15th

73 6 0
                                    

15

Leslie

Nagkaroon rin ng pahinga mula sa praktis na 'yan. Hinding hindi na ulit ako sasali sa mga pageant chuchuness na ganito. Pinapangako ko talaga na hindi na ako magiging representative ng course namin, si Angel nalang o si Aica na talaga ang isali nila next year.

At dahil sa Sabado ngayon, binigyan naman kami ng isang araw na break ng handler namin para makapag pahinga at hindi maging haggardo versoza sa pageant sa darating na Linggo.

Wala na rin naman kaming problema sa mag susuotin at mga gagamit namin ni Ralph, huwag lang talaga akong magagaya sa Ms. Universe na maco-Columbia zoned.

Hindi ko rin naman inaasahan na mapapasali ako sa top 5 candidates, ayon nang naging representative ako para makababa na agad ako ng stage. O 'di ba, makakahinga na ako ng malalim.

Kalalabas ko lang ng kwarto, kanina pa ako nakakulong sa loob at nilunod ang sarili sa pagbabasa ng libro ni Rainbow Rowell. Try niyong basahin ang Landline na sobrang nakakaintriga sa'kin pati na rin 'yung Fangirl. Na tinatapos ko pa hanggang ngayon.

Halos mapaatras ako pabalik ng kwarto nang makita ko si Jewel sa sala, magkatabi lang silang dalawa ni Kuya. Siya, nagbabasa ng libro...erotic na libro..alam nyo 'yung 50 shades of Jewel? Hahaha. Joke lang, binabasa niya 'yon ngayon ang seryoso pa ng mukha niya habang nagbabasa at naka de-quatro pa.

Si Kuya naman nakahiga, hawak ang cellphone niya habang nakangiti. Alam na! iisa lang naman ang katext ng pugo na 'yan.

"Wala rin pala kayong pasok" sabi ko sakanila nang maupo ako sa tapat nilang dalawa.

Walang pumansin sa'kin.

Si Kitt na nga lang ang kakausapin ko, saan naman kaya naglaro ang batang 'yon?

"Kuya, si Kitt nasaan?"

"Nasa kapitbahay, nakikipaglaro"

Kina Mr. 5SOS? Kaloka, gumagawa ng paraan ang batang 'yon para makipaglaro sakanya ah. Hindi ko kinakaya ang lakas ng loob ng isang 'yon. Magkakaroon na yata ako ng kapatid na mala-Diwata at Dyosa.

"Pwede ko syang puntahan?"

"Dito ka lang"

Ay, grabe. Pati ba naman pangangapitbahay ko kailangan nyang pakialamanan? Wala naman akong ginagawang masama kapag nasa bahay nina Mr. 5SOS. Ang bait pa naman nya sa'min.

Kung hindi sya lalaki kanina pa ako napayagan ni kuyang pumunta sakanila.

"Tama, dito ka lang" pahabol naman ni Jewel.

Inirapan ko lang silang dalawa. Ang boring sa bahay, maghapon na naman akong makikipag-asaran sa dalawang 'to.

"Wala kayong pupuntahan?"

Tanong ko, kung meron sasama nalang ako sakanila. "Ako, wala 'yung kuya mo meron yata"

"Saan?" pagtatanong ko kay kuya.

"Sa tabi-tabi" sagot nya nang hindi naalis ang tingin sa cellphone nya.

"Pupuntahan nya si keso?" kinausap ko nalang si Jewel.

"Siguro"

"Ibaba mo nga muna 'yang libro na 'yan, hindi kita matingnan dahil sa hawak mo"

Ipinamumukha nya kasi sa'kin na may binabasa syang libro, librong hindi ko babasahin kailan man. Kahit magkaasawa at anak na ako, jusmiyo..ayaw kong magkaroon ng live show sa utak ko. Please lang.

"May nagpaplay ba na porn kapag tinitingna mo 'tong libro?"

"Grabe 'yung utak mo. Saksakan ng dumi" pagrereklamo ko sakanya.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now