21th

71 5 0
                                    

21

Someone's POV

Dear Someone,
I wanna know what's running through your head when you're alone. 
I wanna know the reason why you smile. I want to get to know you. -

~-~-~-~-~

ANGEL

Pangalawang araw ng foundation week namin. Walang klase kaya kaming tatlo nila Dyosa magkakasama sa may gilid ng oval, dito lang kami nakaupo habang nagkukwentuhan. Nandito rin kasi 'yung marinong crush nya, nasa may oval natakbo.

Kasama namin si Joshua ngayon, nagkukwento sya tungkol doon sa nilabanan nyang chess.

"Sinabi ko naman sa'yo na magaling 'yon e" pagtatama ni Dyosa sa sinabi ni Joshua kanina.
Hindi nya raw inaasahan na matatalo sya ni Gio.

"Ang seryoso kasing maglaro, hindi ako kinausap"

"Baka nadaldalan sa'yo"

"Hindi naman ako madaldal"

Ako niloloko nya, sya hindi madaldal? Kahit sa text ang dami nyang sinasabi sa'kin. Hindi ko pa narereplyan 'yung isang message nya may kasunod na kaagad.

Bigyan ko kayo ng sample.

Joshua: Good morning, my Angel! =) Papasok ka na ba?
Joshua: Antayin kita sa may terminal, okay?
Joshua: Di pa ako nakain, samahan mo ako mamaya.

Oh 'di ba? Naniwala na kayo? Hindi pa sya nagbubura ng convo namin, simula nang makuha nya ang number ko galing kay Dyosa hanggang sa araw na magkatext kami, kahapon, wala syang binubura na message.

Ako naman hindi tumatagal ang messages sa inbox ko, nakakatakot na mabasa ng iba. Pero naka-pin sa inbox ko ang pangalan ni Joshua, kapag nagtext sya kauna-unahan ang pangalan nya. Hindi nagbabago.

"Ikaw nga huwag sinungaling" sabi ko sakanya. Sa dami nyang sinasabi nakakatulog nalang ako kapag natawag sya.

Simula sa nangyari sakanya no'ng umaga hanggang sa pag-uwi ikukwento nya sa'kin kahit na magkasama naman kami no'ng hapon.

"Sorry na. Galit na agad?"

"Hindi"

"Oy, kayong dalawa ah. LQ na agad, kayo na?" singit ni Dyosa sa usapan namin.

Wala pa sa isip ko na sagutin si Joshua sa ngayon, ang balak ko kapag malapit na kaming maka graduate ng college o kaya naman kapag ready na akong magkaroon ng boyfriend.  'yung tipong hindi ako magsasawa sakanya, kahit palagi ko syang kausap o katext. Kahit madalas kaming magkita walang sawaan na magaganap.

"Nararamdaman ko na malapit na" sagot ni Joshua na walang pag-aalinlangan.

Ang taas ng self-confidence ng isang 'to.

"Matagal pa 'yon, baks"

Tinatawag ko syang baks sa text, bakulaw para sa long term. Nakakainis kasi minsan ang isang 'to, kapag naman may araw na walang paramdam nakakamiss rin sya.

"Anong baks?" tanong ni Dyosa sa'kin.

"Bakulaw 'yan e"

"Grabe nga sya, sabi ko babe nalang itawag sa'kin e. payag naman ako"

"Ewan sa'yo"

Babe? Sus. Gamit na gamit na ang tawagan na 'yan e. kung magiging kami mas gugustuhin ko na huwag nalang magtawagan kesa sa babe na 'yan.

"Ayaw mo pa rin, iba nalang?"

"Joshua, hindi pa naman tayo  huwag kang excited"

"Pahiram ng bag mo"

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now