Special Chapter 4

81 3 6
                                    


Special chapter 4

Leslie

A/N: Sa loob ng isang pribadong silid, may isang babae at lalaki na nag-uusap. Magkatapat silang dalawa na pinaghihiwalay ng isang maliit ng lamesa.

"Magsalita ka naman. Kanina ka pa tahimik" ayan na naman siya sa 'magsalita ka naman' eh leche, ano'ng gusto niyang sabihin ko sakanya? Kaya pala nag eenjoy ka sa pagpasok kasi maganda 'yung 28 years old mo na sekretarya. Lechugas na bulok, sino ang niloloko ni Gio?

No'ng isang araw problemado siya sa paghahanap ng bagong secretary dahil sa nag abroad na 'yung dati tapos ngayon kaya pala hindi na nababanggit sa'kin dahil sa may pumalit na. at, hindi lang basta secretary, 'yung tipo ng babae na pasadong pasado sa pleasing personality. Leche talaga! Kung hindi pa naligaw si Dyosa doon sa office nila Gio hindi niya malalaman 'yon. Ang kalechehan naman kasi nitong asawa ko, sana hindi nalang siya naging abogado ng wala na siyang kailangan na sekretarya. Lintek, hindi nga nag o-ovetime, ilang oras naman niya kasama 'yung palakang babae na 'yon. Nag-iinit ang ulo ko.

Tapos, wala siyang nababanggit sa'kin na may bago na siyang kasama doon sa office niya. Ayos 'di ba? Dalawa lang sila doon sa loob. Alam ko na ang mga ganitong kwento, eh. Yung boss magkakaroon ng affair doon sa secretary niya tapos 'yung tunay na asawa maiiwan. Hihiwalayan. Ano 'to? Love story sa dramarama sa hapon ng GMA? Aba! Leche.

"Diyan ka lang! wala akong sinasabi na lumapit ka sa'kin. Hanggang dyan ka lang sa upuan mo, Angelo Gabriel" pagbabanta ko sakanya nang subukan niyang maupo sa tabi ko. Bumalik naman agad siya sa dating pwesto niya, "Leslie naman, bati na tayo"

"Hindi tayo nag-away" sabi ko. Hindi ko siya tinitingnan, nakikita ko ang sarili ko doon sa TV screen. Kulay itim nga lang ako.

"Hindi mo nga ako kinausap kanina. Kumakain tayo pero 'yung mga bata ang kinakausap mo. Tapos tinutulungan kitang maghugas ng plato pero 'yung katulong ang pinagtuloy mo. Ngayon naman na matutulog na tayo bakit dito ako sa sofa mahihiga? Ang laki-laki ng kama, kasya tayong lima doon"

Hindi ko rin alam. Nag-iinit ang dugo ko doon sa mga sinabi ni Dyosa. Ang leche naman kasi, bakit kapag nangiti 'tong si Gio parang wala ng bukas? So dapat kapag kausap niya 'yung secretary niya may kasamang pag ngiti? Mas mapapabilis ba 'yung trabaho kapag may kasamang pag ngiti? Ayos din.

"Edi dyan ka matulog sa kama na mag-isa. Doon ako sa tabi ni Alexis" tumayo na ako para lumabas ng kwarto, "Wife, ano bang problema ko sa'yo? Galit na galit ka sa'kin, naglilihi ka na naman ba?"

Aba't ang leche na 'to. Ang sarap niyang sampalin ng tsinelas, "HOY, ANGELO GABRIEL MANANSALA III PARA SABIHIN KO SA'YO SA SUSUNOD NA MANGANAK AKO HINDI NA IKAW ANG AMA. HAHANAP AKO NG GWAPONG FOREIGNER YUNG KAMUKHA NI ADAM LEVINE"

Nagawa pa niyang tawanan 'yung sinabi ko, "Akala ko buntis ka na naman, eh. Ihahanda ko na sana 'yung mga braso ko"

At ang kapal talaga ng mukha nito, "Wala akong pakialam sa mga braso mo, tabi nga dyan. Doon ka matulog sa labas, bawal ka dito sa tabi ko o sa gilid ko o kahit sa paanan ko o kahit saan pa. Labas!"

Nakatayo ako sa harapan niya, nakapameywang. Nanggigigil ako sa ngiti niyang leche siya. Tumayo rin siya sa harap ko, "Ngayon ka lang naging ganito. Kanino ka naman nagseselos?"

Paano niya ako nagawang tanungin ng ganan ka-kalmado? Nakakainis. Dapat galit ako! Galit ako, "Wala akong pinagseselosan. Umiinit lang ang ulo ko sa'yo"

"Edi buntis ka nga?"

"Hindi! Walangya ka, puro kamanyakan 'yang nasa utak mo. Lumabas ka na ngayon. Kung hindi ka lalabas sisigaw ako dito"

"Go. Shout with all your might"

Argh. Bakit ganyan siyang makitungo sa'kin kapag nagagalit ako. Ang hinahon niyang magsalita. Nasaan naman ang hustisya? Nahihiya na akong sumigaw sa harapan niya kung ganyan siya kakalmado. "Okay sige, mag-usap tayo" umupo ako sa dating pwesto. Tinabihan niya ako. Magkaharap kami ngayon.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now