7th

99 6 5
                                    

7

Para daw akong zombie na ilang araw na walang kain sabi ni Angel, may gano'n bang zombie?

Nasa sarili ko pa naman akong katinuan kanina para makinig sa klase namin, buti nalang at hindi pa gaanong nagturo ang professor namin sa taxation.

Nasa tamang katinuan pa rin naman ako para makauwi sa bahay. Hinatid lang ako nila Diwata sa sakayan ng jeep malapit sa school, baka raw kasi makatawid ako bigla kahit may mga dumadaang sasakyan.

Loka loka talaga 'yon, hindi pa naman ako baliw at bulag para tumawid ng naka red light pa ang stoplight. Minsan ginagawa ko 'yon kapag late na talaga ako sa klase at super nagmamadali na ako.

Ano pa bang aasahan, napagsasabihan ako ng traffic enforcer. Nag ja-jay walking raw kasi ako, sus! Wala namang sign board na 'No Jaywalking' ibig sabihin pwedeng mag jaywalking.

(A/N: BABALA, HUWAG TULARAN ANG BATANG NATAWID KAHIT NAKA RED LIGHT ANG STOPLIGHT. NAKAMAMATAY!)

Maaga pa akong makakauwi sa bahay, wala ako sa mood na sumama kina Angel at Joshua na kumain muna bago umuwi kahit na sinabi pa nilang ililibre nila ako ng kahit anong gusto ko. Pwede ko pa namang makuha ang libre na 'yon bukas. Sasabihin ko na nasa mood na akong kumain.

Nagpapaka emo lang ako ngayon, nakakatanga naman kasi si Harvey. Paano pa kaya yung mga magulang nilang dalawa ni Cheska, sobrang nagalit siguro sa kanilang dalawa. Mga batang 'yon, ang haharot!

At dahil nagpaka emo ako simula kanina, nagugutom na tuloy ako ngayon.

Naglalakad palang kasi ako papunta sa bahay namin, iniisip ko na kung anong pwede kong kainin.

Wala pa ako sa tapat ng gate ng bahay namin, narinig ko na ang tawanan ni Kuya at Jewel in the Palace. Anak naman ng mga bakla, nasa bahay na naman ang lalaking 'yon. Ginagawang apartment ang bahay namin, libreng pangungupahan.

Ay nako, naunahan na naman ako ng isang 'yon sa pagkain na nasa ref.

Nag doorbell ako. Walang nagbubukas.

Well, uso ang doorbell sa panahon ngayon. Bagong kabit lang kasi 'to sa'min kaya lulubusin ko na ang paggamit. Pangalawang dingdong, wala pa rin. Pangatlo. Pang-apat. Aba lintek! Nasaan ang mga tenga ng tao sa loob ng bahay namin? Hindi ba nila naririnig si Dingdong?! Nakaka stress sila.

"Saglit! Galit ka ba sa doorbell?" rinig kong tanong ni Jewel in the Palace. Sya pa talaga ang magbubukas ng gate, maiinis na naman ako sa pagmumukha makikita ko.

Nang mabuksan nya ang gate at ako ang nakita nya,

"Ikaw pala"

"Ay hindi, ikaw 'to. Ikaw, bwiset kayo. Ilang beses na akong nag doorbell, walang nagbubukas" padabog pa akong pumasok.

"Ang sungit mo ngayon, nag bato-bato pik pa kami ni Kenn kung sinong magbubukas ng gate"

Ay sardinas! Nagawa pa nilang maglaro bago magbukas ng gate.

"Oh ngayon? Anong gusto mong gawin ko?" pagtataray ko sakanya, hindi ko kayang magtaas ng kilay pero sa palagay ko nagawa ko na sya ngayon. Nakapamewang pa ako nyan, para talaga maramdaman nyang naiinis ako sa lahat ngayon. Pati sa bagong kabit ng doorbell na 'yon, ang sakit sa daliri.

"Huwag magsungit. Ilang kalamansi ang nakain mo, ang asim ng mukha mo ngayon"

"Isang daan, bakit ka na naman nandito sa'min?" tanong ko sakanya.

Pagpasok ko sa bahay, nanunuod na naman si kuya pero wala si Kitt sala.

"Nakikitambay, masamang dumalaw sainyo?" sagot nya sa'kin.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now