Chapter 4: Say You Like Me

385K 11.9K 2.9K
                                    


Tamara's Point of View


Naglalagay ako ng cologne nang lumapit sa akin ang kapatid kong si Tracy at inamoy ako, "Ang bango, ha. May date ulit kayo ni Kuya Nate?" Parang timang 'tong kapatid ko. Anong date? At anong 'ulit'? Kailan pa kami nag-date ni Nate?


"Magkikita kami nila Pipes at Hailey," sagot ko sa kaniya.


Umupo siya sa kama namin at napanguso, "Sayang. Akala ko may date kayo. Ate, kailan mo ba sasagutin si Kuya Nate? Baka mainip 'yun tapos tumigil sa panliligaw. Kawawa ka naman. Tatanda ka ng dalaga."

Sinamaan ko siya ng tingin at saka pinitik sa tenga kaya napaaray siya at hinawakan ang tenga niya.


"Atupagin mo na lang ang pag-aaral mo kaysa buhay ko. Ang bata bata mo pa pero ang dami dami mo ng alam. Mag-aral ka muna."


Lalong humaba ang nguso niya at saka humiga sa kama, "Nag-aaral naman ako ng mabuti."


"Sige na. Alis na ko."


***

Ilang minuto lang nang makarating ako sa café ni Tita Cass ay dumating na rin sila Piper at Hailey.


"Alam niyo, masaya rin minsan 'yung tayo tayo lang 'yung umaalis. 'Yung hindi kasama 'yung tatlo. Lately kasi palaging nakabuntot 'yung tatlo," sabi ni Hailey sabay inom sa kape niya.


Kahit medyo maulan ay tumuloy pa rin kami na magkita-kita. Tama siya. Minsan nga lang 'to. Kailangan din naman ng girl bonding paminsan-minsan. Iba rin kasi 'yung kami lang talaga. Wala 'yung makukulit. Wala 'yung boys. At least kapag ganto medyo peaceful pa.

Hindi ko naman sinasabi na ayaw kong kasama 'yung tatlo kasi syempre, hindi totoo 'yun. Sobrang saya nila kasama. Kaya lang kasi, iba kapag kaming tatlo lang talaga.


"Nasa bahay lang nila si Warren. Baka ngayon natutulog 'yun o nanunood ng game sa t.v. nila," kwento ni Hailey nang tanungin ko kung nasaan ang boyfriend niya.


Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang mapansin ko ang pagbungisngis ni Piper. Pinilit kong i-flashback sa utak ko lahat ng sinabi ko pati na rin ni Hailey nitong nakaraang ilang minuto. Kaya lang kahit anong pilit kong isipin, wala naman akong maalala na may sinabi kaming nakakatawa. Wala namang nag-joke sa amin. Anong nangyari kay Piper at tumatawa siya?


"Hala. Nabaliw na," iling ni Hailey at pinalo ng mahina si Piper. "Anong nangyari sa 'yo? May iba ka bang kausap na hindi namin nakikita?"

"Wala. Wala. It's just I suddenly remember Nate."

"Si Nate? May ano?"

"Hindi ba magkatapat 'yung room namin? I can hear hanggang sa room ko na lagi niyang pinapatugtog 'yung song na 'to. As in. Almost every day. Sometimes nga sasabay pa siya sa song. Listen, girls."


Sumunod naman kami ni Hailey at tumahimik saka pinakinggan ang kanta.


The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon