Special Chapter 3

66 3 3
                                    


Special Chapter 3


Leslie

Nakikipaglaro ako sa dalawang bata. Nasa school na si Alexis, grade one na siya. Itong dalawa naman two years old na. Pinakamadaldal si Adam, ang unang salitang nasabi niya ay 'Dada' tapos 'yung mommy nito lang niya natutunan. Si Levine, tahimik lang siya. Nakikinig lang kapag may sasabihin ako sakanya. Mahilig siyang humawak ng libro kahit hindi pa siya nakakapagbasa.

"Mommy, I want car. I want car!" nag-iiyak si Adam ngayon. Kung ano ang hawak ni Levine gusto niya rin nito.

Lahat naman ng bagay na mayroon 'yung isa mayroon din siya. Nagkataon lang na naiwala ni Adam 'yung sakanya.

"Adam, kay Levine 'yon. Hanap nalang tayo ng sa'yo"

"I want that. I want toy kuya, mommy" hinihigit niya 'yung buhok ko. Nakatingin siya doon sa laruan ni Levine, "It's okay. You nalang dito. Me nalang sa train" binigay ni Levine 'yung laruan kay Adam.

Natuwa ako sa ginawa ng anak ko. Kahit wala pa silang gaanong alam sa ginagawa nila natutuwa na ako sakanila, "Good boy si Levine" sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya. Kahit mag-isa lang siya sa kwarto hindi siya naiyak. Itong si Adam ang pinaka makulit sakanilang dalawa.

~

"Ang cute naman ng mga pamangkin ko. Hug niyo si tita dali"

Nandito si Gia. Weekends kung pumunta siya sa bahay minsan kasama niya si Sean, boyfriend niya, minsan naman siya lang mag-isa.

Niyakap naman ng dalawa si Gia, "Ang bango niyo. Ang sarap niyo iuwi" sabi pa nito, "Ate, pwede na ba silang pumunta ng Disney land?"

Kagagaling lang namin sa Disney lang, kaming tatlo ni Gio at Alexis. Yung bata kasi gustong gusto pumunta doon kaya pinagbigyan na namin. Naiwan 'yung kambal sa bahay ng mommy ni Gio. "Pwede naman pero si Gio pa ang mag dedecide, gusto niya kasi kasama rin siya"

"Nakakainis naman, ate, gawa nalang ulit kayo ng bago. Sa'kin nalang 'yung kambal"

Ay jusko, parang nahiya naman ako sa sinabi niya. "Naku, mahirap gumawa ng bago. Lalo kung ganyan ang hitsura. Hinding hindi ko ipagpapalit 'yang dalawang bulilit na 'yan"

"Si ate naman. Bawal pa ako sa mga ganyan, eh. Alam mo na, baka magpakamatay si kuya kapag nalaman na may anak na ako" hindi niya tinigilan yung dalawang bata. Kahit hawak niya yung isa aabutin naman niya yung isa.

"Magpakasal nalang kayo ni Sean. Nasa tamang edad na rin kayo"

"Hindi pa. Bata pa rin kami, ate"

Tinatanggi niyang bata siya eh nasa late 20s na rin silang dalawa. Nakakatuwa nga 'yung relasyon ng dalawa na 'yon, para lang silang magkaibigan. Hindi naman open relationship pero parang wala silang problema. Parang walang nagseselos at walang pinagseselosan.

"Kumusta na 'yung kapatid mo, 'te? May anak na rin ba?"

Si kuya, mayroon na silang little angel. Pati 'yung mga kaibigan ko mayroon na rin. Si Angel, isang little boy ang sakanya. Si Jewel rin may anak na. Kaya pala nandoon rin siya sa ospital, pero hindi ko pa nakikita 'yung bata, babae raw ang sabi sa'kin ni Monica.

Magkakaedad pa nga ang mga anak namin. Ang bilis ng panahon, noong isang araw lang mga magkaklase lang kami. Ako, patay na patay pa kay Harvey na ngayon ay may dalawang anak na, nagpakasal na rin sila ni Cheska.

Si Paul at Charmaine may balak na rin magpakasal sa December. Beach wedding raw ang gusto ni Charmaine. Si Ralph at Angel naman, ayun magkasama na sila sa bahay pero wala pa rin kasalan na nagaganap.

