Chapter 36.

9.1K 297 21
                                    

Chapter 36.

Amiko's POV

Monday.

"Bakit ka naman jan nakabusangot? Heller? Ang aga-aga."

"Oo nga Amiko..."

-_- *sighs*

Its Monday. Uuwi na siya. At isa pang nakakatamad sa linggong ito. Ay sa Wednesday. Birthday ko. Tapos sa Friday. Christmas ball. Wala pa akong date. Di ba? Ang hectic ng schedule ko, mala-celebrity lang. Pero salamat kay Lord sa mga bagay na 'to.

"Amiko!" may tumawag sa akin habang naglalakad kami nila Denise, Fen at Kaye pabalik sa room.

"Francis?" pumunta ito sa lugar namin. By the way, siya na ang new SC president. Congratulations sa kanya. -_-

"Oh? Bakit parang pulubi naman ang mukha mo jan Sadako? Haha"

"Kanina pa nga siya ganyan Francis eh, di namin alam" –Denise.

"Oo nga, ang sabi niya lang, uuwi na siya" –Kaye

"Sinetch bang uuwi?" –Fenrir.

"huh?" hindi ko pa pala nasabi kay Francis na uuwi na ang Papa ko. -_- wala akong balak na magsundo sa airport.

"Amiko? Uuwi na siya?" he asked me. Tumingala ako, lutang, maitim ang ilalim ng mata dahil sa puyat tsaka ako tumango. "ahh kaya naman pala ganyan ka"

Nacurious silang tatlo sa sinabi ni Francis.

"anong kaya naman pala Francis?" sabay sabay na tanong nilang tatlo.

Nagpulong naman ang apat. Nagbuo sila ng bilog at tsaka ako chinismis ni Francis. Ganyan talaga sila.

"Uuwi na kasi ang Papa ni Amiko. Ayaw na ayaw niyang nandun ang Papa niya sa bahay nila kasi di kami makakapagkiss"

O__O pfft? Ano daw?

"Hoy loko" binatukan ko siya "baliw ka"

"hahaha joke lang" nagpose naman siya na tila isang genius. "Uuwi na ang papa ni Amiko, kaya naman, hindi nanaman siya magiging masaya sa buhay niya dahil, hindi palagay ang loob niya dito" napatahimik naman ako sa sinabi niya.

"Ano ka ba Amiko...maaayos din ang lahat" he pats my shoulder. Yung kamay niya, na nasa katawan ko. Bakit parang may kuryente.

Natapos na ang morning period. Hindi ako papasok sa hapon dahil nga susunduin ko ang Papa ko.

"Amiko alis ka na?" Francis asked.

"Oo, bakit?"

"hahahah chocolate ko ah" -_- baliw.

"Sige sige." Tumalikod na ako at naglakad palabas ng school building.

"Amiko..." nilingon ko ulit siya.

"Ingat" ngumiti naman 'to sa akin. Nanlaki ang mata ko, at tila ba may kung ano sa tiyan ko na lumilipad. Yung ngiti niya, parang lumiwanag ang buong paligid. Ganito ba ang nagiging epekto sa akin ni Francis? He's driving me crazy. >.< Okay ang landi ko.

Sinuklian ko lang din siya ng ngiti at lumabas nan g building. Habang naglalakad ako, nasa gitna na ako ng field. Biglang may bola na tumama sa tagiliran ko, dahilan para matumba ako sa lupa.

"hahahah you're so weak"

"Elaine?"

"Yeah, none other than me. IKAW! Ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Francis" sigaw nito sa akin habang nakahandusay pa sa field. Tumayo ako at nagpagpag ng sarili.

Sadako's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon