6th

122 6 2
                                    


6

Sobrang saya ko! MASAYANG MASAYA na kulang pa ang all capitalize na words para iexpress ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi pa rin nagiging kami ni Harvs. Anyway, the reason behind my happiness is..... dandandandaaan.. Hindi ko kagroup si Gelo sa Filipino. *confetti*

Ang babaw na dahilan para maging masaya, ano? Well, pagbigyan nyo na ako. Ayaw ko lang talaga syang makasama sa groupings namin. Parang hindi kami magkakasundo. Opposites do not attract, 'yan ang sariling motto ko sa ngayon.

Hanga na rin talaga ako at nakakasundo sya ni Aica. Ang sungit ng mukha, ang tahimik pa. Mukhang boring ang buhay ng isang 'yon. Kaya siguro ang galing nya sa Accounting kasi wala na syang ibang pinagkakaabalahan sa buhay kundi ang mag-aral. Mas halimaw sya sa pag-aaral kesa do'n sa nakatabi kong nerdy.

Kanina sa klase habang nagpapakilala at nag eexplain ng grading system ang professor namin matapos nya kaming bigyan ng groupings, hindi ko na napigilan ang sarili kong ngumiti. Buong klase nakangiti lang talaga ako. Para nga siguro akong baliw kanina.

Kagrupo ko sina Diwata at Aica. Naging tatlong tao nalang kada grupo, nagkulang kasi kami.

Si Angel ang napunta sa grupo ni Gelo at no'ng isa pang babae na hindi ko matandaan ang pangalan. Puro babae ang nakasama nya sa grupo, hahaaha humanda ka Gelo kay Angel. Sakanya ka makipag sungitan ewan ko kung manalo ka.

Palabas na kami ng room, may 30 minutes break bago ang next period namin na TAXATION kapag nagtatanong ako sa mga kilala kong higher year na BSA ang course lahat sila sinasabi na mahirap ang taxation. Pahirap pa raw ng pahirap sa bawat semester. Wala na ba talagang mas hihirap pa sa trisem?

"Les, saan kayo kakain?" tanong ni Aica. Nagpapa-antay pa sya sa'min nila Angel. Gusto nya kasing magkakasama kaming lumabas ng room. Inaayos nya pa kasi yung mga gamit nya.

Tumingin ako kina Diwata, sila naman bahala kung saan nila gustong kumain mamaya. Nagkibit balikat lang sya sa'kin.

"Hindi pa namin alam. Kayo ba?"

"Kung saan kayo do'n rin kami" sagot ni Aica.

Kanina ko pa napapansin si Diwata na tingin ng tingin kay Gelo. Huwag nyang sasabihin sa'kin mamaya na 'type ko sya'. Ang dami na nyang lalaki, grabe sya!

"Bilisan mo kasi, pinag-aantay mo sila" biglang nagsalita si Gelo, kinakausap nya si Aica.

Nakatayo na nga kaming lahat dito sa harapan ni Aica at pinapanuod lang sya mag-ayos ng bag nya.

Wala naman syang masyadong dalang gamit. Gusto lang talaga nya na maayos siguro ang bag nya.

"Matatapos na ako"

"Wala ka namang inaayos sa bag mo" hirit na naman ni Gelo.

Parang wala nga syang inaayos na parang meron rin naman. Mas mukhang may hinahanap sya sa bag nya e. Nanghahalukay ng kayaman sa loob.

Wala naman akong magagawa, ang sama naman namin kung iiwan nalang sya dito na mag-isa nagpaantay yung tao.

"Nakita ko rin" hawak nya na ang cellphone nya. Sabi na, may hinahanap sya kanina pa "Wait lang, may tatawagan lang ako. 5 minutes lang 'to"

Napakamot nalang si Gelo sa ulo nya. Ma-dandruff siguro ang isang 'to. Hahahaa.

"Take your time" sabi ni Diwata sakanya. Well, sabi nya sa'kin kanina gusto nya ang aura ni Monica. Pareho lang kami na nararamdaman.

"Gio!" may sumikit sa eksena. "Kagroup na naman kita. Excited na 'ko para sa mga upcoming projects natin." "Hi!" at binati nya rin kami nila Angel.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now