Chapter 19.

11.6K 415 45
                                    

Chapter 19.

Amiko's POV

"...mahal ko si Amiko..."

O___O *blink-blink*

TOTOO ba ang naririnig ko? Si Francis? Nagtapat sa akin na, mahal niya ako? Totoo ba to? Please kung dream lang 'to sana mahulog na ako sa kama ko para magising na ako. >___<

"Paano kung, sabihin ko sayong...hindi ako papayag at...mahal ko rin si Amiko"

O___O *blink-blink*

Kung nandito si Fenrir sa loob for sure, nagwawala na yun sa naririnig niya. Pero, this is not a dream, im on the situation of two men confessing to me and...the fact that I need to choose. ANG HIRAP!!!

Nasa gitna nila akong dalawa. Salitan ko silang tinitignan. Seryoso ang mukha ng bawat isa. Para silang mga inang oso na handang makipagpatayan para sa anak nila, pero with my situation, hindi anak ang pinagaawayan nila. Mali naman yata ang sinabi ko, okay, para na lang silang dalawang leon na parehong nakakita ng karne at ngayon nagpapakiramdaman sila kung sino ang unang kukuha. ^___^ ang galing ko sa figure of speech. +____+

"Tara na Amiko" unang nagsalita at kumilos si Francis at hinila ako palabas ng room. Hindi naman na kumibo si Rupert sa kinatatayuan nito at tuluyan lang naming nilagpasan ni Francis, pero bago ako makalabas ng school lumingon ako dito at nasilayan ko ang malungkot nitong mukha.

Tanging ganun na lang din ang naisukli kong expression ng mukha ko sa kanya.

"Amiko? O Francis? San kayo pupunta?" tanong ni Kaye ng makalabas kami sa room. Sasagot sana ako kaso agad akong hinila ni Francis kaya naman nabuo ang pagtataka sa mukha nilang lahat.

O____O? ß-- anung nangyari dun?

Tulad ng laging nangyayari sa amin, lagi na lang akong tiklop everytime na hihilain ako ng taong ito. Hindi ko magawang hilain palayo sa kanyang yung kamay ko, nandun nanaman yung feeling na may kuryente sa kamay ko na dumadaloy papunta sa buo kong katawan.

Bago ko pa mapansin, nasa taas na pala kami ng school building. Pumasok kami sa door rooftop at sinara niya ito, naramdaman ko din ang pag-lock niya ng pinto. Biglaan naman bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko. Para bang may hindi magandang mangyayari.

"~a-aray"

O__O

"sorry Amiko....nasaktan ka ba? Masakit ba?" nagulat si Francis sa narinig niya. Actually masakit talaga ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Kaya naman parang namula ito. Lalo pa at maputi ang balat ko kaya naman halata ang pamumula nito.

"nasaktan ka ba?" malungkot nitong sabi, pero nakayuko lang ako. Naghihintay ng sunod na mangyayari. Ang tanging nasa isip ko lang, ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba ganito ang nangyayari?



Katahimikan...

May ilang sandali na tumahimik lang si Francis. Pero ako, hindi ko makuhang tumingala sa kanya. Yumuyuko lamang ako tulad ng nakasanayan ko, yun naman kasi ang tanging kaya kong gawin, na isang duwag na tulad ko.

"Akin na ang kamay mo..." hindi pa naman ako sumasagot sa sinabi niya kinuha na niya ang kamay ko.

"sorry, mukhang masakit nga ito" sabi nito, aba lokong 'to? Hihilain mo ako tapos yun lang? Oo, masakit nga yan, inatake ka naman ng Hila-mode mo eh. Kala mo aso lang yung hila mo. Ampft! Ŏ▪Ŏ

"sandali..." hindi ako kumikibo, pero humihinga naman ako, para yun lang yung bagay na ginagawa ko sa harap niya noong mga oras na iyo.

"ito..." (°×°)

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now