Chapter 9: White lies

273K 9.6K 2.2K
                                    


Warren's Point of View


"Bro, sweet ka ba kay Pipes noong kayo pa?"


Tumigil sa paggitara si Hunter at tumingin sa akin. Hindi ko alam kung naiirita ba siya sa tanong ko o sadyang naguguluhan lang kung bakit ko tinanong 'yon?


"Sasagot ba o hindi?"


Napakunot ang noo niya at ibinalik na ulit ang atensyon sa gitara.

Akala ko ay hindi na niya sasagutin ang tanong ko pero habang naggigitara ay sumagot siya. "Depende kung paano mo idedefine ang sweet."


"Ha?"

"Kung ang definition mo ng sweet ay 'yung lagi ko siyang inaalala, pinapakita, pinaparamdam at sinasabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko, hinahawakan ko ang kamay niya kapag may mga pagkakataon, niyayakap ko siya para maramdaman niya na nasa tabi lang niya ako, pinaghahandaan ko kapag may mga mahalagang araw na darating at sinasabi ko sa kaniya na mahal ko siya... siguro nga sweet ako."


Halos mapanganga na lang ako sa sinabi niya. Ginagawa niya ang lahat ng 'yon para kay Piper? Hanggang ngayon talaga hindi ko maimagine na ganoon siya. Nakikita ko silang naghoholding hands dati pero ayon na 'yon. Pero... wow. Wow lang talaga.


"Sweetness pa ba ang tawag diyan o sadyang patay na patay ka lang sa kaniya?" biro ko.

"Kung ano sa tingin mo."

"Bakit nagpapakasweet ka sa kaniya? Hiningi niya ba 'yon sa 'yo?"

"I was her boyfriend," sagot niya sa tanong ko na para bang obvious na obvious na ang sagot na 'yon. Nang mapansin niyang naguguluhan pa rin ako ay tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala. "Dude!"

"Ano nga?!"


Napailing siya. Aba, kasalanan ko ba na ayaw niyang sumagot ng diretsyo? Malamang maguguluhan ako.


"Girls want to feel loved. Hindi niya hiningi sa akin na magpakasweet ako sa kaniya. Kusa ko 'yon ginagawa hindi dahil sa obligado akong gawin 'yon dahil boyfriend niya ako kundi sadyang gusto ko lang gawin ang mga bagay na 'yon. I love her and I want her to feel it. Simple as that."


Mahal ko naman si Hailey. Sadyang hindi lang ako sweet pero hindi ibig sabihin no'n na ayaw kong iparamdam sa kaniya na mahal ko siya. Hindi ko naman siya liligawan at hindi naman ako magstestay sa relationship namin kung hindi ko siya mahal.


"Si Hailey ba?" tanong ni Hunter kaya tumango ako. "Nagrereklamo?"

"Hindi naman sa nagrereklamo. Napansin ko lang nitong mga nakakaraang araw hinihingi niya na maging sweet ako sa kaniya. Pumapayag ako kaya lang sadyang hindi lang naman talaga ako sweet."

"Pero gusto niyang magpakasweet ka. Sundin mo na lang. Hindi naman masamang magpakasweet kahit paminsan minsan."


Ano pa nga bang magagawa ko? At ang labo lang ha. Sa dinami-rami ng pwedeng magpayo sa akin si Hunter pa talaga. Sinong mag-aakala nito?


The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon