30th

107 3 1
                                    

30

Dear Someone,

I'm the happiest person on Earth when I'm being myself. And I'm myself when I'm with you. 

~~~~

LESLIE

Anong sinabi ng bouquet of red roses ko sa red lips ni Diwata? Hi, Delfino! Kahit ilang beses kong ipikit at imulat ang mga mata ko nakikita ko pa rin 'tong bouquet of red roses sa harapan ko. Bukod sa card na may 'for Leslie' may isa pang note na nakasiksik mismo sa loob ng mga bulaklak na 'to.

Note:

Kanina ko lang 'to binili. Pasensya na kung hindi violet =)

Inaamin ko na kahit hindi nyo ako tanungin, kinilig talaga ako ng wagas kanina. Hello! Bulaklak 'to, kasiyahan na naming mga babae ang makatanggap ng mga bulaklak ko kahit artificial pang pulang rosas 'to.

Kahit wala ng tsokolate at malaking teddy bear, sobrang natuwa ako sa kung sino man ang nag-abala na magbigay sa'kin nito.

At dahil bagong bili lang sya kanina, fresh na fresh ang roses na 'to. Amoy na amoy ko sya kahit hindi ilapit sa ilong ko. Nakalimutan ko na rin na puyat ako, grabe lang....for the first time in forever nakatanggap ako ng ganito. Gusto ko nang magtatalon sa kilig. Ohmygosh talaga, iniisip ko nga kung kanino 'to galing.

Kay Jewel kaya?

"Matunaw 'yan"

Sino pa bang masungit sa araw-araw na ginawa ng Diyos, si Giobels na katabi ko na naman. Bakit ba kami naging seat mates tuwing Programming? Naaalala ko 'yung 'that's my boy' pati na rin ang pag da-drawing nya habang nagkaklase.

"Inggit ka lang kasi walang nagbigay sa'yo ng roses"

Medyo napangiti sya sa sinabi ko, medyo lang talaga "Hindi ko naman makakain 'yan"

"Ah gano'n, ako makakain ko 'to? 'yon ba gusto mong sabihin?"

Mataray na kung mataray, ang taray nya rin ngayon e. Palaging may dalaw ang isang 'to. Hindi sya nagsalita.

"Don't worry, next year bibigyan kita ng roses. Pero ikaw rin magbibigay sa'kin ng pambili"

"No, thanks"

"Ang sungit mo na naman"

Umiwas lang sya ng tingin, ano bang problema ng lalaking 'to sa mundo? Lahat ng tao kaaway nya na siguro maliban kay Charmaine, palagi nalang si Charmaine! Mabulunan sana sya ngayon.

"OMG! Girly, may nagbigay rin sa'kin ng roses. So maganda, look" tuwang-tuwang pumasok ng IT lab si Diwata, inaabangan kasi nila ang professor namin sa labas.

Pagpasok nya ng room, may dala na syang bouquet rin ng red roses. Kasabay niyang pumasok si Angel at Dyosa.

Walang kahit anong dala si Angel gano'n na rin si Dyosa.

Itong si Diwata naman pinagmamalaki sa harapan ko ang mga bulaklak na dala niya, may pag-ikot pa sa tuwa.

"Kanino galing?" tanong ko sakanya. May nagbibigay rin pala sakanya. Hindi ko inaasahan 'to, ang naiisip ko kasi siya pa ang magbibigay sa mga marino niyang bebe.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now