33rd

139 3 0
                                    

A/N: Pinakamahabang kabanata na ito ng MKIA sa ngayon (14,179 words.) Ohmygee. 😱

~

33

LESLIE

Kung anong problema ko kahapon ganun din ngayon, bakit kasi kailangan maranasan ng mga babae ang ganito? Buwanang dalaw! Maari ba na isang beses nalang sa isang taon? Nakakasakit ng ulo 'to. Wala pa ako sa mood kapag meron, ang init ng ulo ko kung minsan naman ang hirap kong kausapin dahil sa pabago-bagong mood.
At ngayon may mas nakakainit pa ng ulo. Malalaman ko nalang na ako ang sinisisi ng iba namin na kaklase, well sina 'kaibigan' lang naman ni Gio, hindi kasi nakapasok si Gio ngayon sa lahat ng subjects namin. Nagka-allergy daw dahil doon sa pinakain kong tsokolate na 'yun. Inabutan ko siya ng isang bar ng chocolates with almonds bilang pa-thank you doon sa pagsho-shoulder niya ng reporting namin, wala nga kasi akong naiambag.
Sinarili ko nalang rin na galing kay Jewel 'yung binigay ko sakanya. Hanggang ngayon kasi marami pa rin kaming chocolates sa ref. na galing kay Jewel kaya namigay naman ako kahit papaano. Si Gio nga lang ang binigyan ko dito sa school, sigurado kasi akong hindi niya tatanungin kung kanino galing. Kung kina Diwata ko kasi 'yon binigay magtatanong pa kung saan ko nakuha.
Ang ganap ngayon, nagagalit sila kasi may long quiz kami at wala silang mapagtanungan ng mga formulas dahil wala si Bestie ng buong room.

"Wala akong kasalanan kung bakit hindi siya nakapasok, malay ko na allergic pala siya sa almonds" reklamo ko. Ang init ng nga ng pakiramdam ko at ng ulo ko sasabay pa ang ganitong eksena sa klasroom namin na naiinis sila sa pagkawala ni Gio ngayon.

Nagpaparinig pa na ako ang may kasalanan. Hindi nila alam na na-allergy siya sa binigay kong tsokolate, naririnig ko lang na ako daw may kasalanan kung bakit hindi siya nakapasok ngayon. Sisihin ba ako? Sana 'yung tsokolate ang sinisisi nila ngayon. Leche!

"Ang sweet mo naman kasi sakanya" komento ni Angel, tiningnan ko lang siya ng walang emosyon sa mukha ko, "Wow ah! Pa-thank you 'yon, wala akong intensyon na regaluhan siya ng chocolates. Kikiligin lang 'yun sa'kin"

"Pareho naman kayong kinikilig sa isa't isa"  dagdag pa ni Angel, "Wala akong panahon sakanya. Mas kinikilig pa ako kay Jeff Chan" halos iritableng sagot ko. Wala talaga ako sa kundisyon na makipag-asaran sakanya, "Weh? Nagkakamabutihan na nga kayo ni Gio" magpapasalamat ako sa kahinaan ng boses ni Angel at walang ibang nakarinig ng sinabi niya.

"Pakiramdam mo lang 'yon" kontra ko sakanya. "Ewan sainyo. Ang gulo niya, seryoso"

Siya 'tong magulo sa'ming dalawa. May pagpapalit pa ng 'bebs' na 'yan bilang chatname tapos may totoo siyang girlfriend na bebs rin ang tawag sakanya. Inisip ko nalang na napagkamalan niya akong si Leslie na girlfriend niya, hindi na kasi siya nag chat matapos kong magtanong, hanggang ngayon wala pang bagong message mula kay Gio. Wala naman siyang chat na sinisisi ako sa pagkakaroon niya ng allergies.

Gusto kong itanong kay Aica kung totoo ba na nagka-allergy si Gio pero hindi ko naman magawa, iba na kasi ang upuan niya. Simula kahapon sa ibang row na siya nakaupo kasama niya si Gio sa paglipat ng upuan. Hindi nga nila ako kinakausap. Walang pansinan, para kaming babagong nagkakakilala. Mas malala kasi parang hangin lang ako sakanilang dalawa. Ang laki ng galit ni Aica sa kapatid kong nasiraan ng pag-iisip at nakipaghiwalay sakanya. Leche talaga! Ang dami kong iniisip, isama na ang nalalapit namin na final examination.

"Girly, narinig mo na ang may pakpak na balita? We heard Bestie's sick really sick" pagdadrama ni Diwata habang naupo sa tabihan ko, "Really sick ka diyan, Delfino hindi pa madedeads si Giobels. May allergy lang daw" pag-iiba ni Dyosa sa balitang nakalap ni Diwata.

Alam ko na 'yan. Wala akong balak makipagpalitan na opinyon sakanila. Ang sakit ng puson ko hanggang ngayon. 

Sinulyapan ako ni Diwata, "Ay, anong dramahan? Sasali kang MMFF, girly? Best actress ka sa pagiging emoterang supladang masungit na maganda ng kaunti sa'kin. Anyare?" hindi ako umimik.

Mr. Know it All [EDITING]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن