5th

128 7 5
                                    


5

Nakakapagod ang second day na 'to. Paglakarin ba naman ako ng kapatid ko ng malayo dahil sabay raw kaming uuwi. Akala ko naman pupuntahan niya ako sa school para sunduin, napaka gentleman talaga e! do'n pa ako pinag-antay sa sakayan papuntang school nila. Ako pa talaga ang pinag-antay.

Tapos nang dumating na siya kasama pa 'yung kaibigan niya na sobra kung mang-asar sa'kin. Di naman gwapo! Nayayabangan ako sakanya, ang laking tao Jewel ang pangalan. Ako rin kasi may kasalanan kung bakit inaasar niya ako, pinagtawanan ko kasi pangalan nya. Ngayon siya naman ang walang tigil sa pang-aasar sa'kin na ang pangit ko raw, ako lang naman kasi ang naniniwala na maganda ako pati si mama, maganda naman talaga ako! Tapos kawawa raw ako kasi walang gusto sa'kin ang crush ko, nalaman kasi ni Kuya na may gusto ako kay Harvey.

Narinig niyang kinukwento ko kay Kitt, nakababatang kapatid naman anim na taon lang siya. Ginagawa ko ngang babae 'yung kapatid ko na 'yon, tinuturuan kong mag beki language kahit imbento ko lang lahat.

Lahat nga ng crush ko crush niya rin daw, kaya hindi ko pinapakita picture ni Harvey sakanya. Baka mainlove sa bebe ko. Mahirap nang kaagaw ang kapatid.

Balik tayo sa pagkainis ko kay Kuya. Kasama ko pa rin silang dalawa ni Jewel.

"Wala ba kayong ref at dito ka nakain sa bahay namin? Umuwi ka na nga!" pinagtatabuyan ko si Jewel. Minsan nagbibiro lang ako na pinapalayas ko siya sa bahay namin madalas naman totoo na gusto ko siyang umalis dito.

"Masamang mag byahe ng gutom, baka mag collapse ako. Walang sasalo sa'kin, wala pa akong princess charming" nang aasar na naman siya. Kapag naiinis ako sakanya talagang gumagawa siya ng paraan para mainis ako ng todo.

"Walang magkakagusto sa'yo!"

"Maraming may gusto sa'kin, ang gwapo ko kaya. Wala palang akong sinasagot sa mga manliligaw ko"

Odiba? Sinong hindi maasar sa kayabangan ng isang 'to. Buti nalang si Harvey my bebe hindi mayabang. Ang bait bait bait niya. Hindi ko na nga lang ulit siya nakita kanina, naka alerto na ang ninja instincts ko pero walang Harvs sa paligid kanina.

"Sus. Lalaki rin naman ang hanap mo"

"Kenn, saan nakamana ang kapatid mo? Lakas rin mang-inis"

Buti naman naaasar rin siya sa'kin. Grabe kung maka feel at home ang isang 'to. Pasalamat talaga siya wala sina Mama ngayon sa bahay, pwede nyang ipatong ang mga paa niya sa center table ng sala namin.

Kapag naman nandito sina mama ang bait na nilalang.

"Huwag mo kasing iniinis. Napatol ka na naman sa babae, bakla ka nga yata" seryoso pa si Kuya sa pagsasalita habang nanunuod.

Sa wakas naman kinampihan ako ng kapatid ko ngayon. Sobrang natuwa ako.

"HAHAHAHA. Bakla nga, Jewel pangalan. Jewel in the Palace, Kuya baka may gusto siya sa'yo. Ingat ka"

Halos muntik nang malaglag si Jewel sa kinauupuan niya. Nagtulakan kasi sila ni Kuya, magkatabi kasi silang dalawa ngayon. Ako naman naka hiwalay ng upuan.

"Umayos ka nga, di tayo talo. May girlfriend ka naman ah. Maka tulak ka" –Jewel

Natutuwa rin naman ako minsan na nandito ang bakulaw na 'to sa bahay namin. Mas close pa nga sila ni Kuya kaysa sa'kin. Kapag kasi nandito siya nakakausap ko pa si Kuya ng ayos. Kapag naman wala si Jewel, nag tiyatiyaga ako kay Kitt.

"Nakakadiri ka kasi" sagot ni Kuya sakanya.

Speaking of girlfriend.... "Oy, Jewel in the Palace, anong pangalan ng girlfriend ni Kuya?"

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now