Chapter 25: Taken...

227K 9K 5.1K
                                    



Nate's Point of View


Nagising ako nang maramdaman kong may tumatalon sa kama ko. Medyo hindi ko pa makita ng maayos kung ano bang nangyayari kaya nang may mag-landing sa tiyan ko na kung ano, daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig.

Nagtawanan ang mga pinsan kong maliliit nang bigla akong mapabangon at mga nagmamadaling tumakbo palabas ng kwarto ko. Paano ba nakapasok ang mga 'yon dito? Hindi ko ba nilock ang pinto?

Kainis naman o. Nagising ako agad. Ang ganda ganda pa naman ng panaginip ko.

Hinatid ko raw si Tammy sa kanila tapos sinagot na raw niya ako. Sa panaginip man lang sagutin niya ako. Kaya lang bigla raw lumabas 'yung nanay niya kaya – teka...


Nate! Gising! Nangyari talaga 'yon kagabi! Sinagot ka talaga ni Tammy! Gwapo mo kasi!


Lumaki ang ngiti ko at nagtatalon talon ako sa kama ko.


"Wohoooo!"

"Anong trip mo?" Napahinto ako sa pagtalon nang magsalita si Russel na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko. "Pinapatawag ka na nila Tito Ice. Nasa baba na sila papa pati sila Tita Ashley. Ikaw na lang – "


Hindi ko na siya pinatapos sa pagsalita. Tumalon na ako pababa ng kama at lumapit sa kaniya saka siya hinalikan sa pisngi, "Good morning, pinsan!" bati ko at nagtatakbo palabas ng kwarto.


"Siraulo ka, Nate! Kadiri ka! Ni hindi ka pa nagtoo-toothbrush!!"


Bago pa ako makababa ay nagmamadali ulit akong bumalik sa kwarto nang hindi pinapansin si Russel. Kinuha ko ang phone na nasa kama ko at napangiti nang malaki nang makitang may message galing kay Tammy.

Kilig! Yiii!


Thank you sa paghatid kagabi. Sorry sa abala.


Sus! Ito namang si Tammy para pang others. Girlfriend ko kaya siya kaya ayos lang. Kasi nga girlfriend ko siya. Kaya ayos lang. Kasi girlfriend ko siya.

Nate, magtigil ka! Paulit-ulit. Oo na, girlfriend mo siya. Girlfriend mo!

Girlfriend. Ayan, kinikilig na naman ako.


Ayos lang. Lakas mo kaya sa akin. Nagkahangover ka ba?


Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa pagsigaw ni mama sa baba kaya nagmamadali ulit akong tumakbo papunta sa kanila.

Binati ko ang mga kamag-anak ko at kapag hindi nagbabasa o nagrereply sa text ni Tammy ay nakikipag-usap ako sa kanila. Mukha namang napansin nila 'yon kaya inagaw ni Tito Ry ang phone ko at itinago.


"Hindi maalis ang tingin sa phone."

"Binata na talaga 'tong si Nate," biro pa ni Tita Ashley. Ilang taon na nga akong nangliligaw eh. Malamang binata na ako. Si Tita Ashley talaga o.


***

"Nakakainis. Kung makangiti akala mo kung anong maganda ang nangyari," irap sa akin ni Pipes.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon