Chapter 40: Calm before the storm

221K 7.5K 1.4K
                                    


Hailey's Point of View

I hate this feeling.

Kahit alam kong may problema, wala akong magawa para ayusin 'yon. Gustong kong maayos ang problema namin ni Warren at alam kong gusto rin niyang mangyari 'yon.

Kaya lang kasi kapag nandoon na kami sa puntong pag-uusapan na namin ang problema, parati na lang gumugulo. Palagi na lang may mali. Minsan nauuwi sa init ng ulo ang usapan. Parehas kasing matigas ang ulo namin.

Kapag hindi ko siya kaharap alam ko ang problema ko – alam ko ang mali sa akin. Kaya lang kapag kaharap ko na siya lumalabas na ang frustrations. Lumalabas na ang inis. At wala na akong magawa kung hindi magpalamon sa mga 'yon.

Ilang araw na magbuhat nang makauwi kami galing sa outing. Ilang linggo na magbuhat nang magkaroon ng wall sa pagitan namin ni Warren. Pero ni minsan hindi na ulit namin nagawang mag-usap. Hindi na namin napag-usapan ang problema.

"Alam mo, kapag pinatagal niyo pa 'yan, mas gugulo lang," sabi ni Tamara na ngayon ay nakatambay sa kwarto ko.

Huminto ako sa pagbabasa at tiningnan siya. Saan nanggaling 'yon? Naniningin lang siya ng libro sa shelf ko tapos bigla siyang magsasalita ng gano'n.

"Ako ba ang kausap mo?"

"Baka 'yung libro," sarkastikong sagot niya at hindi man lang binawi ang tingin sa mga libro.

Isinara ko ang binabasa kong libro at ipinatong 'yon sa mukha ko. "Nakakabaliw na 'to." Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama.

"Mahirap pero kapag nag-usap kayo, pilitin mong huminahon. Last time kasi medyo mainit ulo mo tapos nakainom pa siya. Kung mag-uusap ulit kayo, dapat 'yung ayos kayong dalawa."

"What if hindi pa rin siya handang makipag-usap sa akin?"

"Handa na 'yon. Nabigla lang no'ng nakaraan. Gusto mo sabihan namin siya ni Piper na kausapin ka na?"

Tumango ako sa alok niya.

Gusto ko na talagang makapag-usap kami. Ang hirap kasi ng ganito. Kami pero kung umarte kami parang hindi.

No more hiding. No more running away. It's about time to face our problem.

***

Nagbabasa ako nang makareceive ng text galing kay Warren. Mukhang nakausap na siya nila Tamara kaya ayan. Nag-aaya nang makipag-usap.

May gagawin ka ba? Kung wala, okay lang bang mag-usap tayo? Text niya na agad ko naman nireplyan ng pwede ako.

We decided to meet at the clubhouse. Nandoon na siya nang makarating ako. By the looks of it, parang kanina pa siya naghihintay dito. Even before he texted me.

Nakaupo lang siya sa gilid at walang ginagawa. As in nakatulala lang.

Nang lumapit ako sa kaniya ay napadiretsyo siya ng upo. Umupo ako sa tapat niya at nginitian niya ako. Hindi nga lang 'yung ngiti na umaabot sa mata.

"Kanina ka pa?" tanong ko kahit na alam ko naman na ang sagot.

"Medyo."

Ang awkward na naman. Hindi naman dapat awkward kasi si Warren naman 'to. Kaya lang sa maiksing panahon na hindi naman masyado pagpapansinan sobrang laki na ng nagbago. Sobrang dami na ng nag-iba.

"Gutom ka ba? Gusto mong kumain muna tayo ng meryenda?"

I smiled at him and nodded. Nagpunta kami dito para mag-usap at hindi para kumain. Kaya lang halatang hindi pa kami handa mag-usap. Medyo may tensyon pa. Hindi na rin masama na kumain muna kaming dalawa. Baka sakaling kahit papaano ay mabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon