11th

88 6 0
                                    

11

--Dear someone, a good relationship is definitely worth the wait—

-

DIWATA

Akes na ang bida sa storyang ito kaya akes na talaga ang magiging partner ni Giobels, kemerot lang mga readers. Keri na si Yuan o Jewel sa'kin, may Jerome pa naman akes dito sa paligid. Pero kapag wala ang tatlong bebes ko gora hanap again ng mga bebes.

Mahirap mag stick to one, alam naman ng lola nyo na hindi lang ako ang nag-iisang bebe ng mga bebes ko.

I know I'm not the only one nga 'di ba? Pati si Sam Smith nararamdaman ang nafifeel ng lola nyong Diwata. Pabida muna ngayern, okay?

Maging fair sa opinyon ng bawat isa. Kailangan nyo rin na mabasa at malaman ang laman ng mga nyutak china namin. Intindi na ba?

So, well mabalik tayo sa only one na plano ko sa huling semester ng pagiging second year college. Kalerkey si Accountancy, 'tong kumare ko na 'to minsan malupit sa'kin e, nag-aaral naman ako na maayos, nagsusunog ako ng kilay (keme lang) nag aahit ako ng kilay kung minsan naglalagay ng eyeliner sa kilay. Maiba naman 'di ba? Kinakabog kasi ni Dyosa ang kilay at pilik mata ko. Nakakaloka!

Nakaisip na ako ng mga posibleng plano para malaman ko talaga kung si Giobels na ang magiging partner ni Leslie in real life. Well, tayo lang ang makakaalam nito na hindi naman talaga ako kamag-anak ni Cupid. Sadyang marami lang akong kalandian sa buhay at marami rin laman ang nyutak china ko kaya naisip kong sabihin ang mga bahay na 'yon kay Les, lalo na yung sparks.

Gusto lang talaga namin ni Angel na mawalan na sya ng feelings or whatever she calls it towards Harvey, masyado na syang nagiging shungabels do'n sa lalaking'yon. Hindi ko rin nakikita ang magandang dahilan kung bakit nya nagustuhan ang supladers na 'yon.

Nag stalk kami ni Dyosa, nalaman namin na dota player si bebe Harvs. Mas madalas sya do'n sa computer shop kesa sa loob ng campus at magpagala gala.

Matalino naman daw 'yon sabi ni Joshua, pero hindi ko nakikita sa itsura nya na matalino sya. Hahahar, mas masungit nga lang tingnan si Giobels pero boto kami sakanya. Mas bet ko talaga 'yon, at least sya namamansin, si Harvey kasi snobber akala mo artista. Mas maganda ako sakanya, wag syang ano.

"Anong magandang kantahin, pretty?"

"Wala, manahimik ka na may kailangan pa tayong tapusin" sagot ni Angel sa'kin.

Walang oras na hindi sya nag-taray sa'kin. Iniisip ko nalang palagi na insecure sya sa beauty ko kaya ganyan nalang syang makitungo sa'kin. OMG! Saan nanggaling yung 'makitungo'? Nakakaloka!

"Ay nako, ako basta dito lang ako uupo maghihintay sa pag-unlad ng ekonomiya" pabebe naman itong si Dyosa.

Kinabog ko naman ang hair style nya ngayon. Kahit naka braid pa ang bangs nyang kulot, mas maganda pa rin naman ang bangs ko. Golden hair kaya ang lola nyo.

"Hindi na uunlad ang ekonomiya, maraming buwaya sa Phil. Government, Dyosa. Iba nalang problemahin mo" pagpapayo ni Leslie sakanya.

"Sang-ayon kami ng bangs ko dyan, hindi na uunlad ang Pilipinas. Patalsikin lahat ng buwaya" ready to make welga na ang lola nyong Diwata.

Kailangan ko nang i-encourage ang mga kasapi.

"Tayo ang mapapatalsik dito, wala pa tayong nasisimulan sa activity ngayon" umiinit na ang dugo ni Angel, kailangan na naming magseryoso.

Kami rin kasing apat ang magkakasama sa grupo, wala namang sinabi ang professor namin kung hanggang ilang members sa isang grupo ang kailangan. Ang mahalaga maipasa namin ngayong araw ang activity na 'to, may halong artist at designer yata kami ngayon.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now