22nd

64 4 0
                                    

22

Someone's POV

Dear Someone, 

If you would be somebody's first, could I be that someone? 

~-~-~-~-~ 

LESLIE

Nakauwi na rin ako. Dapat sa bahay ang diretso ko ngayon pero heto ako naglalakad papunta doon sa court na 'yon.
Hinatid lang ako ni Gio hanggang sa labas ng village namin, tapos diretso pa rin sya. May pupuntahan nga, 'di naman doon sa daan papunta sakanila e. dapat sa school palang iba na ang dadaanan nya para makauwi.

Kanina pa ako nag-iisip kung anong sasabihin ni Jewel sa'kin. Wala naman akong alam na pwede naming pag-usapan, talagang kaartehan naman ng lalaking 'to e.
Kapag lang hindi mahalaga ang sasabihin nya hindi na sya makakauwi ng bahay namin.

Pagdating ko sa usapang lugar, madali ko syang nakita kasi sya nalang naman ang tao na nakaupo doon sa upuan na palagi nilang pinupwestuhan ni kuya.

Bigla nalang akong nakarinig ng ingay, may mga naglalaro pa ng basketball e anong oras na rin.

"Oy" tawag ko sakanya.

Agad naman nya akong nakita.

"Akala ko hindi ka na dadating"

"Pwede ba 'yon. Sabi ko pupunta ako, late nga lang"

"Ayos rin, pinapak na ako ng lamok dito"

"Ang aga mo naman kasi dito. Anong sasabihin mo?"

Nagmamadali na ako, gusto ko nang kumain at matulog. Pinaupo nya pa ako sa tabi nya, huwag naman daw akong magmadali kasi kadarating ko lang.

Pinagpaalam nya raw ako kay kuya, astig! Sa kuya ko lang. Basta alam ni kuya kung nasaan ako ayos na. Paano naman 'yung nanay at tatay ko 'di ba?

"Lapit na ng laban nyo ah" sabi nya.

"Laban talaga? Sampalan gano'n? Hindi nga ako excited"

Mas excited akong makita si Aica kesa sa pageant na 'yon. "Enjoy mo lang para masaya ka. Kahit manalo o matalo, naka experience"

"Nakasali ka na sa gano'n?"

"Hindi, ayaw ko. Kinakabahan akong magkamali"

"Kasali naman 'yon sa buhay, parte na 'yon ng paglaki"

Maraming beses na akong nagkamali. Maraming tao na hindi perperkto. Kung ikaw hindi ka pa nagkakamali, check mo kung tao ka. Baka robot o alien ka e.

"Lumaki ka ba?"

"Salamat sa pagpuri. Ano na kasi, Jewel? Uwing uwi na ako"

"May lakad ka sa February 14?"

Araw ng mga puso? Baka tulog lang ako sa sabado na 'yan o kaya naman kumakain at nanunuod lang.

Wala akong pupuntahan. "Wala. Ikaw meron?"

"Alis tayo"

"Tayong dalawa? Ayaw ko nga"

Kung iisipin lang rin naman ng taong matalino, aba! Ano 'to date? First time kong lalabas na kasama sya sa Valentine's day, wala pa nga akong ibang nakakadate, huwag naman si Jewel.

"Bakit? Edi sama natin si Kenn at keso"

"Yan na 'yung sasabihin mo sa'kin?"

"Medyo"

Oh hindi, bakit nya ako niyaya na sumama sakanya sa February 14 e hindi naman kami. Alam ko kasi para lang sa mga naka-in a relationship ang araw na 'yon. Pwede rin naman sa magkakaibigan pero hindi naman kami totally friends.

Mr. Know it All [EDITING]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin