Chapter 20: GNO

237K 8.2K 936
                                    


Hailey's Point of View


"Congrats, Hailey!"


Nang tingnan ko ang nasa likuran ko ay nandoon si Piper kasama si Tamara. Niyakap ako ni Pipes at pabirong sinuntok ni Tamara sa braso.


"Dean's lister, ha. Nice, Hailey."

"Ikaw rin naman DL ng college niyo," sagot ko kay Tamara na ikinangiti niya.


Nagpaalam na ako sa mga kaklase ko nang dumating ang dalawa. Nakuha ko na rin naman ang mga grades ko at naayos ko na ang mga dapat ayusin para sa araw na 'to.


"See you sa enrolment," paalam ko sa isa sa mga kaibigan ko.


Nang makasabay na ako sa paglalakad sa dalawa saka ko lang napansin na walang nakabuntot na Nate kay Tamara. Itatanong ko pa lang sana kung nasaan si Nate nang siya na ang naunang magsalita.


"Sabi nga pala ni Nate na sabihin sa 'yo na magkasama sila ni Warren. Manonood ata silang basketball ng live ngayon at malamang maglalakwatsya pa. Mabuti na raw ang maaga kaysa sa ma-late."

"And in case hindi mo alam, Warren texted you raw. Hindi mo ata chinecheck phone mo," dagdag pa ni Piper.

Tiningnan ko naman ang phone ko na nasa kadulo-duluhan ng bag ko. 3 messages and 2 missed call from Warren.

Hindi na ako nag-abalang buksan ang mga messages na 'yon kasi alam ko na rin naman ang laman no'n. Malamang kasi magpapaalam lang siya na aalis siya. Magreply man ako o hindi, tutuloy naman siya. So, what's the point?


"Hindi ba nagpaalam sa 'yo?" tanong ni Tamara.

"Nagpaalam naman. Lagi naman siyang nagpapaalam."


Tumingin si Tamara kay Piper at nagkibit balikat naman siya.


"Saan niyo gustong magpunta?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Let's watch a new movie. I've read good reviews sa mga showing ngayon," suggestion ni Piper na sinang-ayonan naman ni Tamara.


Nag-susuggest pa ng kung anu-ano ang dalawa tulad ng pagwiwindow shopping, pagbobowling at pagfoofoodtrip.


"Magcelebrate tayong tatlo sa No Name after movie. Ano sa tingin niyo, girls? Celebration kasi DL kami ni Tamara tapos ang ganda rin ng grades mo Pipes. Dos lang ang lowest mo."


Nagpalitan ng tingin ang dalawa at sa ginawa nilang 'yon ay parang nagkaintindihan na sila.


"Sure," sagot ni Piper at the same time ay sumagot din si Tamara ng, "Okay."


***

Good thing na comedy ang pinanood namin at hindi pure romantic film. Ang gaan lang sa pakiramdam na tumatawa ka over simple things.

Nang matapos ang movie ay nag-aya munang kumain ang dalawa. Habang kumakain ay nagrereklamo si Pipes, "I was shipping her with this guy but why did she dumped him over that... person?"

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon