Chapter 37.

8.5K 287 5
                                    

Chapter 37.

Amiko's POV

"Kanino poi tong music box?" tanong ko kay papa. Hindi naman gaano nabasag yung music box, natanggal lang yung babaeng nakasuot ng pang-ballet dun sa loob. Tapos yung mirror na nabasag.

Kinuha ni papa yung music box. "sa mama mo ito" nagulat ako sa sinabi ni Papa. Nanlaki ang mata ko, pero napuno rin agad ng lungkot. "I made a promise to her, na ibibigay ko sayo ito kapag magtatapos ka sa high school. Kaso nakita mo na eh" pinagmamasdan ko lamang si Papa habang inaayos ang music box. Nilalagay niya yung babaeng naka-ballet na damit sa loob. "oh ayan, ayos na. pero yung salamin basag na talaga hahaha" kinuha ko yung music box "anak, ingatan mo ito ah! Mahal bili ko jan!"

"ano po?"

"ako kasi ang bumili niyan dati pa. Yan ang unang bagay na hiniling sa akin ng mama mo. Yan ang binigay ko sa kanya nung first anniversary namin."

Di ko alam, pero nalulungkot ako. Dati, pangarap kong itanong kay mama ang love story nila ni papa. Pero paano na? Tsaka nasira lang din naman ang love story nila.

"opo. Iingatan ko po."

"so? Anong balak mo sa miyerkules? Happy birthday na anak!"

"hahahaha tito may date yan hahahaha" biro ni Francis

"baliw, wala naman po papa"

"sus" pang-aasar ng mokong.

"umalis ka na nga Francis"

"hahahah tito oh nananakot"

"hahaha nakakatuwa kayo. Ganyan na ganyan ang ugali ng mama ni Amiko"

"talaga po? So? Nananakot din? Hahaha"

"Medyo hijo hahaha"

-_- nagsama pa sila.

Kinabukasan...

"Amiko advance happy birthday!!!" greet nilang apat sa akin. (Kaye, Denise, Fenrir, Delilah)

"at para sa gift namin. Hahaha ang aga noh? Ito ang gift namin." May inabot sa akin si Kaye na isang papel.

Pagtingin ko sa papel.

O_O "seryoso kayo???"

^_^ "yes!" sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

Dumating naman ang mokong na si Francis.

"hays, grabe, ang hirap pala maging president hahaha oh? Ano yang hawak mo Amiko? Patingin nga" kinuha nito ang papel na bigay ni Kaye.

"wow...reservation sa resto...sino kasama mo?"

O///o teka? Sino nga ba kasama ko? Tinignan ko silang tatlo. Pero...umuwas sila ng tingin sa akin. Leche. May plano nga ang mga ito eh. -_-

"ah eh, wala. Wala pa akong kasama" sabi k okay Francis.

"ah ganun?"

May tumawag naman kay Francis kaya lumabas ito agad ng room. Agad naman na nagsilapitan ang tatlo sa akin.

"Amiko, sino ba gusto mong kasama?" –Kaye

"Girl, instant date na ituu!" –Fenrir.

"si Francis ba?" –Denise

Nagulat kaming tatlo sa sinabi ni Denise at automatic na napaharap kami sa kanya. Bumalik naman sa akin ang tingin nila Kaye at Fenrir na may paghihinala.

"Hoy Amiko...si Francis ba?" tanong ni Kaye. Napayuko na lang ako at di ko nakuhang sumagot. "hmm silence means yes"

"Gosh! Bakla ka! So? Yayain mo na si Fafa Francis! Pagbibigyan kita kasi bornday mo gorabels na!"

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now