9th

94 6 0
                                    

9

Someone's POV

--Dear someone,

I love the little smile on your face every time you look at me. --

Idadaan ko nalang sa pagsusulat ang mga bagay na gusto pero hindi ko naman masabi sa'yo. Hindi ko rin naman pinapangarap na mapansin mo, sa tingin ko naman kasi wala akong kahit kaunting pag-asa na pagtuunan mo ng pansin.

Sino nga ba ako? Wala lang naman sa'yo na nandito ako. Nakatayo, nakatingin, nagnanakaw ng tingin sa'yo. Maaarin na nga akong kasuhan sa dami ng nanakaw kong tingin, hindi ko na mabilang. Mabuti nalang at walang kasong gano'n sa Pilipinas. Ligtas na ako, araw-araw ko pang magagawa ang pag sulyap sa'yo.

Ang korni naman, e! Palagi nalang, paano ba kasi maging 'cool' kagaya ng mga lalaking nagugustuhan mo? Para naman mapansin mo ang isang tulad ko.

--

LESLIE

Nakakaloka na araw ngayon, hindi na umalis sa loob ng gym si Jewel. Napanuod pa nya tuloy kaming maglaro ng basketball.

Well, aminado naman ako na hindi ako marunong maglaro no'n. Nanunuod lang ako ng mga games sa TV pero hindi na-aapply sa totoong buhay ang mga napapanuod. Simpleng pag dribble nga nahihirapan pa ako, ang lambot daw kasi ng mga kamay ng babae sa'min, sabi ni Sir, para daw kaming mahihinhin. Ay nako, hindi ko naman pinangarap na matututong maglaro ng basketball. Kapatid ko nga na lalaki hindi rin naglalaro nyan e, dahil nga sa hindi pa kami masyadong marunong..hinayaan nalang ni Sir na yung mga lalaki ang maglaro.

Nag sho-shooting sila at kung minsan sila na rin mismo ang magkakalaban. Parang nagkaroon bigla ng paliga sa PE class namin. Kaming mga babae naman nanunuod lang, sina Diwata at Dyosa sumobra naman sa pagka cheerleader. Sinusuportahan nila lahat ng mga lalaking may hawak ng bola.

Sa sobrang observant ko, napansin ko na si Gelo nakaupo lang rin sa bleachers, kalinya namin sya pero nasa kabilang dulo naman. Mag-isa nga lang e, pinapanuod nyang maglaro yung mga kaklase namin.

"Hindi ba siya sasali sakanila?" tanong sa'kin ni Angel.

Wala rin akong alam sa isasagot, hindi ko naman sya malapitan. Nahihiya pa ako sa mga sinabi ni Diwata at Dyosa kanina, ang lalakas naman kasi ng boses ng dalawa na 'yon, dinamay pa si Gelo. Nakakahiya talaga sakanya, baka hindi na nya ako ulit kausapin.

"Baka ayaw nya lang maglaro. Papawisan rin kasi sya"

Sagot ko nalang, wala naman syang dalang extrang damit sa nakikita ko.

Lahat kasi ng naglalaro nakasuot lang ng putting t-shirt o kaya naman sando. Tapos mga amoy pawis pagkatapos maglaro, mabuti nalang at pauwi na kami.

"Ang boring ng buhay nyo 'no?" pagtukoy na naman ni Angel kay Gelo, mukhang boring nga. Silang dalawa ni nerd ang nakita namin na nag che-chess kanina. Nawala na nga bigla si nerdy the seatmate. Sa itsura naman nya baka mabangga lang sya ng mga kaklase kong lalaki sa loob ng court. Para syang walang energy kung maglakad.

Kung may CCTV camera sa loob ng gym, kanina pa kami huli sa akto na nakatingin lang ni Angel kay Gelo. Mabuti nalang talaga at hindi nagana ang peripheral vision ng isang 'to, hindi pa nya kami napapansin na nakatingin sakanya.

Sinusubukan lang naman syang tingnan kung anong gagawin nya sa buong klase ng PE. Wala naman na kasing pakialam yung professor namin pagkatapos nyang mag attendance, absent nga lang si Aica ngayon, sa susunod na meeting na daw kami magkakaroon ng drills chuchu churva na sinasabi nya.

Gusto ko na tuloy umabsent sa susunod na PE, sa laki ng bola na hahawakan ko magawa ko kayang idribble 'yon? Nakakaloka.

"Boring kung titignan, malay mo naman exciting kung minsan"

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now