Chapter 31: Confrontation

225K 8.4K 2.3K
                                    


Hailey's Point of View


Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin na sobrang iba na ni Warren. In a matter of months, sobrang laki na ng pinagbago niya. Noong una akala ko for the better ang pagbabago na nangyayari sa kaniya kaya lang habang nagtatagal parang hindi na ganoon ang nangyayari.

Aaminin ko na natuwa ako na naging dependent siya sa akin. Natuwa ako na lagi niyang hinihingi ang opinyon ko. Natuwa ako na lagi niyang iniisip kung ano ang gusto o ang ayaw ko.

Kaya lang nitong mga nakakaraan parang sumosobra na. Nakakainis na to be honest.

Oo, naaappreciate ko na gusto niyang hingin ang opinyon ko. Pero sa lahat na lang ba ng bagay palaging gano'n? Minsan simpleng yes or no question hindi pa niya masagot. Magtatanong pa sa akin.

Parang ngayon...

Automatic na tumaas ang kilay ko nang mabasa ang text ni Warren.


Aalis ba tayo ngayon? Nagpapasama kasi si mama sa akin.


Kung sagutin ko kaya siya ng 'oo, aalis tayo', hindi kaya niya sasamahan ang mama niya? Jusko. Mama niya 'yon kaya syempre unahin niya 'yon. Nagpapasama sa kaniya si Tita Yannie. Hindi na kailangan pa na tanungin ako doon. Kahit may lakad kami, dapat unahin niya ang pagsama kay Tita Yannie. Pati ba naman 'yon?


Hindi. Sumama ka na, reply ko sa kaniya.


Matapos ko siyang replyan ay si Piper at Tamara naman ang tinext ko para makipagkita. Hindi rin nagtagal ay nagreply sila at nagkasundo kami na magkita-kita na lang sa favorite tambayan namin. Sa café ni Tita Cass.

Nang makarating ako sa café ay nandoon na si Tamara. Nakasunod din naman agad si Piper.


"So," panimula ni Piper habang iniikot ikot ang straw ng smoothie niya. "What's your problem?"

"Parang nag-aya lang may problema na agad?"


Nagkatinginan si Piper at Tamara at parehas bumungisngis. Tinapik ni Tamara ang likod ko, "Alam mo, obvious naman na may problema ka. Kilala ka na namin. Halata kapag may iniisip ka."


"Again, what's your problem?"


Sumandal ako at iniikot ikot ang straw sa smoothie na binili ko. Paano ko ba sasabihin 'to? Problema ko si Warren kasi nakadepende siya sa akin? Kasi iniisip niya ako? Hindi ko nga alam kung masama ba 'yon eh. Probema ba talaga 'yon?


"Hailey. Hoy," tapik sa akin ni Tamara.


Huminga ako ng malalim at nagpangalumbaba, "Ewan ko ba. Si Warren kasi..."


"Alam na namin ni Piper 'yan. Sino pa ba proproblemahin mo? Si Warren lang naman."

"What about him, Hailey? Masyado na bang mabait? Hindi ka na sanay?"

"Sobrang iba kasi siya ngayon. Lagi siyang nakadepende sa mga sinasabi ko. Simpleng mga bagay hindi niya magawang makapagdesisyon. Ang tanda na niya. Dapat alam na niya ang mga ginagawa niya kaya bakit palagi pa rin siyang nagtatanong sa akin?"

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon