Chapter 29: Varsity team

200K 8K 1.8K
                                    


Warren's Point of View


Kung kanina ay nakangiti pa si Russel, ngayon hindi na. Parehas sila ni Piper. Nawala ang ngiti nila. Wala pa man din akong binabanggit na pangalan pero alam kong alam na nila kung sino ang sinasabi ko.

Sino ba ang nawala? Si Hunter lang naman. Kaya sino lang ba ang babalik? Siya lang din.

Pwede rin palang si Kuya Zane ang tinutukoy ko kaya lang medyo mabigat ata ang pagkakasabi ko kaya hindi nila maiisip na siya 'yon.

Nang mapansin nilang dalawa na nakatingin ako sa kanila ay parehas silang ngumiti. Halata namang mababahala sila sa pagbabalik ni Hunter. Mababahala si Russel kasi syempre ex ni Piper 'yon. Mababahala naman si Piper kasi nga ex niya 'yon.


"Gutom na ako," pagbasag ni Nate sa katahimikan. "Warren, samahan mo ko. Bili tayo ng pagkain." I'm more than happy to. Medyo bumigat ang hangin sa lugar na 'to.

"May ipapabili ba kayo? Diyan lang sa may convenience store sa labas ng gate kami pupunta," tanong ko sa dalawa.

"Siopao at softdrinks sa akin."

"I want pasta. Kahit anong klase. Thanks."


Nang makalayo na kami ni Nate sa clubhouse ay bigla na lang niya akong siniko. "Binigla mo naman!"


"Anong bigla do'n? Sinabi ko lang naman na he's back. Ni wala nga akong sinabing pangalan."

"Malamang alam na nila kung sino 'yon. Kung ako nga alam ko na. Sila pa kaya." Kung sabagay. Buti nga nainitindihan agad ni Nate eh. Ayos din 'to. Mukhang nag-iimprove na kahit papaano ang utak.

"Ano naman kung malaman nila? Gusto naman nila ang isa't isa. Mahalaga pa ba kung bumalik na 'yung ex? Wala namang problema doon." Umiling si Nate sa sinabi ko kaya napangisi ako. "Wala nga ba?"


Wala siyang nagawa kung hindi ang magbuntong hininga. Sa aming lahat, siya ang pinakanakakakilala sa bestfriend niya. Kung pagkagusto at pagkagusto lang naman ang usapan, siguro nga gusto ni Piper si Russel. Kaya lang... iba pa rin ang gusto lang sa mahal na. Iba pa rin 'yung pinag-aaralan pa lang mahalin kaysa sa hanggang ngayon mahal pa.


"Warren! Nate!"


Napahinto kami ni Nate sa paglalakad at nilingon ang sumigaw sa pangalan namin. Sa labas ng subdivision, nandoon si Hailey at nakadungaw sa bintana ng kotse ni Tita Sab. Bumaba siya at tumakbo palapit sa amin. Bumusina naman sa amin si Tita Sab at lumagpas na.


"Saan kayo pupunta?"

"Bibili ng pagkain." Magsasalita pa siya kaya tinakpan ko na ang bibig niya. "Mamaya ka na magkwento kapag nasa loob na tayo ng convenience store."


Kinuha muna namin ang mga pinabili ni Russel at Piper at saka namili ng bibilhin namin.

Namimili ako kung ano ang gusto kong kainin – kung siopao, pasta, sandwich o chichirya nang lumapit sa akin si Hailey at umakbay, "Problema?"


"Namimili ako ng gusto kong kainin."

"Itong simoai masarap."

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon