50th

86 4 15
                                    



A/N: Sorry na. Gusto ko nang tapusin 'to, ang haba na kasi masyado, kaya may matinding fast forward. Isang update na lang at bye-bye MKIA. Salamat ng marami sa mga nagbasa. ♥

50

Leslie

Naguguluhan na natatawa ako sa nakikita ko ngayon. Kakaunti lang ang tao dito sa room namin. Kadarating ko lang rin, "Hoy, anong pageeskandalo 'yan?" sita ko kina Paul at Ralph. Mga kaklase ko pa rin sila hanggang ngayon.

Wala silang sinabi sa'kin. Patuloy lang sila sa pagsasayaw. Nasasagwaan akong hitsura sa ginagawa nila. Tinabihan ko si Vincent na nagpipigil ng tawa, "Vincent, sabihin mo nga sa'kin na nakalimutan mo silang bigyan ng injection"

Nginitian niya ako, "Kanina pa sila ganyan. Binibigyan daw nila ng inspirasyon si Manansala"

Napailing ako sa naisip nila. Inspirasyon sa pagsasayaw? Eh, hindi nga sila matingnan ni Gio ng diretso. Nakayuko ito habang may sinusulat. Gumagawa siguro siya ng speech para sa graduation. Di hamak na mas matalino sa'kin ang tigerbels na 'yon. Wala kaming kamalay-malay na siya ang nakagawa ng pinakamataas ng GPA sa buong accountancy department. Pati 'yung mga top sa klase ng ibang year mas mataas ang nakuha ni Gio na GPA sakanila.

Sa tingin ko hindi niya rin napansin na dumating ako ngayon. "Sikat na 'yung boyfriend mo. Ang daming nagtatanong sa'min kung sino si Angelo Manansala" pagkausap ni Vincent sa'kin. "Nakakatakot naman kasi 'yung grades niya, pang mga Laude nga" dugtong pa ni Vincent.

Pansin ko nga, nakapaskil kasi sa bulletin board sa baba 'yung mga outstanding students ng batch namin. Nangunguna ang pangalan ni Gio. Kahit kanina paakyat ako dito, nakakarinig ako ng mga papuri sakanya. Ang talino daw, ang galing daw sa ganito. Wala daw silang kilalang Angelo dati tapos malalaman nila na si Kuya Gio pala 'yung top student. Kilalang kilala tuloy si Gio kahit ng mga freshmen.

Hindi ako nainggit sa katalinuhan niya at sa mga achievements na makukuha niya. Deserve niya 'yon, nag-aral niya ng mabuti, eh. Ako lang daw 'yung inspirasyon niya sa lahat. Jusko, kung hindi ba naman niya sabihin 'yon sa'kin baka hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagkakilig.

"Ano'ng oras ng practice?" tanong ko. May graduation practice kami, huli na 'to dahil bukas ng hapon ang ceremony. Pakiramdam ko magiging matagal ang graduation na 'yon.

Magkakahiwalay na kaming magkaklase. Si Gio nakaplano nang magbakasyon sa California, syempre hindi ako kasama. Sina Monica baka mangibang bansa rin. Sina Diwata at Charmaine naman, ayun dating pa rin hanggang ngayon. Wala naman sila sa pag-usad.

"Mga 1pm yata. 'til 5pm o 6pm. Depende sakanila" ani ni Vincent, "Si Ralph tingnan mo. Baliw na naman" dagdag pa niya.

"Ano ba 'yang sinasayaw nila? Ang laswa panuorin, eh" reklamo ko.

"Trumpets ba 'yon? Uso daw 'yan ngayon. Nag upload na nga sila sa Facebook, maraming shares na. Sikat na ang mga ugok na 'yan"

Kung kaibigan ba nila si Vincent, oo, sadyang mapanlait lang ang lalaking 'to. "Balita ko may umamin raw sa'yo galing sa section nina Gio, sino?" usisa ko. May nagkakagusto raw sakanya na ka-batch namin.

Ngumiti lang siya, "Ewan ko. Hindi ko naman pinansin"

"Sus" hinampas ko siya ng mahina, "Pakipot ka, Vincent? Tingnan mo nga si Ralph, kahit gaganyan ganyan 'yan nakaka score naman kay Angel"

Well, wala ng paligoy-ligoy pa. umamin si Ralph na attracted siya kay Angel. Hanggang sa 'yung attraction lumalim, pero walang sila. Magkaibigan lang daw silang dalawa. Sagot ng mga indenial 'yon, eh. Ganyan talaga kapag nasa stage 1. (A/N: Hi, Tops. Stage 1 hahaha)

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now