Chapter 37: Mess I made

221K 8.3K 4.8K
                                    


Hunter's Point of View


Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na sumama sa pesteng outing na 'to kahit na alam kong kasama si Piper at ang pesteng boyfriend niya.

Para akong ewan na nakatingin sa kanila na naglalambingan sa loob ng convenience store. Bakit ba kasi nag stopover pa kami? Kung hindi eh 'di sana hindi ko sila nakikita ngayon.


"Huwag mo na kasi tingnan," natatawang payo ni Warren at sumandal sa pintuan sa may shotgun seat kung saan ako nakaupo. Sa tingin ba niya gusto kong tingnan 'yung dalawa? Syempre ayoko. Kaya lang nag-eenjoy ata ang mata ko na torture-in ako kaya ayaw paawat sa pagtingin sa dalawa.

"Iniwan mo kasi. Ayan tuloy, kinuha na ng iba."


Sinamaan ko ng tingin si Nate na nakaupo sa likuran ko. Nakabukas ang pinto ng van at nakaharap siya sa labas. Kung makapagsalita rin ang isang 'to akala mo bagay si Piper na iniiwan lang at pupulutin. She's so much more than that.


"Badtrip. Bakit naman kasi hindi niyo binantayan?"

"Hoy, kapal mo. Sinubukan ko 'yang pagsabihan noon bago pa man manligaw sa kaniya si Russel. Binida kita sa kaniya," sagot ni Warren. "Itong si Nate ang nagpayo diyan na bigyan ng chance si Russel."


Sinamaan ko ulit ng tingin si Nate at nagkibit balikat siya, "Anong ineexpect mo? Sabihin ko sa kaniya na hintayin ka niya kahit na wala kaming alam kung babalik ka pa? Sinabihan ko siya na bigyan ng chance si Russel dahil sa tatlong rason. Una, pinsan ko kaya 'yang si Russel at alam kong seryoso siya kay Pipes. Pangalawa, bilang bestfriend ni Pipes, gusto ko ulit siyang makitang masaya at huwag magmukmok dahil sa iniwan siya ng isang tao diyan." Napalunok ako sa pagpaparinig niya. Sapul. "At pangatlo, magdadalawang isip pa sana akong ibida ang pinsan ko sa kaniya kaya lang nalaman kong tinext mo siya at sinabihan mo na huwag na siyang maghanap sa 'yo. Kung may plano kang balikan siya, sana hindi mo siya tinext ng gano'n."

Para akong nangliit sa sinabi ni Nate. Lahat naman ng rason niya may katwiran. Kapag naaalala ko 'yong message ko noon kay Piper, gustong gusto kong suntukin ang sarili ko para magising man lang at bumalik sa katinuan. Kahit hindi naman ako matino noon pa man.

Alam ko kasing maghihintay siya sa akin. Alam kong hahanapin niya ako. Ayoko naman umikot lang ang mundo niya sa pag-iisip kung nasaan ako. Malay ko bang may darating pala sa eksena at aagawin siya. Oo, sobrang ganda ni Piper, mabait pa at maraming lalaki ang nagkakagusto sa kaniya. Malay ko bang may sasagutin agad siya.


"Seryosong tanong lang, Guevarra..." Kahit hindi ko tiningnan si Nate alam kong alam niya na nakikinig ako. "May balak ka ba talagang balikan si Pipes? May balak ka ba talagang bumalik agad? O nagkataon lang na umuwi ka kasi medyo hindi maganda ang buhay mo sa pamilya ng tatay mo?"

"Sabihin na lang natin na masyado akong bilib sa sarili ko kaya naisip ko na kapag bumalik ako, may babalikan pa ako."


Mukhang mas naguluhan ang dalawa dahil sa naging sagot ko pero hindi na nila nagawang magtanong dahil pabalik na ang apat. Umayos na ng upo si Nate, nagpunta na sa driver's seat si Warren at sumandal na ako sa upuan ko.

Habang papasok sila ng van ay napatingin ako sa side mirror at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay napatingin din sa akin si Piper. Para akong kinuryente sa maliit na bagay na 'yon.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon