49th

82 4 2
                                    


49

Leslie

"Ohmygosh! Grabe itey, hindi keri ng mga brain cells ko ang nangyayari. What happened sakanya? Kaloka ah, gwapo pa naman siya" -Dyosa

"Gaga, talagang pinagnanasahan mo pa? Yung mga kaibigan daw ng jowaers niya ang may pakana ng lahat. Hindi ko rin keri, girl. Nakakaloka ang mga nangyayari ngayon" -Diwata

"Sinabi nang change is coming, ayaw maniwala sa'kin" - Monica

Nakikinig lang ako sa usapan nilang tatlo. Magkakasama kami sa may tapat ng cafeteria, simula nang magkaroon ng mga bagong school officers, naglagay na sila ng mga bench sa kahit saang lugar sa campus. Basta pwedeng maupuan ng mga estudyanteng walang klase.

Imbes na mag-aral kami para sa papalapit ng finals exam, ito ang ginagawa nila ngayon. Nagbabasa sila ng mga balita sa dyaryo, may subject kami na kailangan maging updated sa mga nangyayari sa paligid. Bago magsimula ang klase nagkakaroon ng essay writing, tungkol sa mga news article na nabasa namin. Kaya lang, sina Dyosa isang karumaldumal na balita ang binabasa.

May isang lalaki na natagpuan sa ilog, wala na itong buhay. Napag-alaman na ang mga kaibigan ng kanyang nobya ang may kagagawan ng krimen. Walang nasabing dahilan kung bakit nagawa iyon ng mga kaibigan ng nobya niya sakanya. Ang sinabi lang sa balita, may hindi magandang ginawa ang lalaki sa kanyang kasintahan. Naloka ako doon sa binabasa nila. Wala akong pinagsabihan ng nangyari noong isang araw. Kasi kung may nakaalam, baka isa na si Gio sa mga nababalita na lalaki na lumulutang sa ilog.

Kahit sina Kuya at Jewel walang alam. Isang napaka walang kwentang palusot ang ginawa ko nang mapansin nilang galing sa iyak ang mga mata ko. Sinabi ko nalang na nanuod kami ng A Walk to Remember tsaka Titanic, sa sobrang nakakaiyak ng mga palabas pati ako napaiyak. Naniwala naman si Jewel, kaso si Kuya parang nagdududa.

Mas pinili ko na walang makaalam. Hindi ko lang sigurado kung may pinagsabihan si Gio. Ang alam ko lang ngayon, iniiwasan ko siya. Hindi ako nagrereply sa mga texts niya. Pati na rin lahat ng tawag niya hindi ko sinasagot. Nag message siya sa'kin sa messenger pero ini-ignore ko lang ang lahat na ito. Alam niyang nabasa ko iyon, seen kasi ang makikita niya. Tumawag siya sa bahay, ako ang nakasagot kaya binaba ko rin agad ang tawag.

Nagtataka si Papa at Mama, bakit daw hindi dumadalaw si Gio sa bahay namin. Si Jewel naman tuwang tuwa. May iba na daw siguro si Gio o baka natatakot sakanya kaya ayaw bumisita.
Kung alam lang nila ang nangyari, hindi na nila siguro gustong hanapin si Gio sa'kin.
Sumagi na rin sa isip ko ang pakikipaghiwalay sakanya. Ewan. Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung bakit naging gano'n si Gio. May nakain ba siyang mali? May nagawa ba akong mali sakanya? Wala naman akong ibang boyfriend. Ang tapat-tapat ko sakanya tapos gano'n lang ang gagawin niya sa'kin? Leche talaga.

Pansin ko naman na nagsisisi siya sa ginawa niya. Hindi nga daw niya kayang magpakita sa'kin. Kahit ako, ayaw ko siyang makita.

Araw-araw pa din siyang nagtetext. Hindi lilipas ang araw na walang Giobels sa inbox ko. Hindi rin pinatawad ang messenger ko, palagi nalang may bagong message. Minu-minuto yata siyang nag cha-chat. Halos lahat hindi mawalan ng sorry sa dulo.

Parang ganito:
Leslie, I know I'm such a jerk for doing that. But please, talk to me. Please. I'm really sorry I mean it. I know you hate me now, tomorrow and the next day. Just talk to me, please. I'm sorry.

Wala na akong ibang mabasa sa mga messages niya kundi 'sorry'. Paulit-ulit na sorry.

*Good morning, sorry. I love you.

*Good night, Les. I'm still sorry. I love you.

*I miss you and I'm sorry.

Kapag naaalala ko lang 'yung ginawa niya sa'kin hindi ako makatulog. Kung minsan kahit nasa school ako nakatulala lang ako sa hangin. Ang tahimik ko na nga daw sabi ni Diwata, 'nagbabagong buhay ka na, 'te? Ganyan ba ang malapit nang mag 5th year?'

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now