40th

118 3 2
                                    

40

Leslie

"Patingin na kasi ako" muli kong pinilit si Monica at Charmaine.

Magkakasama kaming tatlo ngayon sa bahay. Nauwi sa girls night out ang dapat pag gala namin ngayong araw. Nandito na rin ang mga damit nila para bukas pagpasok sa school.

Kaya nagpunta si Charmaine sa bahay, wala siyang makasama sakanila. Kung kina Gio daw siya pupunta hindi siya nito papansinin dahil puro tungkol kay Delfino ang ikukwento niya.

Tuwang tuwa siya kanina nang ikuwento na lumabas silang dalawa. Kumain silang dalawa at nanuod ng sine na walang ibang kasama. Sa sobrang pagkakilig ni Charmaine hindi niya nalimutan na ngumiti kanina habang nagkukuwento.

"Huwag na" inilayo ni Monica ang cellphone niya sa'kin.

Kanina pa rin ako naiintriga kung ano ba 'yung tinitingnan nila ni Charmaine. Natatawa silang dalawa habang tinitingnan ito.

"Nasend mo na?" tanong ni Charmaine sakanya.

Ngumiti si Monica bilang sagot, "Daya! Ano kasi 'yan?" muli akong lumapit para tingnan ito pero inilayo ulit ni Monica ang cellphone sa'kin.

Naiinis na ako.

"Ate, may tumawag sa'yo" biglang dumating si Kitt sa loob ng kwarto ko.

Napatingin kaming tatlo sakanya, "Sino?" sabay namin na tanong ni Charmaine.

"Hindi ko alam. Ang sabi I love you" naguguluhan yata ang kapatid ko, "Kaya sinabihan ko rin ng I love you too" ngiti-ngiti pa siya habang nag kukwento.

Kahit ako napaisip sa sinabi niya, sino ba ang tatawag ng ganun sa landline namin nang hindi nagpapakilala? "Di kaya si Kuya?" tinanong ko si Monica.

"Sa'kin natawag 'yung kuya mo" sagot niya.

"Ayie, kilala ko na. si Gigi 'yan" pagsisimula ni Charmaine na mang-asar.

"Oo nga 'no? si Gelo 'yan! Namimiss ka na Les" dagdag ni Monica.

Si Gio? kung sa'kin siya tumawag katanggap-tanggap pa. pero sa landline siya tumawag. Ang lakas  naman ng loob niya na tumawag sa landline pa namin.

Siya rin 'yung tumawag dati para mangamusta. Nakipag-usap siya sa'kin na parang hindi kami nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Saglit lang siya tumawag, inaamin ko na ako naman ang unang hindi namansin.

Siya rin naman hindi na ako pinapansin sa school. Palagi niya pang kasama si Marie, pero sinabi niya sa'kin na hindi niya raw kaya na hindi kami nag-uusap. Lalo na hindi na rin kami nagkakapalitan ng messages.

Sinabi niya na dapat sa Lunes kausapin ko na siya. Sabihin ko kung ano ba ang naging problema ko sakanya. Lahat daw ng ayaw ko sakanya sabihin ko na, lahat ng gusto kong baguhin sakanya babaguhin na raw niya.

"Dito lang muna kayo" nagpaalam ako sa dalawa para tingnan kung tatawag pa ulit 'yung nagsabi ng I love you kay Kitt.

"Pero baka may gusto siya sa'kin, ate" walang tigil na sinasabi ni Kitt sa'kin habang naghihintay kami ng pagtunog ng telepono.

"Pwede ba, tumahimik ka nalang" pinagsabihan ko siya. "Aalis na nga lang ako"

"Oy, saan ka pupunta?" dirediretso siya sa paglalakad. Hindi niya man lang ako nilingon.

At nangyari na nga ang hinihintay ko. Tumunog na ang telepono sa bahay, agad ko naman itong sinagot. "Hello" sabi ko sa kabilang linya.

Tumawa 'yung nasa kabilang linya, "Si Leslie na yata 'to. Di naman boses ni Charmaine 'to" rinig kong sabi niya. Hindi ko rin tiyak kung sino 'tong kausap ko.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now