29.2

71 2 0
                                    

29.2

-~-~-

Wala talaga akong naimbag sa report na 'yon, halos isang oras kaming nasa sala nila Gio pero sya lang ang gumagawa ng report namin. Si Gia kasi kinukulit ako, ang daming sinasabi at tinatanong sa'kin. Ang kulit nga nya, sobra! Tinatawanan nga ako ni Gio kasi kapag sumasagot ako sa mga tanong ni Gia nagpapaka-conyo ako. Nahihiya kasi akong mag straight English sa harap pa ni Gia, mas magaling pa syang mag English kaysa sa'kin.

"Tuwang tuwa ka na naman sa'kin e" biniro ko si Gio, kanina nya pa ako tinatawanan. "Ang saya mo!" dugtong ko na medyo may paka sarkastiko.

"Kaboses mo si Delfino kanina. Hahahaha"

"Nyenyenye. Wala akong pakialam, miss mo lang si Diwata e"

Nag serious mode na naman sya "Baka nga nami-miss ko"

"Deny pa sya. AYIEEEE DIWATA"

"Why are you laughing, what's funny?" pagtatanong ni Gia, 'yung itsura pa ng mukha nya parang inaaway namin sya ni Gio.

"Hindi maka-relate. Hahahaha" pang-aasar ni Gio sa kapatid,

"Oy, huwag kang ganyan sa kapatid mo. Nothing's funny, Gia. Baliw lang talaga ang kuya mo" inaasar ko si Gio, wala akong sinasabing salita sakanya. Nag mamake face ako.

'"What's baliw? Oh my gosh! I can't really relate on your topic! Kuya, I want to play with ate Les, please? Please?"

Ngayon naman si Gio ang nag ma-make face sa kapatid nya. Nakakaloka syang makipagbiruan sa kapatid nya, sana ganyan din sya sa'min minsan kapag nasa school hindi 'yung palagi syang naka-simangot.

"You're ridiculous!" tinarayan ni Gia si Gio, inirapan nya 'to na pang kontrabida sa teleserye ang dating.

Kapatid nga sya ni Gio, nakikita ko si Gio sakanya kapag nagsusungit.

"Of course, I'm not humorless." sagot ni Gio.

Nakakaistorbo yata ako sa magkapatid na 'to. Noong limang taon lang si Kitt kung makipagtalo siya sa'kin palagi nyang sinasabi na 'nakakainis ka,ate!, 'ayaw kitang makita' tapos itong si Gia kapag naiinis may 'you're ridiculous' na effect. Wow lang, wow talaga.

"Not humorless, hindi nga marunong magpatawa" bulong ko sa hangin.hindi ako kay Gio nakatingin, doon ako sa mga paintings nila dito sa bahay nakatingin. Ang dami kasi talaga, sa nabibilang ko naka-labing lima na akong picture frame.

"'yung isa nagsosolo. Kinakausap sarili" pagpaparinig ni Gio.

Hindi ko pa rin sya pinapansin, tinitingnan ko 'yung mga paintings, may isang naka agaw ng pansin ko. Nasa pinakadulo sya ng hanay, walang kulay. Naka-pencil lang talaga 'yung drawing tapos hindi ko ma-picture sa utak ko kung tao ba 'yung nasa painting o engkantada. Hahaha, nakatalikod kasi na babae ata 'yon kasi mahaba 'yung buhok. May nakalagay na title 'yung sketch na 'yon, nag-iisang sketch na may pangalan.

Ito 'yung nakalagay...

PH EU

HR E S

HR EU

Ano 'yon? Pheuhreshreu?! Jejemon?! Nagpaka jejemon rin pala sya dati. Hahaha, pero seryoso na ako, PH EU tapos HR E S tapos nasa baba nito ang HR EU.

"Natulala ka na naman" ngayon tiningnan ko na si Gio, "Oy, ikaw ba nag sketch no'n?" tanong ko sakanya.

"Si Gia"

"Me? Why me? I don't know how to draw, kuya. Not me" tumanggi kaagad si Gia.

"Sino nga?" tanong ko ulit kay Gio. "Baka ikaw" sagot nya, pinipilosopo nya ako.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now