Chapter 6: Trouble

326K 10.8K 5.2K
                                    


Nate's Point of View


Naglalaro ako ng video games sa kwarto ko nang marinig ko ang sigaw ni mama. Kapag talaga si mama ang sumigaw parang palaging may nagwewelga. Napakalakas. Kaya lang wala... taob siya kay Tita Sab. Kapag 'yon ang sumigaw... ha... parang may World War III.


"Naaate! Alam kong naririnig mo ako! Bumaba ka dito at may bisita tayo!"


Bago pa niya maisipan umakyat at hilahin ako palabas ng kwarto habang nakahawak sa tenga ko, bababa na ako. Habang maaga pa kailangan umiwas na sa mas matinding bulyaw ni mama.


"Naaate! Isaaa!"

"Ayan na po! Relax lang, Ma! Pababa na!"


Pagbaba ko ay bumungad agad sa akin ang mukha ni Tito Ry. Lumapit siya at saka ginulo ang buhok ko. Gustong gusto niyang ginugulo ang buhok ko noong bata pa ako pero binata na ako ngayon kaya hindi na dapat niya gawin 'yon. Dapat lagi na 'tong nakaayos.


"Huwag niyo guluhin, Tito Ry. Inayos ko 'yan. Sayang effort."

"Ganyan na ba usong ayos ngayon?" Parang hindi makapaniwala niyang tanong. "Akala ko mas astig ngayon 'yung messy hair. Mas nakakagwapo daw 'yon."


Tumingin ako kay Tita Cass at bahagyang itinagilid ang ulo ko na parang nagtatanong. Mas mapagkakatiwalaan si Tita Cass kaysa dito sa asawa niya. Madalas akong i-goodtime nito eh. Baka mamaya mag messy hair ako tapos akalain ng mga tao sa paligid ko bagong gising lang ako o kaya nawalan ako ng pambili ng suklay.

Pero kung tutuusin oks lang 'yon. Gwapo naman ako kaya madadala na no'n 'yung buhok ko.


"Honestly, Nate, mas cool nga tingnan ang messy hair lang kaysa sa tadtad ng wax. Pero nasa nagdadala rin 'yon," sagot naman ni Tita Cass. "Bagay naman sa 'yo kahit ano do'n."

"Ayan ang pinakagusto ko sa 'yo, Tita Cass! Marunong ka talaga magsabi ng totoo. Napakahonest mong tao."

"Yeah. Yeah. Papalakpak na naman 'yang tenga mo."


Natawa sila dahil sa sinabi ni Tita Cass. Ayos lang. Basta sinabi naman niya na bagay sa akin kahit ano. Kasi gwapo ako.


"Nga pala, Nate, uwi dito pinsan mo. Ilang taon na rin magbuhat nang umuwi 'yon dito kaya marami na 'yon hindi alam na lugar dito. Kapag may oras ka sama-samahan mo."

"Sige lang po. Basta wala akong ginagawa at basta sagot niya magiging gastos sa pangkain at gasolina."

"Kuripot talaga," iling na sabi ni Papa.

"Kanino pa po ba magmamana?"


Nagtawanan sila sa sagot ko. Habang busy sila sa pagkantyaw kay Papa, kumuha ako ng pagkain at dahan dahan lumabas. Baka masabon pa ako ni Papa kaya hangga't maaga pa lalayo na ako.

Nasa may terrace ako nang magdaan si Warren sa tapat ng bahay.


"Warren! Saan galing?" sigaw ko kaya napahinto siya at pumasok. 

"Inutusan akong bumili ni mama."


Papalapit na ang kamay niya sa pagkain ko kaya agad ko 'yung inilayo sa kaniya.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon