Chapter 7.

15.5K 572 50
                                    

Chapter 7.

Amiko's POV

Paano magluto ng chicken curry ala Amiko Gonzales? *insert determinded eyes*

Actually, di naman ako magaling magluto, medyo marunong lang ng konti since nga na ako na lang ang naiiwan dito sa bahay. Tsaka ang pagkakatanda ko, noong una akong magluto ay dahil sa request din ng mokong na nanunuod sa sala.

*flasgback*

Grade 6 ako noon, classmate ko si Francis.

"Amiko"

Nilingon ko ang tumawag sa akin tsaka ako huminto sa paglalakad ko. At mas sumama ang init ng ulo ko dahil sa kanya. Pauwi na kasi ako kaso, may humarang sa akin at binully nanaman ako. Binuhat nila ako at nilagay sa trashbin.

"ang baho mo naman sadako?" angal ni Francis sabay takip ng ilong. "ano bang nangyari sayo?"

"wala" masungit kong sagot dito.

"sos, nahiya pa" nilagay niya sa unahan niya ang bag niya at binuksan. May kinuha siyang pabango tapos binato saken. (ang hilig niya akong batuhin ng mga bagay-bagay)

"magpabango ka nga" sabi nito. Sabay ngiti ng nakakaloko.

Tinignan ko ang brand ng pabango ng mokong. At wow, "atlantis".

Kahit na amoy panglalaki ang pabango no choice ako kundi ang i-spray ko ito sa buo kong katawan.

After kong magpabango.

"yan, edi magkasing amoy na tayo Amiko hehehe"

---____---

"tara" hinawakan niya ang kamay ko "kain tayo sa palengke"

Tinignan ko lang ang mukha niya at masayang Masaya naman siya.

Pumunta na kami sa palengke kaso.

"Ano ba yan, ang malas mo naman Sadako, bakit naman sarado tong paborito kong kainan" nalungkot ang tono nito, pero bakit ako ang sinisi niya? Leshe.

"a-ano b-bang g-gusto mong k-kainin?" tanong ko dito. Nauutal ako kasi nahihiya ako. Hawak niya pa din ang kamay ko sa harap ng maraming tao. Kahit na elementary pa lang kami, ewan ko, epekto ng kalandian? Ay, basta!

"gusto ko sana ng chicken curry eh, kanina kasing lunch break, di ko inubos yung baon ko, kaya gutom na ko, pero malas eh, ikaw kasi ang hinila ko"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"hehehe joke lang ikaw naman, tara uwi na tayo"

Hihilain na niya sana ako kaso bigla kong hinila ang kamay ko.

"oh? Amiko? Bakit?"

"Tara sa bahay, ipagluluto kita" sabi ko dito. Nagulat naman siya sa sinabi, pero after niyang magulat, napangiti na lang ito.

*end of flashback*

Wag niyo ng tanungin kung ano ang kinalabasan ng una kong pagluluto ng chicken curry, dahil naubos naman ang PG kong nilutuan. ^_____^

"Amiko!!! Matagal pa ba yan? Matatapos na tong movie eh" sigaw ni Francis mula sa sala.

"teka lang! malapit na" tinignan ko ang orasan at mag-aalas-dose na pala, kaya gutom na ang mokong.

Inayos ko na ang dining table at hinanda ang pagkain. Sakto naman na pumunta na si Francis sa lamesa.

"wow, ang galing, mas masarap na kaya toh kesa dati? Hahaha" sinamaan ko nanaman siya ng tingin.

"hahaha joke lang naman, pero alam mo, namimiss ko yung panahon na yon, hahaha"

Nagulat ako bigla sa sinabi ni Francis. Naupo na siya at kinuha ang sandok ng kanin. Naupo na din ako, pinapanuod ko lang siya habang nagsasandok ng kanin.

"mas nagustuhan ko na tong luto mo, kesa doon sa palengke kong kinakainan dati"

^___________^ magic sarap lang naman nilagay ko jan.

