Chapter 18: Playing the field

233K 8.7K 3K
                                    



Piper's Point of View


"Nate! Hulaan mo kung sino naghatid sa akin kanina?" I immediately asked him when he picked up the phone.

"Si Guevarra? Kaya hindi mo na ako tinext, ano? Tatawagan na nga dapat kita kaya lang naisip ko baka makaistorbo ako."

"No! He's at No Name. Hindi siya. Guess!"

"Lalaki ba?"

"Yup!"

"Hoy, Piper! Sino nagsabi sa 'yong magpahatid ka sa ibang lalaki? Paano na lang kung hindi mabuting tao 'yan? Paano na lang kung masamang tao at baliw ang pamilya niyan? Paano kung hindi ka niyan inuwi tapos hinostage ka? Sabi sa 'yo huwag ka agad magtitiwala! kung kani-kanino."


I want to roll my eyes at him but he sounds so concern kaya natawa na lang ako. "He does have a crazy cousin."


"Kita mo na! Tapos sumama ka pa rin!"

"It's you, Nate. His crazy cousin is you."

"Huh?"


I didn't answer him. He should figure this out on his own. Ilan lang naman ang mga pinsan niya. Malamang alam niya.


"Teka, si Russel ba 'yan?"

"You got it right! He's modelling na rin pala?"

"Lokong lalaking 'yon. Hindi man lang dumaan dito. Inuna pa ang pagraket. Siraulo talaga!"

"It's been a decade since I last saw him. Hindi ko nga agad nakilala. He stayed at your grandparent's house all those years, right?"

"Oo. Ni hindi man lang dumalaw dito."

"Can't blame him. Sea ang pagitan kaya hassle."


Russel is Tito Ry and Tito Cass's first child. He's three years older than us. When we were young, naging playmates din kami. He even became my crush since he's cute. Kaya lang may pagkapresko kaya nawala rin agad pagkacrush ko sa kaniya. Elementary ako nang huli ko siyang makita kaya hindi ko siya nakilala.


In all fairness, he got cuter, but he's still cocky. Meh.


"For good na ba 'yon dito?" Nate asked.

"I don't know. He's your cousin. You should know."

"Ni hindi ko nga alam na nakauwi na eh. Hay nako, Pipes."


Nagkwentuhan pa kami sandali ni Nate until he decided to sleep. Ako naman, bago matulog, I checked my phone to see if nag-reply si Hunter. Hindi ko siya matawagan kanina kaya nag-reply na lang ako kung ano ang gusto kong kantahin niya.


Call You Mine.


Ayon ang request ko. But hindi na siya nagreply after I texted him that song. Maybe he's busy or nawalan lang ng load.

Baka bukas may message na galing sa kaniya.


***

My mom called my name kaya bumaba ako. That's when I saw Nate with Russel. Nagkita na pala. Nate looks a bit bored while Russel is grinning oh so widely.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon