot habang diretso lang na nakatingin sa nilalakaran namin.

"Ganon? Eh sobrang taas nga ng balahibo e tapos ang lakas pa ng "MEOW" niya, grabe ka Amiko, siguro ako na lang yata ang di natatakot sayo." Sabi niya't tinawanan pa ako ng malakas. Nagsalubong ang mga kilay ko sa inis sa kanya. Huminto ako at ganon din siya. Tiningnan ko siya ng masama pero nakangiti pa rin siya sa akin. Jusmiyo, kahit na subukan kong mainis sa damuhong ito, magagawa ko ba kung sa ngiti pa lang niya, papatawarin ko na siya.

Tamad ko na lang siyang iniwasan ng tingin. "Pwede ba Francis, tigilan mo ako?" Mataray kong sabi at saka muling nagpatuloy sa paglalakad pauna sa kanya.

"'Yan ka na naman, nananakot ka na naman." Nakakalokong sabi niya.

"Ewan" Mahina kong sabi.

Habang naglalakad kami, panay ang kwento niya ng kung ano-ano. Kadalasan pa siyang magbalik-tanaw ng mga nangyari dati. Lalo na iyong mga nakakahiyang pangyayari sa buhay ko. Tulad na lamang ng paggupit ng kaklase ko noon sa bangs ko noong nasa grade six kami. Iyak ako noon ng iyak pero dumating si Francis at nakipagaway doon sa kaklase kong gumupit ng bangs ko.

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now