- - - -

From: Giobels (nanatili pa rin na Giobels ang pangalan niya sa phone ko)

Les, I'll be home early. Dinner tayo sa labas. Tayong dalawa lang.

-

Ugh. Kapag naaalala ko 'yung sinabi niya na Sunday is our day hindi ko mapigilan 'yung kilig. Para akong teenager na babagong nagkakaroon ng boyfriend. Sunday is my Zara day aside from Gio and Leslie's day. Siya naman Sunday is just a day for my wife, iyan ang peg niya. Kahit may bagong issue pa ng rubber shoes, next week na niya bibilhin iyon.

Sa ngayon kasi ang nahihiligan niyang tingnan 'yung mga bagong labas na kotse, nahawa siya kay Ralph. Gusto niya raw turuan na mag race 'yung isa sa kambal o kaya naman maglaro ng tennis 'yung isa. Hindi pa nga nakakahawak ng raketa 'yung bata manibela pa kaya.

"Where do you want to eat?" tanong niya sa'kin. Talagang pinanindigan niya 'yung paghawak sa isang kamay ko para hindi ako makapagturo. As if naman buntis ako at nag crave sa ganito o ganoon.

"Sa dati nalang ulit"

Gusto ko 'yung kinainan namin na Korean Restaurant dati, "May game 'yung Rain or Shine ngayon sa Arena, gusto mong dumaan?" tanong niya.

Dumaan. Tama iyan, dadaan lang talaga kami doon sa harap ng venue. Nasubukan ko na iyan, eh. Akala ko manunuod kami pero dumaan lang kami doon sa labas. "Ayaw. Dadaan lang naman tayo. Gusto kong manuod"

May nakita nalang akong dalawang ticket sa harapan ko. Ohmyghad. Napangiti na naman niya ako, "Bakit 'di mo agad sinabi? Hinihintay na ako ni baby Jeff Chan"

"Buti nalang wala tayong anak na Jeff ang pangalan" rinig kong sinabi niya habang naglalakad kami palabas ng establishment na 'to.

Kami 'yung mag-asawa na parang mga teenager kung mag-away. Maiinis siya kapag nawawala o tinago ko 'yung matagal ko nang binigay sakanyang tigre. Talagang katabi namin sa pagtulog ang maliit ng tigre na 'yon. Saksi na 'yon sa lahat ng nangyari sa buhay ko, kahit maipit ko siya sa higaan ayos lang naman kay Gio basta kasama namin sa kama 'yung tigre na 'yon.

"Wife, huwag mo naman masyadong i-cheer si pareng Jeff Chan. Tsaka huwag mong tunawin sa titig. Hindi nakakatuwa, eh. Nakakapanselos. Nakakaba ng ego sa part ko"

"Spell, Gio. Spell mo lahat ng sinabi mo. Sana kasi naging PBA player ka nalang, cheerleader mo 'ko"

Inaasar ko siya. Kanina ko pa kasi tinitingnan si Jeff Chan. Hanggang ngayon gusto ko pa rin siya kahit gurang na siya. Kahit mag retire man niya ngayon gusto ko pa rin siya.

"Maraming mag chi-cheer sa'kin, baka magselos ka. Mahirap na"

"Aysus. Ang yabang, 'di naman marunong mag basketball" pinanggigigilan ko siya kapag ganyan na siyang makatingin sa'kin. Naiinis siya kapag paulit-ulit ako sa pagsasabi na hindi siya marunong mag basketball.

"You keep on telling me that"

"That's fine with you, 'di ba babe? I love you naman, eh. Kiss mo 'ko"

Hindi niya pinansin 'yung sinabi ko. Umiwas siya ng tingin tapos naghanap ng ibang pagkakaabalahan, aysus. Sanay na ako sakanya. Pabebe lang 'yan, mamaya siya na rin ang maglalambing sa'kin.

Kapag tinitingnan ko 'yung singsing na nasa daliri ko, napapangiti nalang ako bigla. Ewan ko ba, ano ba ang mayroon sa bagay na 'to at napapangiti ako.

This symbolizes everything about us. The love that grows every day. The bond that sticks us together, we can never be separated.

May naramdaman nalang ako na kamay sa may beywang ko. Tapos may bulong na nagsabi, "I love you always, Les. Just quit on staring at him. And next time please don't dress like a teenager"

~

Mr. Know it All [EDITING]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum