Chapter 2. "Saving Sadako"

23.2K 794 68
                                    

Chapter 2. "Saving Sadako"

Amiko's POV

"Ah, malanding pusa! Ah, malanding pusa!" Sige pa rin siya sa kakasabi ng malanding pusa raw si Hello Kitty. Tawa pa siya ng tawa habang nasa harap kami ng hapag-kainan at kinakain ang niluto kong itlog na may halong sardinas na pinalaman namin sa bans.

Tiningnan ko siya ng masama at inirapan pero ang mokong tawa lang tawa. Inaasar niya talaga ako. Kainis!

"Hindi siya malandi, paano mo nasasabi 'yan!" Sigaw ko sa kanya. Sinamaan ko lang siya ng tingin pero sige lang siya sa kakatawa tapos titingin sa akin tapos tatawa na naman siya ulit tapos kakain. May saltik talaga ang lalaking nasa harapan ko.

Napabuntong hininga na lang ako at napapikit sa inis habang nakatingin lang sa pagkaing nasa harap ko. Nakakawalang gana lang. Tumayo na rin ako paalis para pumunta ng kusina at pero paglakad ko, natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Inis ko siyang tiningnan pero nawala rin agad ang inis sa mukha ko nang makita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Ang mga titig niya bakit ba kakaiba ang ginagawa nito sa puso ko? Teka? Ano Amiko? Ano bang sinasabi mo?

Inangat ko ang isa kong kamay para sana tanggalin ang isa niyang kamay na nakahawak sa isa kong kamay pero pinigilan niya lang din ako gamit ang isa niya ring kamay. Ngayon ay magkahawak ang dalawa naming kamay. Ano bang trip ng unggoy na 'to?

"Fran—"

"Alam mo Amiko," Hindi ko na nakuhang sabihin ang reklamo ko nang magsalita siya. Magkatitigan kami bakas sa mukha ko ang pagtataka sa inaasal niya. Ngumiti siya sa akin. "You're different." Naging seryoso naman ito. Maging ang tono ng boses niya, natulala naman ako sa sinabi ni Francis, paanong iba ako?

Mga ilang segundong titigan ang nangyari sa amin ni Francis habang magkaharap kami. Mukha yatang magbabago ang sinabi ko na ayaw ko sa taong ito. Ano ba 'yan, ang landi ko. Hindi bagay Sadako ah.

"Ah—eh" Iyon lang ang sinabi ko saka ko puwersahang hinila ang kamay ko at dali-daling naglakad paalis papuntang kusina pero napahinto ako nang magtanong siya. Gusto ko lang umiwas pero bakit ba ang kulit niya?

"Saan ka pupunta?" Tanong niya. Inis ko naman siyang nilingon pabalik.

"T-tubig, kukuha lang ako ng tubig" Nauutal kong sabi.

Nakakahiya! Bakit naman nagkakaganito ako sa harap ng lalaking 'to? Di pa rin ba ako sanay sa mukha niya na halos pagkabata ko ay nakikita ko na dahil laging sunod ng sunod sa akin at inaasar ako?

Anong nangyayari Amiko?

Tiningnan ko lang siya at hinintay ang sasabihin. Seryoso ang kanyang mukha.

"Kukuha ka ng tubig? Eh nandito ang pitcher?" Aniya saka tumawa. Napatingin naman ako sa mesa at nakita ko ang tubig ng pitsel. Muli kong tiningnan si Francis at napansin ko ang asar niyang ngiti sa akin. "Alam mo Sadakong Amiko, nakakatuwa ka talaga!" Masigla niyang sabi saka ako tinapik sa braso. "Oh siya, alis na ako ah! Salamat sa pagkain!" Ginulo niya pa ang buhok ko bago siya umalis.

Naiwan naman ako sa kusina na di alam ang gagawin. Paanong? Bakit ganito ang nararamdaman ko kay Francis?

Kinabukasan. Tulad ng nakasanayan, papasok na naman ako sa school. Umalis na ako ng bahay. Habang naglalakad ako, di ako mapakali kakatingin sa likuran ko. Bakit? Sos, don't tell me, inaantay ko si Francis? Sos! Amiko, wake up! You are Sadako, wag kang assuming, si Francis ay parang langit, at ikaw? Eto ka oh! Lupa! At kung sa pelikula naman, si Francis nasa romance, ikaw nasa horror! Tandaan mo yan.

Sadako's First LoveWhere stories live. Discover now