"oh? Kain na Amiko? Teka? Lalagyan pa ba kita ng kanin? Hahaha teka" dahil nga sa malayo ang plato ko, tumayo siya at kinuha ang sandok at nilagyan ang plato ko ng kanina. Gawa na nirereach-out niya ang kamay niya, medyo napapalapit siya sa akin. Muntanga naman akong nakatitig sa kanya. Pero...

"hahaha sabi ko na nga ba, nakatingin ka saken eh"

>....< halos mamula ako sa kinauupuan ko at mawasak na ang table napkin na hawak ko sa sobrang higpit ng hawak ko dito.

"baliw" iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya. Matapos niyang lagyan ng kanin ang plato ko, kumain na kami.

Habang kumakain, ayon, ang dami lang niyang kwento tungkol sa movie na pinanuod niya. Percy Jackson yata yung title? Hindi naman ako mahilig sa mga movies na ganyan, hello kitty stuff lang, pero nanunuod ako ng mga Jdrama.

"Amiko" napalingon ako bigla sa kanya sa pagtawag nito sa akin. Hindi ako nagsalita pero hindi rin siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin na parang ewan. Hindi ko alam ang irereact ko sa ginagawa niya. Pero habang magkatitigan lang kami. Bigla siyang ngumiti.

"ngayon ko lang napansin, para pala tayong mag-asawa."

O__________O

Halos mahulog na ako sa upuan sa sinabi nito. Leshe! Bakit naman siya ganyan. Walang oras na di niya ako pinapakabog ng ganito. Tumayo sa kinauupuan ako habang madiin na hawak pa din ang table napkin, dito ko na lamang nilalabas ang kilig ko, pero naiihi na ako. T____T

"oh? San ka pupunta?" napatigil sa pagtawa niya si Francis at napatanong saken.

"Sa munting bahay ko, bakit? Sasama ka?"

"You're so rude, look, kumakain tayo oh?"

"What? So gusto mong dumanak ang ihi ko dito?" tinalikuran ko na siya at nagpunta na ng restroom.

Habang nasa restroom.

Tumingin ako sa salamin matapos kong hilamusan ang mukha ko. Nakataas ang bangs ko kaya naman kitang kita ko ang sarili ko sa salamin.

"Amiko, ano ka ba! Wag ka naman masyadong pa-obvious! Nakakahiya ka!" Kinakausap ko nanaman ang sarili ko sa salamin.

"Tignan mo nga yang mukha mo! Di ba? Nakakatakot ka nga? Look!" binaba ko ang bangs ko "look-a-like kayo ni Sadako" tinaas ko ang bangs ko. "Pero, kapag ganito, bagay naman kami ni Francis eh"

*knock-knock*

Nagulat ako sa biglaang katok sa pinto ng restroom.

"ANO NANAMAN YUN FRANCIS?"

"Hehehe Amiko, uuwi muna ako ahh! May kukunin lang ako, pero baka din a ko makabalik sige! Salamat sa pagkain!"

Narinig ko na lamang ang mga yapak ni Francis na paalis na ng bahay. Habang humihina ang tunog parang gusto ko siyang habulin. >.....<

Nakaalis na nga si Francis. Pumunta na ako sa dining table para linisin ang pinagkainan ni Francis. Actually, di naman talaga ako gutom eh, pero para sa kanya, ginagawa ko toh. >.< ang landi kong chakang Sadako.

Kukunin ko na sana ang plato ni Francis, ng may mapansin akong papel. Kinuha ko ito at binuklat.

O____Q

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko habang pinagmamasdan ang sketch ko sa isang papel habang nagluluto kanina. Napansin kong may note sa baba.

"kahit nakakatakot, ang sarap naman magluto" >:') bwahahaha"

Kalimutan na lang natin ang note. Pero paano niya naman ako na-sketch. AH! Pala lingon ng lingon ang loko kanina.

Ang galing naman...

Sadako's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon