43rd

89 3 2
                                    

43

Leslie

-

Giobels:

I want to be the person you miss at 3am.

-

Alas tres ng madaling araw ko natanggap 'yung text pero ngayon ko lang siya nabasa. Wala akong load. Wala akong katext. Wala din nakakaalala na magtext kahit si 8888 na ngayon ay wala ng pangalan sa'kin.

~

Scroll up and down. Save pictures.

Natutuwa ako sa ginagawa ko ngayon panay litrato ni Jeff Chan and nakikita ko. Tinitingnan kong mabuti 'yung mga kuha sakanya no'ng game one and two ng PBA finals. Manunuod kami dapat ni Gio ng game two kaso natapat naman sa may pinuntahan siya kaya game three ang panunuorin namin. Hindi ko alam kung nakapag paalam na siya kay Papa.

Hindi rin siya nagpunta sa bahay.

"Ate, ang cute nito. Sino 'yan?"

Katabi ko nga pala ang kapatid ko ngayon. Nakikitingin din siya ng mga pictures tapos lalaitin niya 'yung ibang players ng Rain or Shine. Ang taba nung isa tapos ang payat ni ganito. Kalbo pa daw si Paul Lee. Si Chris Tiu lang daw ang gwapo.

Tiningnan ko 'yung tinuro niyang picture, katabi ni Chris Tiu, si Banchero pala. Gwapo nga ang isang 'yon pero hindi siya sa ROS. Alaska ang team ni Chris Banchero.

"Si Banchero. Tigilan mo na ako Kitt, babae dapat ang tinitingnan mo"

Tumingin siya sa'kin, "Hindi ako" sabi ko sakanya.

"Hindi naman talaga ikaw. May crush na ako, ate"

Kinikilig pa yata siya habang sinasabi na may crush siya. Mabuti naman kung ganun. Magiging lalaki na siya. Hindi na siya makikipag-agawan sa suklay ko.

"Sino naman 'yon?"

Ngumiti siya. Mukha talaga siyang kinikilig o naiihi lang ang isang 'to?

"Si Bebs nakatingin, nahihiya ako, ate" tumingin din siya kay Bebs tapos pumikit pa ang mga mata at talagang kinilig na siya ngayon. Kinuha ko si Bebs at kinalong, tingnan nalang niya sina Jeff Chan. "Sabihin mo na sa'kin, hindi na nakatingin si Bebs, sino ba 'yon?"

"Yung kaklase ko" sagot niya.

"Ano'ng pangalan?"

Sana babae ito. Sana.

"Patrcia" sagot niya sa mahinang boses.

Yey! Sa wakas, nagkagusto na siya sa babae. "Patricia? Maganda ba 'yon?"

"Oo naman, ate" umayos siya ng upo at nilapitan ako ng husto, "Muse naman 'yon tapos mas matangkad sa'kin. Magpapatuli na ako sa bakasyon para tumangkad na din ako" sabi niya.

Talagang desidido siyang tumangkad. "Sabihin mo 'yan kay kuya" matutuwa 'yon kapag nalaman niyang may gusto sa babae ang kapatid ko.

"Sinabi ko na sakanya. Gusto niyang makita 'yung picture"

"Meron ka ba?"

"Wala nga, e."

Ikukuwento ko ito kay Gio. Tatawanan ako ng isang 'yon kapag sinabi ko sakanya 'to. Maliit na bagay lang 'to, ang sasabihin niya sa'kin, sigurado ako 'yon ang sasabihin niya.

Kinuha ni Kitt si Bebs sa'kin, susuklayan niya daw. Gusto niya rin paliguan 'yung aso kaso hindi ko pa mapayagan na siya ang magpaligo. Ang sabi ni Gio gusto niya na siya ang magpaligo doon sa aso, wala pa siyang sinasabi kung kailan siya pupunta sa bahay.

Mr. Know it All [EDITING]Onde histórias criam vida. Descubra agora