Chapter 30: Drinking session

215K 8.2K 2.1K
                                    



Warren's Point of View


Nitong mga nakakaraang araw, parang wala ako sa sarili. Hindi ko maintindihan. Magulo eh. Basta parang sunod na lang ako sa agos.

Parang noong nag-mall kami ni Hailey at bumili kami ng damit para sa pagpunta raw sa beach. Siya ang pinapili ko ng damit ko. Pagkatapos no'n, nang manood kami ng sine, siya ang pinapili ko ng papanoorin. Siya pa rin ang hinayaan ko mamili ng flavour ng popcorn. Gusto ko sana 'yung wasabi kaya lang hindi siya mahilig sa maanghang kaya siya na lang ang bahala mamili. Kahit ano naman kinakain ko. Noong kakain na kami ng dinner siya rin ang pinapili ko kung saan niya gustong kumain.

Kapag nagtatanong siya ang sagot ko palagi na lang "ikaw ang bahala", "kung saan mo gusto, okay na rin ako" o "ano sa tingin mo ang mas okay".

Hindi ko na maintindihan sarili ko.


"Warren! Warren!"


Napatayo ako sa kama ko dahil sa biglaang pagpasok ni Nate sa kwarto ko habang sumisigaw.


"Tara sa No Name. Tara, punta tayo."

"Tsk. Akala ko naman kung ano ang nangyari."

"Ano? Sama ka?" tanong ulit niya at humiga sa kama ko.


Hindi ko siya sinagot at kinuha ang phone para tawagan si Hailey. Wala pang tatlong ring ay sumagot na siya.


"Hello? Bakit, Warren?"

"Nag-aaya si Nate sa No Name. Punta tayo?"

"Ha?"

"Pupunta ba tayo?"


Pagkatanong ko no'n ay bigla akong binalibag ni Nate nang unan at umiling.


"Okay. Magbibihis lang ako."


Nang maibaba ko na ang phone ko ay binato ko pabalik kay Nate ang unan. Para saan 'yon? Baliw talaga ang isang 'to.

Teka. Kung sa No Name kami pupunta at nakabalik na si Hunter. Posibleng...


"Kasama ba sila Russel at Piper?" tanong ko kay Nate kaya tumango siya. "Paano kapag nandoon si Hunter?"

"Nagkita na silang tatlo."

"Ha?"

"Nagkita-kita na silang tatlo. Sa No Name. Kasama ko no'n si Piper at Russel kasi inutusan ni Tita Cass si Russel magpunta kay Tito Ry. Nagkataon na nandoon si Guevarra at nakikipag-usap kay Tito Ry. Kaya ayon. Nagkita-kita na sila."

"Anong nangyari pagkatapos?"


Nginisian ako ni Nate na halatang nag-eenjoy na nakikitang curious ako. "Ayon, wala naman. Binati ko siya. Binati niya kami. Tapos napansin kong hinawakan ni Russel ang kamay ni Pipes. Tapos nagpakilala si Russel sa kaniya bilang bagong boyfriend ni Pipes. Halatang nagulat siya pero tumango na lang. Sila naman ni Pipes bukod sa tanguan, wala ng eksena. Ayon lang tapos wala na. Pero may usapan kami ni Guevarra na magkita sa mga susunod na araw. Kaya i-clear mo na ang schedule mo kasi isasama kita. Kailangan nating tatlo magbonding ulit."

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon