Special Chapter 5

119 3 5
                                    

Special Chapter 5

A/N: LAST NA LAST NA 'TO. HAHAHA MALAKAS SA'KIN YUNG NAG REQUEST.

~

Leslie

"Nahihilo ka ba?" umiling ako, "Bakit ang tahimik mo?" tanong niya pa.

"Wala lang"

Nag-iisip lang ako. Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Gaya nalang ng halaga ng plane ticket papuntang Paris, France. Kung magkano ang gagastusin namin sa isang linggong pamamasyal doon. Kung gaano ba kalaki ang kinikita ng isang Gio Manansala at naisipan niyang magbakasyon sa France ng isang linggo.

Kung ginagaya niya lang si Ralph at Angel na nasa Australia ngayon, hindi bagay sakanya. "Wala? Bakit nga hindi ka nagsasalita? Masama pakiramdam mo? May masakit sa'yo?"

Kung makapag-alala naman siya parang mamamatay na ako mamaya. "Hindi nga, ayos lang ako"

Iniisip ko lang kung paano kami nakatagal ng ganito. Sampung taon na parang isang taon lang ang lumipas. Nakatagal siya ng sampung taon na kasama ako. Seryoso, sampung taon na kaming magkasama sa buhay. Sampung taon na rin akong nangungulit sakanya. Perpektong pagsasama na ba 'yung sampung taon? Masa tatagal ba kami o hanggang sampung taon nalang?

Siya ang namili ng lugar na pupuntahan. No'ng isang taon, galing kami sa Singapore. No'ng unang taon naman ng kasal namin nanggaling kami sa Californina. Tapos may plano siyang bumalik doon sa susunod na buwan na kasama 'yung kambal. Si Gio talaga ang may ideya ng Paris tour na 'to, "Bakit sa France mo gusto?" tanong ko sakanya para hindi siya maghinala na may masakit o may masama sa pakiramdam ko.

Ngumiti siya ng malapad, "Tingnan mo 'to, tinatanong ko tapos ngingitian lang ako"

"Naalala ko lang 'yung sinabi ng boss ko. Nakakatuwa kasi"

"Ano naman 'yon? May nakakatuwa sa France?"

Umiling siya, "Galing sila ng asawa niya sa France last month. Memorable daw 'yung tour kasi silang dalawa lang"

"Ngayon? Magiging memorable din sa'tin kasi tayong dalawa lang?" tumango siya.

Lahat naman ng tour memorable kasi kaming dalawa lang. No'ng nagpunta lang kami ng Disney land tsaka nakasama 'yung mga bata, pero bukod sa mga 'yon lahat ng bansa na puntahan namin kaming dalawa nalang. "H'wag mong sabihin na bibili ka na naman ng sapatos"

"Di ah. Bibilhan kita ng bag"

"Na naman? Mayroon pa ako. Ayaw ko ng bag, 'wag nalang"

No'ng huling birthday ko binilhan niya ako ng bag kaso kulay green, 'yon nalang daw kasi ang available na kulay. Iyon 'yung pinakagusto kong bag na nakita kong gamit ng isang sikat na model. Nagulat nalang ako nasa kwarto na namin 'yung bag. "Ayaw mo ng bag? Maganda pa naman 'yung nakita ko online"

"Mahal naman 'yung nakita mo"

"Alam mo ba kung magkano 'yung green na bag mo?"

Umiling ulit ako. Hindi ko talaga alam kung magkano 'yung mga binibigay niya sa'kin, wala siyang sinasabi na presyo. "228 thousand. Mura na nga 'yon, eh. Yung bagong nakita ko nasa 300 thousand lang, mura na din 'di ba?"

Ano! 300 thousand? Mapapanganga ka naman sa presyo. Ganun kamahal 'yung bag? Ay leche. Isang bahay na 'yon ah. "Hoy, Gio. pang tuition na 'yon ni Alex. Huwag mong bibilhin 'yung bag, patay ka sa'kin" banta ko sakanya.

"Ay, nakapag pareserve na ako online. Babayaran ko nalang bukas" hinampas ko siya, "Baliw ka. Ang mahal ng bag, ayos na ako sa tig-iisang libo sa kanto. Ginto ba 'yung bag na 'yon ha?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Know it All [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon