Chapter 33: Two reasons

226K 8K 2.7K
                                    



Nate's Point of View


"Nice, one, pinsan."


Siniko ko si Russel na nakaakbay sa akin. Kakalabas lang namin ng café ng mommy niya pero nang-iinis agad siya. Kapag ako nainis hindi ko pa 'to sasamahan mamili.


"Cool na cool, ha? Tinabihan mo pa. Kinausap mo pa. At may pahabol pang tapik sa ulo."

"Tigilan mo nga ako."

"Kanina ang cool mo. Ano na nangyari?" tanong niya at tumawa ng malakas.


Nilukot ko nga ang pinahawak niya sa akin na listahan ng mga bibilhin at ipinasok sa bunganga niya. Bwisit siya. Ayan, lamunin niya ang papel.


"Siraulo ka! Listahan natin 'to!"

"Mababasa mo pa rin naman 'yan kahit lukot na ang papel," sagot ko lang at pumasok na ng sasakyan niya.


Hindi ba niya alam na medyo mahirap pa rin umarte ng normal sa harap ni Tammy. Hindi madaling ipakita sa kaniya na ayos lang ako. Kung tutuusin, ayos naman na talaga ako. Kaya lang kapag nakikita ko siya, nagpapanic pa rin ako. Tsk.

Sinong niloko ko? Hindi ako ayos. Hindi pa ako ayos.

Sadyang kailangan ko lang mag-mukhang ayos para hindi siya mag-alala. Isa pa, ayokong magmukhang bitter. Ano 'yon, dahil lang sa hindi niya ako sinagot eh hindi ko na siya papansinin? Hindi ba parang ang unfair naman sa kaniya no'n. Parang pinapaguilty ko pa siya kung gagawin ko 'yon.

Naiilang ako kapag nandiyan siya. Kapag tinitingnan ko siya hangga't maaari, hindi ako tumitingin sa mata niya. Para nga akong tanga na nakatingin minsan sa noo niya kapag kausap ko siya. Minsan naman sa kilay o kaya sa pagitan ng kilay niya.

Hindi bale. Darating din ang araw na hindi na ako maiilang sa kaniya at matitingnan ko na siya sa mata. Matatagalan pa nga lang siguro pero darating din ako sa puntong 'yon.


Natigil ako kakaisip sa kung ano man 'tong mga iniisip ko nang mag-ring ang phone ko. Si Tanya. Ano naman kayang trip ng taong 'to?


"Nate!" sigaw niya nang sagutin ko ang tawag. "May sasabihin ako!"

"Ano? Aaminin mo na ba na may crush ko sa akin?"


Napatingin sa akin si Russel at umiling kaya nginitian ko siya nang pagkalaki-laki.


"Asa! Basta may sasabihin ako sa 'yo kapag nagkita na tayo! Mas masaya magkwento kapag face to face kayo nang kausap mo."

"Ikaw ang tumawag tapos ayan ang sasabihin mo?! Adik ka ba?!"

"Basta. Sige, bye!"


Kita mo 'yon! Pinatayan pa ako ng phone. Siya itong nang-istorbo sa akin, hindi naman ako ang tumawag sa kaniya. Hay nako. Mga babae nga naman. Ang labo!


"Tanya?" tanong ni Russel.

"Oo, nanggugulo na naman."

"Baka may gusto sa 'yo kaya lagi kang ginugulo."

"Sira. Walang gusto sa akin 'to."

"Sigurado ka?"

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon