4th

146 6 8
                                    

4

Pinagpapasalamat ko talaga na dalawang araw lang ang Accounting subject ko, tuwing Lunes at Huwebes. At dahil Martes ngayon, maghaharap naman kami ni Programming at Philosophy.

Maganda ang schedule ko ngayon dahil maaga palagi ang uwi ko.

Papasok na naman ako sa university namin, walang katapusan na pag-aaral na naman ang gagawin ko para maging isang CPA.

"Oy, kuya! Baka naman may balak kang ilibre ako ng pamasahe ngayon, kahit ngayon lang" pakiusap ako sa kapatid ko.

Kapag sabay kasi kaming pumasok gusto ko na sya lang ang nagbabayad ng pamasahe namin, para naman makatipid ako. Parang napaka unfair kasi na mas nakaka ipon ang kapatid ko kaysa sa'kin, pareho lang naman kami ng baon. Kung magkano ang sakanya gano'n rin sa'kin.

Nakakaloka ang Kuya ko, hindi na yata siya nagastos.

"Ayaw ko"

"Bakit naman? Kapatid mo 'ko, Kuya, maging mabait ka naman sa kapatid mo. Paano ka niyan manliligaw kung sarili mong kapatid hindi mo mailibre?"

Pinapairal ko na naman ang pagiging madrama ko, nagbabaka sakaling madadaan ko sa ganito ang kapatid ko.

Marine Engineering ang course ni Kuya, mas matanda siya sa'kin ng dalawang taon kaya 19 na siya.

Hindi ko talaga siya pinapakilala kina Dyosa at Diwata, alam ko naman na mahilig sila sa Marino. Baka maging biktima pa nila kapatid ko. Sayang face ng Kuya ko. Pakiramdam ko naman hindi rin siya napatol sa lalaki.

"Marunong akong magpaka gentleman, may pera ka naman alam ko"

"Daya! Hindi ka magkakaroon ng girlfriend kung palagi kang ganyan"

Kainis! Hindi ako makakaipon sa lagay na 'to.

Sa ibang university nag-aaral ang kapatid ko kaya wala talagang pag-asa na makita sila nina Dyosa.

Hindi rin nila alam ang pangalan ni kuya. Kenn ang pangalan niya, kahit sa facebook ayaw kong maging friend sila nila Dyosa.  Sadyang mean lang ako sa mga palakang 'yon.

Medyo close ako sa kapatid ko, magkaiba kasi kami ng mga hilig kaya hindi ko siya makasundo minsan. Ayaw niya rin na maingay ako kaya ayun, palagi siyang nasa kwarto niya. Hindi rin naman siya gano'n ka-athletic, may mga kaibigan siya na kilala ko naman.

"Sabi mo lang 'yan"

"Oy, bakit? May girlfriend ka na? hala ka, alam na nila Mama?" hinabol ko pa siya, ang bilis naman kasing maglakad ng kapatid ko.

Nag-aantay ako ng sagot niya pero wala siyang sinabi. "Meron na noh? Sino 'yon, kuya? Share mo naman sa'kin"

"Wag na. Kukulitin mo lang 'yon"

Ohgrabe. May girlfriend na nga siya, sobrang nagulat ako sa reveleation ng kapatid ko. Sa tagal na naming magkasama sa iisang bahay ngayon ko lang nalaman na may girlfriend na sya. Wala sa itsura niya na taken  siya.

"Ibig sabihin meron nga, alam 'yan sa bahay? Taga saan? Saan nag-aaral? Ilan taon na?"

Tiningnan niya ako. "Tingnan mo, hindi mo pa nga nakikilala nangungulit ka na. basta" tapos nagpatuloy na naman siya sa paglakad.

Grabe siya, gano'n ba ako kakulit? Normal lang naman na magtanong ako ah, concern lang naman ako sakanya. Baka kung sinong babae lang 'yung niligawan niya, pero hindi, sa tingin ko naman maayos ang taste ng kapatid ko pagdating sa babae.

Pareho lang kami kaya okay na okay lang talaga si Harvey.

"Basta ka dyan, baka sugar mommy 'yon ha! Lagot ka kay lola"

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now