Chapter 35: Raffle

190K 7.8K 1.4K
                                    

Sa sabado pa dapat ang update pero dahil maiksi ang previous chapter (pati na rin 'to), ayan nag-update ulit ako. Parang extra chapter lang naman 'to. :) Sa sabado na ulit ang next. Thanks for reading!

Nate's Point of View

Badtrip. Ang aga aga pero napakaingay ng phone ko. Kung sino man ang tumatawag na 'to napakaistorbo. Natutulog 'yung tao eh. Kung sino man siya tingnan ko lang kung matuwa siya kapag may tumatawag sa kaniya habang natutulog siya. Tsk.

Hindi ko pa rin pinansin ang tawag at natulog ulit.

Kaya lang ay hindi na ako makabalik sa pagtulog. Bwisit kasi 'yung tumawag. Pinansin ko na ang phone ko na kanina pa nanglilimos ng pansin. May missed calls at message galing sa number na hindi ko kilala.

Napailing na lang ako nang mabasa ang text na 'yon. Nanalo raw ako sa raffle. Trip sa kung saan mang beach. Ewan ko sa mga 'to. Aga aga nangscascam.

Binalibag ko ang phone ko at lumabas ng kwarto. Inabutan ko si Papa na nanunood ng TV. Naghihintay 'to malamang matapos magluto si Mama.

"Aga mo ata nagising ngayon." Tumingin ako sa relo at napailing. 7:30 am. Bwisit na scammer talaga 'yon. Ni hindi pa nga office hour tapos nang-iistorbo na agad.

"May tumatawag po kasi kanina. Scam lang pala. Hindi na po tuloy ako nakatulog."

"Scam?"

"Opo. Nanalo raw ako ng trip sa beach. Paano ako mananalo hindi naman po ako sumasali sa mga raffle."

Natahimik si Papa sandali at saka ako tinapik ng mahina sa balikat, "Swerte ka pala sa raffle? Pangalan mo nilagay ng Mama mo noong nag-grocery siya noong nakaraang buwan. Hindi 'yan scam. Sayang. Gamitin niyo na lang ng barkada mo."

Kung noong nakaraang taon ko 'to nakuha malamang ko ba matutuwa ako. Kaya lang iba na ngayon. Baka hindi namin maenjoy kung magpupunta kaming beach. Si Hails at Warren hindi naman ayos. Si Pipes at Russel naman baka mairita lang kasi syempre isasama ko si Guevarra. Tapos nag-away pa kami ni Tamara at wala na akong balak magpakatanga ulit sa kaniya. Sagad na katangahan ko.

"Hindi ko na lang kukuhanin, Papa. Medyo malabo kami ngayon ng barkada. Hindi rin kami mag-eenjoy kung gagamitin namin 'yung sa raffle."

"Mas lalo mo pala dapat gamitin 'yong napanalunan mo." Tumingin ako kay Papa pero hindi naman niya inalis ang tingin sa TV. "Anong malay mo blessing in disguise pala 'yang raffle na 'yan. Baka makatulong ang pag-alis niyo para maayos kung ano man ang mga problema niyo."

Hmm. Sa bagay may punto si Papa. Kailan ba siya magiging mali sa tingin ko?

Nang hapon din na 'yon ay kinuha ko ang ticket at nagpunta sa bahay nila Pipes.

"Beach?"

"Oo. Nanalo ako ng raffle. Ano, sama ka ba?"

"You don't have to ask. Of course, I'll go. Isasama mo rin naman ang pinsan mo for sure, right?"

"Oo. Pati si Guevarra. Barkada pa rin natin siya. Kawawa naman kung maiwan siya tapos lahat tayo aalis 'di ba?"

Natahimik siya sandali pero ngumiti at tumango, "It's fine. Why wouldn't it be fine? He's our friend naman."

"Good. Isa pa nga pala. Ikaw na ang mag-aya kay Tamara. Huwag mo rin sasabihin na ako ang nanalo. Sabihin mo ikaw."

"Okay. But I want to ask you something." Parang alam ko na ang itatanong niya. Tumango ako at nagpangalumbaba siya. "Dapat you're happy, 'di ba? She's jealous. Why did you get angry?"

Umiling ako at sumandal, "Anong dapat ikatuwa do'n? Nagseselos siya kasi pakiramdam niya inaagaw na ako ni Tanya. Mukha ba akong possession? Kung nagseselos siya kasi mahal niya ako, doon matutuwa ako. Kaya lang hindi naman gano'n. Nagselos siya kasi nawawala na ako sa kaniya."

"What if mahal ka naman pala niya?"

"Sus. Labo. Kung mahal niya ako, sana no'ng huminto akong manligaw pinigilan niya ako. Sana inamin niyang mahal niya ako. Alam naman niyang siya lang ang hinihintay ko. Hindi naman niya ginawa. Kaya sinong magsasabing mahal niya ako? Wala."

"You'll never know. Maybe naguguluhan lang siya ngayon."

"Pass na, Pipes. Ayoko munang pag-usapan. Punta muna ako kila Warren. Ikaw na magsabi kay Russel at sa kaniya," paalam ko sa kaniya at lumabas na ng bahay nila.

***

Warren's Point of View

"Game ka ba?" tanong sa akin ni Nate nang ayain niya akong magbeach dahil nanalo raw siya ng raffle.

"Anong sabi ni Hailey?"

Binalibag niya ako ng unan dahil sa tanong ko. Tsk. Nasanay na kasi akong tinatanong muna kung ano ang sinabi ni Hailey kaya ayan. Hindi pa nawawala sa sistema ko.

At pansin ko lang dito kay Nate sa tuwing nagpupunta siya ng kwarto ko lagi niya akong binabalibag ng unan. Sa susunod itatago ko na mga unan ko kapag paparating na siya.

"Akala ko ba hindi ka na muna aasa sa mga sagot ni Hailey?"

"Nakagawian ko na. Mahirap baliin ang nakagawian."

"Ano na nga palang ayos niyo?"

"Ayos lang. Medyo dumidistansya kami sa isa't isa pero hindi naman pwedeng lagi na lang kaming gano'n. Sooner or later baka maayos din 'to."

"Nagpapansinan naman kayo 'di ba?"

"Oo naman. Hindi na nga lang tulad ng dati. Minsan ang awkward pero ewan ko ba. Siguro hangga't hindi pa ako ayos hindi rin kami tuluyang magiging ayos."

"Parehas kayo ang dapat umayos. Hindi lang ikaw."

Sa totoo lang hindi ko alam kung may pupuntahan pa ba ang relasyon namin ni Hailey. Kaya lang mahal ko siya at mahal niya ako kaya hindi naman namin pwedeng bitawan lang 'to basta basta. Hanggang kaya pang ilaban, ilalaban pa.

Hindi lang naman ito ang naging problema naming dalawa. Kaya lang ito na ang masasabi kong pinakamagulo. Palibhasa ang sarili na namin ang kalaban naming dalawa. At mahirap labanan 'yon. Mahirap labanan ang sarili.

"Sige. Itatanong ko muna kay Hails kung sasama siya. At kapag sumagot siya ng oo, sasama ka na ba?"

Napaisip ako sa sinabi ni Nate. Kung gusto kong ayusin ang sarili ko at kung ayaw kong umasa na lang palagi kay Hailey, dapat masanay na ako na hindi nagtatanong ng desisyon, opinyon o gagawin niya. Dapat masanay na akong sumagot at magdesisyon para sa sarili ko.

"Sige."

"Anong sige?"

"Sige, sasama na ako. Kahit na ano man ang sagot niya, sasama na ako. Kayo naman 'yan eh. Kayo naman ang mga makakasama ko."

Ngumiti si Nate at tinapik ako sa likod saka lumabas ng kwarto.

Naka-isang hakbang na ako. Sana magawa ko na 'to ng dirediretsyo.

***

Relationship Code No. 25: Don't depend too much on him/her. Learn to decide things on your own.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon